Sabi ng iba, “If you can’t pronounce it, you can’t afford it.” Lahat ba ng mayaman, magaling mag-english? Eh bakit si Manny Pacquiao, si Mommy Dionisia, nabibigkas ba nila lahat ng pangalan ng restaurant na kinakainan nila? Lahat ba ng brands na ginagamit nila nabibigkas nila ng maayos? Isa pa, lahat tayo guilty dito. Hindi naman lahat ng bagong restaurant at brands alam natin ang tamang pronounciation the first time na nabasa natin ito. Sige nga, bigkasin mo nga ang “pronunciation”? Tapos i-google mo, check mo kung tama ang pagkaka-bigkas mo. :P
Classic examples: Louis Vuitton, Chanel, Dolce and Gabbana at madami pang iba.
So alam niyo na, null and void ang phrase na ito. Dahil hindi lahat ng mayaman, magaling mag-English.
“Porke ba naka-Starbucks ka, mayaman ka na?” Fan page to sa Facebook na isa sa mga kinaiinisan ko. Sino ba nagsabi na lahat ng umiinom ng 100 plus na kape sa Starbucks eh mayaman na?

Issue din sa nakararami ang photo ng iba na may hawak ng baso ng Starbucks coffee. Minsan pati yung picture ng cup of coffee na may nakasulat na pangalan. So? Masama? Nakakainis? Nakakatawa? Ano bang pake niyo? Pera niyo ba yung pinang-bili nila?

Lahat ng tao mayaman o mahirap may karapatang nasain o gustuhin lahat ng nakikita niya sa mundo. Lahat ng tao may karapatang mangarap at abutin ang mga ito.

Kung lahat ng gusto mo ay nakukuha mo, pinagpala ka. Dahil maraming tao sa mundo na dugo at pawis ang iniaalay makamit lang ang mga bagay na para sa’yo ay simple lang.

Bago tayo manghusga, alamin muna natin ang kwento. Yan ang hirap sa ating mga tao, wala naman tayong alam, mahilig tayong mangialam. Alam mo ba, na yung tinatawanan mo sa kabilang mesa sa Starbucks, Intramuros tatlong buwan nagtipid ng pagkain para lang makatikim ng kape na araw-araw mong iniinom? Alam mo ba na yung tatay ng isang pamilya sa kabilang mesa ng Aristocrat, walang binili para sa sarili niya sa sampung buwan niya sa Saudi makaipon lang ng pera para mapakain niya sa magandang restaurant ang mga anak niya?

Hindi mo alam yon! Ang alam mo lang, manlait at manghusga. Pagtawanan ang iba at ipagyabang ang meron ka.

Kailan kaya tayo mabubuhay sa mundo na hahayaan tayong mamuhay ng walang nangdadaot ng pagkatao at nagdudusta sa kalagayan natin sa mundo?

Gumising tayo. Ang buhay ay parang gulong. Umiikot. Ngayon nakakapag-Starbucks ka, baka bukas naka ordinaryong kape ka na lang. Swerte na lang kung may creamer pa.

Hindi lahat ng tumitikim ng sosyal na pagkain at inumin, Social Climber na. Kaya mas mabuting tumahimik ka na lang at i-respeto sila.

Mag-Kape ka kaibigan. Tamaan ka ng nerbiyosin sa sobra mong kayabangan.

Enhanced by Zemanta