Boyfriend at Sapatos
Two months na akong naghahanap ng white wedge sandals. Apat na beses ko nang inikot ang Megamall, Shang, Trinoma, SM North Edsa, Robinson’s Galleria, Glorietta at Mall of Asia. Pero wala pa rin akong makita. Simple lang naman yung gusto ko, unang-una, dapat puti. Tapos wedge, pero hindi ganun kataas. May strap at bohemian ang look. Pero ayoko rin ng sobrang strappy. Kumplikado masyado. Dapat magaan din, dahil baka hindi pa ako nakakalayo sa bahay eh masakit na yung paa ko. At syempre, dapat bagay din sa akin. At hindi dapat ka-presyo ng isang pair ng running shoes.
Mahirap bang hanapin yun? I’m sure may ganung klase ng sandals somewhere. Pero bakit wala akong makita? Naisip ko tuloy, para palang boyfriend ang sapatos. Ang hirap makahanap ng perfect fit!
At dahil naikumpara ko na rin naman ang sapatos sa boyfriend, naisip kong i-detalye ang klase ng pinaka-memorable na “sapatos” na nagkaroon ako.
The Well –Loved Shoes:
Ito yung pinaka-recent na meron ako. Ito yung klase ng sapatos na ok na sana. Swak na. Simple lang ‘to, hindi kagandahan, hindi kamahalan. As a matter of fact, it’s too simple for my personality. Ito yung klase ng sapatos na makikita mo lang sa mga normal na tao. Hindi pang-artista kung baga. ‘Yung tipong pag suot ko, wala lang. Walang dating. Walang nagcocompliment ng: “Nice shoes”, hindi ako napapangiti sabay sabing :thanks. Walang nagtatanong sa ‘kin kung saan ko sya nabili. Walang nagsasabi na: sana ganyan din yung “shoes” ko kasi nga hindi naman “catch”. Pero dahil comfortable ako ‘pag suot ko yun, favorite ko ‘yun. Ipinagmamalaki ko sa mga kaibigan ko kahit tinataasan nila ako ng kilay dahil nga, hindi yun ang tipo ko. At kahit na marami ang nagsasabi na hindi bagay sa akin, hala sige, sinusuot ko pa rin. Matigas ulo ko eh.
Pero may problema pala. Hindi na nga sya bagay sa akin, hindi pa sya matibay. Kaya ayun, sira agad. Eh kaso makulit ako; ilang beses na akong sinabihan na itapon ‘yun,pero dahil nga paborito ko ‘yun at may “something” sa “sapatos” na ‘yun (na hanggang sa ngayon ay hindi ko mawari kung ano), ayun, sinubukan ko pang ayusin. Naisuot ko pa naman uli. At naging masaya naman ako. Kaso nga dahil sadyang hindi matibay, ayun bumigay. Sa pagkakataong ito, hindi na ako nag-abalang ayusin uli. Napagod na ako. Feeling ko, its not worth the effort dahil maayos man iyon, eventually bibigay at bibigay din ‘yun. Bakit ako magtyatyaga? Eh marami pa namang ibang “sapatos” dyan. Mas maganda na, mas maayos pa.
Kaya ngayon, ang dati kong well-loved “shoes” ay isa na lang basura. At may pulubi ng pumulot sa kanya.
The Almost-Perfect Fit:
Ito yung kabaligtaran ng well loved shoes. Kasi ito ‘yung sapatos na pang-artista. Ito ‘yung ‘pag suot ko, ay ang ganda ko neng! Ito yung makakarinig ka ng compliments na: ang ganda naman ng “sapatos” mo, bagay sa ‘yo. At kahit patakbuhin mo ako ng tatlong kilometro, hindi na maaalis ang ngiti ko.
Ang problema: masakit sya sa paa. Pero syempre, ako lang ang nakakaalam nun. At dahil maganda sya sa akin, sige, todo sa pagsuot. Binabalandra ko pa. Pinang a-aura. Kesehodang paltos ang mga paa ko pag-uwi ko sa bahay.
Pero dumadating din pala sa punto na masyado nang masakit. Hindi na kinakaya ng band-aid. ‘Yung tipong ako na mismo ang ayaw magsuot, dahil hindi na ako makalakad ng maayos. Kaya kahit gaano sya kaganda sa akin, kung naikakahon naman ng “sapatos” na ‘to ang pagkatao ko, kung nalilimitahan naman ang distansya ng pupuntahan ko, kung hindi naman ako malayang nakakatakbo, mas mabuti na ring tigilan ko na. Pero at least, ang sapatos na ‘to, hindi bumigay. Hindi nasira. At sa oras na maghilom yung mga paltos sa paa ko, pwede ko pang balikan…
The Glass Slipper:
This is the shoes of all shoes. Dahil ito ‘yung sapatos na bigay ni fairy godmother kay Cinderella.
At dahil bigay sya ni fairy godmother, PERFECT ito. Wala ka nang ibang mahihiling pa sa “sapatos” na ‘to. Nasa kanya na ang lahat- maganda, bagay sa akin, hindi masakit sa paa, at sobrang matibay pa. Pang-prinsesa. Kaiinggitan ako pag suot ko ito.
Ang problema: Hindi ako si Cinderella. Napunta ang perfect na “sapatos” sa maling paa. Kaya kahit kasya, bagay at laan sya sa akin, wala pa ring magic. At kahit anong pilit, wala talagang sparks. Kaya kahit sobrang “catch” sana ang “sapatos” na ‘to, hindi ko pa rin magawang isuot. Gusto ko sanang angkinin na lang ang sapatos na ‘to. Pwede ko naman ‘tong isuot kahit walang fireworks di ba? O baka malay ko, baka dumating yung araw tatalab na yung magic. Pero ayokong maging makasarili. Kaya nanghihinayang man ako, pinakawalan ko yung sapatos, kasama ang isang taos sa pusong hiling na sana, mahanap na nya yung totoo nyang prinsesa….
Ngayon, gusto ko pa ring magkaroon ng white wedged shoes. Pero awat muna sa paghahanap. Baka mapagod ako. At this time, sisiguraduhin kong hindi ko na ico-compromise yung standards ko at yung gusto kong style dahil lang comfy yung shoes o dahil maganda sya sa paa. Hindi ako maniniwala sa mga bulong ng tao na ok ang “sapatos” na ‘to. Hihintayin ko yung sapatos na gusto ko talaga. Espesyal ang sapatos na ‘to, dahil iteterno ko yan sa puti kong bestida. At alam ko isang araw, makikita ko rin sya….
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.



saken, nahanap ko na yung sapatos ko pero sadyang mahal…hindi ko pa kayang bilhin…mamumulubi muna ako…5k?oa..hindi ako artista..pero yun kasi ang dream shoes ko..sana pag bumalik at handa ko nang kunin yun, ay instock pa rin siya..available pa rin siya…hay
cute ng theme!!! love it, i can say it can really happen in real life!!! two thumbs up!!!
would it be ok if the title is boyfriend and panty just wondering.besides you could feel the comfort and the almost perfect fit, the well loved but with the exception of course being the glass panty,.ive never thought of that it would exist,.interestingly if it was a simile to a bf then it is best wrapping with the essence part rather than the feet.,anyway its just an unsolicited opinion.
ummm… question? umm un first part ng story historically acurate or for literary purposes lang? naisip ko lang kase… 7 malls in 2mos (8weeks). thats 1 mall every 8 days. and 4 times mo inikot each mall. so nakaikot ka ng isang buong mall dulot dulo, taas baba every other day. or kalahating mall per day. and you did that everyday for the last 2mos. whew! inggit ako sayo day! dami mo time! seriously… if i needed to get anything at the mall. i have to make a list and when i have about 10 to do things in my list i have to squeeze that in to my busy schedule, run from spot to spot to tick off everything in the list. I guess that happens when you have a kid to come home to now.. in any case, i still found the perfect shoes (un literal na sapatos, hindi boyfriend kasi obviously meron na ako.) and im still finding more and more awesome shoes. just by going thru my normal life and errands. they call out to me. i find them, they find me. baka ganun din sa boyfriend. dont try to find it. itll find you.
just brilliant!
Oh well, I can always find beautiful shoes,pero di fitted sakin.. may gusto akong close shoes high-heels pero di ko mahanap kahit saaaaan!! arrgh! now,kung ano ano na naiisip ko dahil ginatungan pa ko ng novel na toh. TSK! ahaha
Oh well, I can always find beautiful shoes,pero di fitted sakin.. may gusto akong close shoes high-heels pero di ko mahanap kahit saaaaan!! arrgh! now,kung ano ano na naiisip ko dahil ginatungan pa ko ng novel na toh. TSK! ahaha
Mahirap mahanap ang perfectly fit satin
pero i know, in God’s time kusang dadating yun
We may not be that “PERFECT”,but love and understanding will rule
“Love is kind, Love is patient…..It keeps no record of wrongs”
Isa ito sa napakasimpleng blog pero madaling makarelate.Hindi naman kailangan napakagaling sa english ang importante madaling ma intindihan at ma appreciate ng isang simple at ordinaryong Filipino.
Wow..I’ve learned a lot.
korek!
nice work..simple pero tumatagos..
Gling nmn
Nice blog.kaya mga ka df,hindi kailangan branded,hindi kailangan may dating ang importante e ka match ng paa…dahil ang relationship hindi pang decor or pang display kailangan komportable sa lahat ng bagay.
nice read, made me smile
thanks. and… more pls!? <3 <3 <3
ang sarap basahin
2 thumbs up !!
http://www.facebook.com/TheSecondGear
kaya nman pla hanggang ngayon wla ka pang boypren ay dahil sa tinuturing mo lang na bagay ang mga boyfriend at feeling mo ok lang silang apak-apakan…ang galing ng artikulo na to…it really reflects the writer’s personality!
ang bobo mo naman.. inihalintulad nga lang ung kwento dun sa sapatos.. ang galing nga ng pag kasulat ng author eh.. lasalista ung “alias” mo pero ang bobo mo.. basahin mong mabuti ng maunawaan mo ang pagiging selfless at open minded ng author.. tsk tsk.. comment kasi ng comment di naman pala naintindihan.. bitter ka noh.. maybe someone just dumped u recently… LOL..
ah oo nga nman ang bobo ko kasi nga nman parepareho kayong mga babae na nagpapalit lng ng boypren, este, sapatos…
lasalista?! ni hindi mo alam ang iba’t ibang mukha ng literatura..wag mgcocomment kung wlang alam pwede?!
“Espesyal ang sapatos na ‘to, dahil iteterno ko yan sa puti kong bestida. At alam ko isang araw, makikita ko rin sya….” kung ang lalaki iteterno mo lang nman sa panlabas mong anyo…ahahaha malas nman ng lalaki na yun!!! mga bobo pala kayo eh sang-ayon pa kayo sa author na manggagamit ng sapatos, este boypren!
Nung nabasa ko ang bestida, what came into my mind ay ung wedding dress. lol! un ata ibig niyang sabihin?
yun na nga eh bestida, wedding dress, so hanggang sa kasal lang nya iteterno yung sapatos, este boypren, tas sa hanggang kamatayan ay gagamitin na lang nya ang boypren, este sapatos, at aapak-apakan na lang ito….sbi nga ng nagcomment bobo daw ako, pero nagustuhan ko yung comment ng isa na paano daw kung panty at hindi sapatos, kung isusuot mo yung glass panty…nagpapakita lang na ang tao dapat hindi ihinahalintulad sa bagay, unless manggagamit ka talaga…
i thought so!! u just been dumped!!! LOL.. wag maging bitter!! kaya binibreak eh… LMFAO!!!
nku.. I don’t mean any harm to anyone in here. @lasalitsta, uu nga mahirap ihalintulad sa isang bagay ang isang tao. Pero nireresputo ko ang ibang anggulo na nkita mo, although it’s in the ‘bitter’ side, ika nga ni Joyce. The way I see it, gusto niyang tingnan ang sapatos na isang bagay na kasama niya habang nilalakbay ang buhay, na mahihirapan xa kung ndi niya suot ang sapatos na iyon while walking through the path of life. ‘yon lang naman po.
Merry Christmas po sa lahat!
Yung pagkakaintindi ko sa article na to ay tulad nung mga nauna, ‘ang galing’, ‘wow’. Sabagay, syempre may kanya-kanya pa rin tayong interpretation & perspective sa mga binabasa natin. I am amazed na may iba pa palang pwedeng maging kahulugan yung article na to sa mga readers (esp boys). Ang galing ‘din’ ng pagkakaanalyze ni lasalista.
“ah oo nga nman ang bobo ko kasi nga nman parepareho kayong mga babae na nagpapalit lng ng boypren, este, sapatos…”
Pero hindi naman lahat ng babae katulad ng inaakala mo. Nakilala mo na ba lahat ng babae para masabi mo yan?
for the author: ang galing at ang ganda talaga ng pagkakasulat <3 nung pagkakarelate ng boyfriend sa sapatos.
Di ba ang tinutukoy mo naman ay yung fitting (nung shoes and nung boyfriend in terms of relationship), at hindi yung pagpapalit palit ng sapatos (na hindi naman ginagawa sa boyfriend), right?
very nice blog… very inspiring, parang gusto ko magsulat ngayon..:)
ang galing nman… agree ako talaga!
kya pag nakita mo na ang sapatos na talagang laan lang sau alagaan mo mabuti at iingatan pra pra kahit lumipas mas ang mahabang panahon ang sapatos mo ay mananatiling maayos ano man ang mangyare at saan ka man dalhin ng paa mo. mahal ko forever and sapatos ko na isusuot ko until my last breath…
buti hindi ako mahilig sa sapatos. ng sapatos ang mahilig sa akin.. nice reads!!
grabe para sa akin ito ang pinaka magandang blog on this site!
to the author: keep it up!
blog some more!
ang ganda….. sakto!!! kakaiingit at nakakainspired!
thumbs up
Galing! Super nice…. Relate na relate….. Kahit anong gusto mo sa isang tao… Kung di talaga kayo… Di uubra….