Bakit Ka Single? Oh Please!
You are happy with your life right now. Single? Yes! But contented. Lahat ng benepisyo na pwedeng idulot ng singlehood ay naenjoy at naexplore mo na. What you have right now and who you are right now is your own choice…the liberty, the freedom and the personal growth.
Pero sa kasamaang-palad o swerte nga ba, ay may mga kaibigan at kakilala kang ang pagiging ‘single’ mo ang favorite topic nila sa reunion, fiesta o minsan kahit sa pang araw-araw nilang pamumuhay. Sometimes, married or “in a relationship” people say or do the weirdest things to their single friends. Kahit anong ilag o iwas mo, may mga pagkakataon na kasing haba man ng MRT train ang pasensya mo, mapapa “Oh Please! Ibang topic naman!” ka.
1) “Kelan ka ba kasi magiging ‘in a relationship’?” o di kaya “Wala ka pa ring boyfriend/girlfriend?”
‘Pag nagkasalubong kayo eto na agad? Hindi ba pwedeng “Kumusta ka” muna? Kung alam ko ang sagot sa tanong na yan eh hindi na ako nageexpect na may nakalaan para sa ‘ken. Aabangan ko na lang ‘yung exact date. Ang horoscope ko nga hindi masabi ang saktong araw at oras, ako pa kaya? Alam ko ang pagaalala mo para sa happiness ko pero kung araw-araw na lang na makakasalubong kita sa kanto ay eto ang panimula mo, mas maganda yatang paboritong Batibot character na lang pagusapan natin.
2) “Lungkot siguro ng buhay mo noh?”
Believe me, MAS malungkot ung mga kakabreak lang, naumpog ang ulo sa sariling siko o ‘yung nasunugan ng sinaing dahil sa kakaFacebook. My happiness doesn’t depend on being in a relationship alone. Dahil aminin mo man o hindi, marriage or being in a relationship ay hindi naglalagay ng shield para hindi ka na malungkot o masaktan ng kahit sino.
3) “Bakla/Tomboy ka ba?”
Alam kong naglipana na ang mga naglalantad at umaamin na parehong kasarian ang gusto nila, pero hindi eto nangangahulugan na iyon din ang pagkatao ko. Bago mo kantahin ang “This Guy’s In love With You Pare”, isipin mo muna na maaring hindi pa lang talaga panahon para sa sariling love story ko. Ano ngayon kung alam ko at kabisado ang “gay language” ? At ano ngayon kung lalaki ako at favorite ko si Gerald Anderson kesa kay Kim Chiu? Ibig sabihin na ba nito bakla ako kaya ako single? Ang labo mo, pare. Huwag ganon.
4) “Handa ka na bang maging matandang dalaga? Sayang naman lahi mo.”
Choice kong tumandang mag-isa. Oo nga at masarap isipin na magiging isa akong ina, ngunit wala akong balak na ipa-advertise sa Manila Bulletin o sa Wish Ko Lang ang malapit ng mawala sa kalendaryong edad ko. At anong paghahanda ba ang tinutukoy mo? Kung ang pagbili ng rocking chair para sa pagtanda ang tinutukoy mo, hindi pa. Mas inuuna kong isipin ang wheel chair na pangangailangan ng tatay ko. O ang pinapabiling iPad ng bunso namin.
5) “Babaan mo kasi standards mo.”
Alam ko kung ano ang gusto ko. Hindi naman siguro kataasan ng standards kung gusto ko ng mabait, malambing at mabangong hininga. Ano pa ba ang ibababa sa mga ‘yun? We know we are all worth it, kaya nga may standard akong sinet. At bawat isa may kanya-kanyang pamantayan. Ang iba ay gusto ng may matatag na trabaho, magaling magdala ng damit, nasa tamang grammar palagi o di kaya “basta tao” pwede na. Eto ang saken, gumawa ka ng sarili mo. Pwede ka rin namang manggaya kung wala kang maisip.
6) “May ipapakilala ako sa’yo. Binata/Dalaga ‘toh.”
Halos lahat na ng kamag-anak ko at malalapit na kaibigan, nireto na ang alam nilang ‘potential boyfriend’ daw. Pati ba naman ikaw, manong na nagtitinda ng fishballs? Noong una ay natutuwa akong isipin na hangad nila ang mainlove na ako. Wala akong pakialam kung ang nananahimik kong lovelife ang topic sa hapag-kainan. Ngunit later on, it’s not funny anymore, na mismong pati biyudong barbero ng tatay ko ay pilitin na gawin kong textmate at i-add sa Facebook.
7) “Member ka na naman pala ng SMP (Samahang Malalamig ang Pasko)”
Malamig talaga tuwing pasko kaya expected na ‘yon. Hindi para sa relationship status ang diwa ng pasko kung nakakalimutan mo. Kaya bago mo ako litanyahan tungkol sa “masarap kung may kasama ka ngayong pasko” ay isipin mo na “ang pasko ay para sa lahat”. Hindi eto pinagdidiwang para sa isang tao lamang kung hindi para sa lahat, sa kabaranggay, dating pinagkakautangan o sige,pati na rin sa pinaka mortal mong kaaway. Antayin mo ang Valentine’s Day para sa tanong na ‘yan.
8 ) “Valentine’s Day na, pano ‘yan at single ka pa rin”
Paano rin yan at short budget ka na naman dahil sa bulaklak, chocolates at angry birds stuff toys na binili mo? Isang araw lang ang February 14, bukas ok na ako ulit. Wala ng every seconds love song sa radio o kwentong pag ibig sa tv. Pero ikaw, kinabukasan, short budget ka pa rin. Allowed kang mangutang sa aming mga single friends mo. (jejeje)
9) “Try to go out.”
Single lang ako at hindi isang caveman. Being single doesn’t necessarily mean na wala ka ng social life. But going out, hindi ibig sabihin na nasa top list ko na ang maghanap at wakasan ang singlehood. I know how to have fun, sadyang hindi ko pa lang talaga nakikita ang “The One”.
10) “Try mo kaya ‘yung usong ‘online dating’.”
Alam kong may mga lucky few na nakahanap sa mga online dating site. Mga nakakakilig at nakakainspired na kwento pero hindi eto nangangahulugan na dapat ganon din ang maging solusyon ko. Hindi ako komportableng nakalagay ang mukha at some info about me sa isang site na kung saan alam ng mga lalaki that you’re looking for someone.
Hindi isang sumpa ang pagiging ‘single’ in a couple’s world. O isang matinding kulam. It’s just that not all of them want to change their circumstances dahil sa maraming kadahilanan. They have their own reasons and beliefs and you have yours.
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.



Exactly my thoughts!
[...] Bakit Ka Single? Oh Please!(definitelyfilipino.com) [...]
love it,. Hehe., nice article., Ü
hindi ako single pero nakakatuwa talaga basahin mga articles mo
Love is worth the wait. It will come in the right time, person and reason
mabuhay!!!:)
SUPER TAMA.SUPER.ALAWS AKONG MASABI.
Correct para sa akin ang pagiging single ay you can do any want you want. Makakakilos ka ng walang nangigilam makakapag travel ka na hindi mo iniintindi asawa mo at mga anak mo. Minsan nga nasasabi ng mga kaibigan ko mas lucky daw ako kasi single pa ako kung maari nga lang ibalik ang asawa sa magulang binalik na nila hhehe
haha..love it!!
hahahahahaha….MABUHAY ANG MGA SINGLE…..
pero take note…ang tulad naming mga single till now pagnapaibig…tunay at totoo mga pre…naks!!! hahahaha
Liked!
Hahaha… natuwa naman aq sa article mo. (naka-relate din kc aq) At this point, I can say that I’m happy with my singleblessedness at sana matutunan ng ibang “concerned” people sa paligid ko na paniwalaan yun at maging happy rin sila para sa kin. Wag sila mag-alala dahil pag nagka BF na ko magpapa-press conference aq at ipapalathala ko sa lahat ng dyaryo para hndi sila mhuli sa balita. Promise!
Isang malaking CHECK! haha =)
nakarelate ako.
parepost ako neto ah..
Thanks! =)
Single is what i like m0st.. Kasi nagagawa ko ang lahat ng gusto ko.. Ayokong magmadali para magkaroon ng karelasyon at gusto kong ienjoy ang pagiging single.. Mabuhay ang mga single like me..
enjoy life being single for now….hehehehe…
being single – enjoying meantime_freedom while waiting/searching for the right one.
awu awoo! Tumpak peeps ang mga paliwanag mo. Talaga namang nagising ang kamalayan ko. Hehe, ako din isang binatang Ofw- 100percent single, madalas tampulan ng mga pamilyadong pinoy na kasama s trabaho.
Nakaka badtrip na kung minsan kase wala na silang ibang sabihin kundi – “totoy, mag-asawa ka na pagbalik mo ng pinas”…di ba pwedeng syota muna? Tapos sasabihin pa “swerte ang mapapangasawa mo at marami ka ng pera pag-uwi”…di ba pwedeng mag-ipon muna ako para naman di nakakahiya sa babaeng idadambna ko?
Pwede bang single muna, mahal kc ang gatas at bigas sa atin e.
Kudos sa artikulo mo repapeeps!
awu awoo! Tumpak peeps ang mga paliwanag mo. Talaga namang nagising ang kamalayan ko. Hehe, ako din isang binatang Ofw- 100percent single, madalas tampulan ng mga pamilyadong pinoy na kasama s trabaho.
Nakaka badtrip na kung minsan kase wala na silang ibang sabihin kundi – “totoy, mag-asawa ka na pagbalik mo ng pinas”…di ba pwedeng syota muna? Tapos sasabihin pa “swerte ang mapapangasawa mo at marami ka ng pera pag-uwi”…di ba pwedeng mag-ipon muna ako para naman di nakakahiya sa babaeng idadambna ko?
Pwede bang single muna, mahal kc ang gatas at bigas sa atin e.
Kudos sa artikulo mo repapeeps!
tama ka:)
mabuhay ang mga single!