I am a frequent traveler from Cebu to Manila. Since walang jeep na masakyan from the airport I need to get a taxi to bring me to Mall of Asia or Pasay Bus Teminal, di ba ang lapit lang nyan from the domestic airport? Getting a taxi from the arrival area mismo is more expensive kasi flat rate kadalasan ang hinihingi ng taxi driver. Kumpara mo dun sa itaas ng airport na mas cheaper ang rate kasi metered taxi.

Eto po ay matagal ko ng obserbasyon. More often than not, driver of a metered taxi ay sadyang hindi nag o-on ng meter nila kapag nakasakay ka na.

Swerte kapag pasakay ka pa lang at sasabihan mo na agad ang driver bakit off yung meter nya.  May iba nakikipagtalo pa sa yo at sasabihin, “flat rate po kami dito ma’am Php 350.00 po ang rate papuntang Mall of Asia or Pasay Bus terminal.” Kapag matapang ka pwede mo i-insist sa driver na mali yung ginagawa nya.  Kung duwag ka at takot wala kang pwedeng gawin kundi ang magbayad sa demand ng driver. Pano yung mga tao na takot na baka ihinto ng driver ang taxi kung saan-saang iskinita? ‘Pano pag nag byahe ka madaling araw or hatinggabi? ‘Pano yung takot ma hold-up mismo ng taxi driver sa kadahilanang hindi binigay ng pasahero ang gusto  nya? Maraming sitwasyon at kwento na ganito hindi lang sa aking personal na karanasan kundi pati na rin sa pamilya at mga kaibigan ko.  Isang tanong lang ang naglalaro sa isip ko tuwing may ganitong pagsasamantala mula sa mga taxi driver galing NAIA terminals.

Bakit walang proteksyon ang mga pasahero sa mga ganitong sitwasyon bagkus takot at kaba lang ang nararanasan nila?

If you try to think of it, what NAIA or mall management can do is pwede nilang ipatupad ang ginagawa ng mga malls, public places, hotels, especially airport dito sa Cebu.  Kung saan may isang security guard ang nagaassist sa mga tao o pasaherong pumipila sa NAIA taxi bay, or sa mga malls at binibigyan ng “Passanger’s Complaint Slip” ang pasaherong sasakay ng taxi.  Nakasulat sa slip na iyon ang pangalan nga taxi, plate number at body number nito, at ang oras kung kelan sumakay ang pasahero. Nakasulat din sa slip na iyon ang mga hotlines kung saan pwedeng magtext or tumawag ka agad-agad ang pasahero kung sakali mang mapagsamantala ang driver habang naglalakbay.

Magiging kampante ang pasahero nito kasi alam namin kung saan namin pwedeng isumbong ang driver na mapagsamantala at abusado. Sa ganitong sitwasyon, maiiwasan ang kaskaserong pagpapatakbo ng sasakyan at magiging maayos ang mga kalsada sa Maynila, magiging masaya ang mga pasahero galing probensya.

Sana naman po maaksyunan agad ito ng NAIA sa pakikipagtulungan sa LTFRB, MMDA at ibang pang ahensya na pwedeng tumulong para maproteksyunan at mapangalagaan ang ating nga kababayan. Ayokong isipin na huli na ang lahat dahil kultura ng Pinoy ito at wala ng pwedeng gawin sa ganitong sistema.

Sana po pagbalik ko ng Manila, meron ng security guard sa pilahan ng mga taxi sa mga malls, hotels or arrival area man o maging sa itaas ng terminal na magaabot sa aking ng maliit na papel “Passenger’s Complaint Slip” na siyang magiging dahilan para maging mapanatag ang kalooban ng mga nagbabayahe galing sa iba’t ibang probinsya.

Enhanced by Zemanta