Solusyon Nga Ba?
Hindi solusyon ng problema ang isa pang problema
Kung ang alak ang makakatulong para malusutan ang isang gusot, malamang bumili na ko ng isang truck na case para hindi ako maubusan sa dami ng problemang kinakaharap ko.
At kung ang droga at sigarilyo ang syang lulutas sa mga sakit ng mundong hindi matakasan ng mga biktima nito, malamang ito na ang pangunahing reseta ng doktor.
At kung pag-aaway ang solusyon upang mabuo ang samahang sa katagalan ay nasira pa rin, malamang na lahat ng tao ay nag-aaway na sa ngayon.
Ngunit hindi naman ganun.
Ang pagkakamali kahit anong gawin natin, magalit man tayo ng bonggang-bongga, magmura man tayo, sumpain man natin ang kahit na sino, hinding-hindi na ito magbabago.
Dahil hindi totoo ang time machine ni Doraemon. O kahit na anong time portal na napapanood natin.
Ang totoo lang ay ang pag-inog ng mundo.
At kasabay sa pag-inog nito ay ang pagtakbo ng ating buhay.
Bawat gawin natin, hindi na natin maibabalik pa.
Para itong baril na pag ipinutok natin, mabilis na ibubuga nito ang bala. Ni hindi natin namalayan na natamaan na nito ang target natin.
Ngunit katulad ng pagbaril, maaari itong sumablay kung hindi ka asintado sa target mo. At ang pagkakamaling iyon ay hindi mo na mababawi.
Gayunpaman, magsisilbi itong marka upang malaman mo kung ano ang dapat mong baguhin upang tumama ka na sa susunod.
Kailangan mong mag-isip. Hindi yung basta ka na lang pumuputok. Gumagawa ng mga desisyon na kahit mali ay tuloy pa rin.
At kung hindi mo na kaya ay humanap ka ng tutulong sayo para umasinta.
Nanonood lang Sya sayo habang bumabaril ka. At kung patuloy kang nagkakamali, mararamdaman mo, hahawakan ka Niya at iga-guide.
Ang mga bisyo, biglaang galit, pag-aaway, paghihiwa-hiwalay, ay mga bira na basta-basta.
Kung ang buhay ay parang isang pagbaril, bakit kaya hindi kaya humingi ka ng tulong sa kung sino ang nagturo sa ‘yo nito.
Sa kung sino ang nagbigay sa atin ng buhay.
Wag kang makakalimot.
Sa lahat ng bagay ay pasalamatan Siya, at sa oras na hindi mo na kaya, tutulungan ka Niya.
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.



Naalala lang ng tao ang Panginoon kapag meron syang problema o d kya meron parating n sakuna. Pero ako gaano man kaliit n bagay n binigay nya, pagsubok man o biyaya d ko sya nakalimutan. Ang ibang tao kasi d mahalaga yon gusto puro material n bagay. Kong solusyon mo ay inom ay yosi sure matutuwa ang manufacturer nyan kc marami kang nabili sa produkto nila. Bakit hindi mo tingnan sarili mo nasaan ka ngayon. Ano ba ang dapat mong gawin para makaahon. KOng pagbibigyan k ng pagkakataon wag mong laruin kasi pglalaruan k rin ng buhay mo.Ang masama tatanda kang walang nagawa..
INDEED, KAYA KAYONG MGA DRUG ADDICT TIGILAN NA NINYO YAN MGA DUWAG LANG ANG GUMAGAWA NYAN YOU CANNOT SOLVE YOUR PROBLEMS BY CREATING ANOTHER PROBLEM STUPID!!!!!!
INDEED, KAYA KAYONG MGA DRUG ADDICT TIGILAN NA NINYO YAN MGA DUWAG LANG ANG GUMAGAWA NYAN YOU CANNOT SOLVE YOUR PROBLEMS BY CREATING ANOTHER PROBLEM STUPID!!!!!!
gaanu ba kahirap banggitin ang PANGINOON at magbigay papuri sa kanya…kesa puro pahapyaw ng sya sya….sinung sya??…=(
gaanu ba kahirap banggitin ang PANGINOON at magbigay papuri sa kanya…kesa puro pahapyaw ng sya sya….sinung sya??…=(
hindi ba nila kilala ang SYA na tinutukoy ko?
i’m glad napansin mo^^
kasi kung kilala nila yun, malamang matutukoy nila kung sino.. ^^