‘Di ko matandaan kung saan ako papunta noon pero tandang-tanda ko ang mga pangyayari sa loob ng FX. Sa totoo lang di ako ‘yung taong mahilig sumakay ng FX kasi ang unang pumapasok sa utak ko eh sa jeep magkano lang ang pamasahe pero pag sa FX halos triple na.. Pero dahil mainit at may konting pera, pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na kahit minsan naman sumakay ako sa sasakyan na may aircon.. Para akong tanga kasi ang iniisip ko ‘yung feeling ng nasa FX na ko. Iniisip ko ang lamig siguro dun sa FX parang Jollibee. Nakasakay na ko pero nabigo ako; ang inaasahan kong lamig ng aircon na katulad ng sa Jollibee eh hangin lang ng katulad ng sa karinderya. Sa likod ako nakasakay at meron pang isang maliit na electric fan na nakatutok sa mukha ko na sobrang ingay!! May isang pasahero ang nagreklamo na “Manong wala na bang ilalakas ang aircon nyo?” ( sumagot ang driver ) “Todo na po yan”… Ang sabe ko tuloy sa sarili ko….. ” Wow ang saya naman..”

Puno ang FX at halos lahat ng pasahero ay nagpapaypay; merong nagpapagpag ng damit para makadama ng hangin. Isa lang ang napansin ko sa hitsura ng mga kasama kong pasahero: sila ‘yung tipong hindi mo pwedeng biruin dahil bawat salita nila ay may kasamang mura dahil sa hina ng aircon. Ang mag-ina na pasahero ang umagaw ng atensyon ko. Nagtataka ako kasi ang init na nga sa FX pero ung anak nya ay nakasuot pa ng “bonet”. Pilit hinihila ng bata ang damit ng nanay para sabihin sa nanay nya na tanggalin na ang bonet sa ulo nya dahil sa sobrang kati na daw nito. Naririnig ko ang sinasabe ng bata kasi nasa likuran lang nila ako. Pinanlakihan ng mata ng nanay ang bata habang hinahampas nya ng pamaypay ang kamay ng bata para hindi nya hawakan ang “bonet” sa ulo nya. Pinagsabihan ng nanay ang bata.. “Kapag tinanggal mo yang “bonet” iiwan kita dito!! Nakakahiya!!”

Sa isip-isip ko.. Nakakahiya?? Ang alin?? Bakit di mo tanggalin ang “bonet” sa ulo ng anak mo eh nakikita mong nahihirapan na ‘yung bata. Nangangati na ‘yung ulo ng anak mo dahil sa init.. Tumigil na lang ang bata at yumuko. Pero sa pagkakataong ito, nakatulog ang nanay ng bata. Heto na ang oras na hinihintay ng bata. Hindi na sya nakatiis at tinanggal na nya ang “bonet” na kanina pa nagpapahirap sa kalagayan nya..

“F$#K!!” Akala ko matibay na ang sikmura ko pero sa nakita ko sa ulo ng bata parang gusto kong sumuka. ‘Yung katabi nyang lalaki gusto ng bumaba kaso mabilis ang takbo ng FX. Puro nana at galis ang ulo ng bata. Kumakatas pa ito at naglalangis na may halong dugo. Pilit nya itong kinakamot ng daliri nya at  ‘yung mga langib ng sugat ay nakikita kong sumisiksik sa mga kuko nya. Gusto kong dumura pero hindi pwede kasi sarado ang bintana. Nagising ang nanay dahil sa mga reaksyon ng mga pasahero.. “Ay leche ka!! Sabe ng wag mong tatanggalin dahil nakakahiya!!” Pinaghahampas nya ang kamay ng bata at pilit ng sinuot ang “bonet” sa ulo nito at nakita kong tumatagas ang katas ng sugat sa batok ng bata.. Ang kaninang akala kong sinabe ng nanay na “nakakahiya ” ay yung iwan nya ‘yung anak nya.. Nagkamali ako..Ngayon alam ko na.. Kinakahiya nya pala ang karamdaman ng kanyang anak!!

“Manong sa tabi na lang po!! Para!!”
-JET

Enhanced by Zemanta