Ang JEEPNEY ang isa sa pinakasikat na transportasyon ng bansa. Mayaman ka man o mahirap , pagkasakay ng jeep eh pantay-pantay lahat. Walang pakialam ang katabi mo kung anak ka man ng senador, presidente, o ni HENRY SY. Ang alam lang nila, SUMAKAY ka ng jeep at magbabayad ka din katulad nila.

Teka muna, ikaw ba may karanasan sa jeep ?

Tayong mga JUAN ay hindi maitatangi na mahilig tayo sumakay ng JEEP.  BAKIT? Dahil mura ito at mabilis.
Pero may mga panahon na mapapamura ka talaga, hindi dahil sa jeep kundi dahil sa katabi mo o sa driver na lasing na nagmamaneho ng sinasakyan mo.

Galing akong paaralan at gusto ko ng umuwi. Syempre bilang estudyante mas makakatipid kapag nag-jeep ako.

Ewan ko ba kung bakit may mga taong sumasakay ng jeep pero daig niya pa ang sumasakay ng TAXI.
Alam ko na may nakaengkwentro ka nang ganito, pero syempre, entry ko to kaya iisa-isahin ko ang mga JUAN at JUANA na mala-reyna sa loob ng jeep.

UNA sa listahan ang JUAN at JUANA na AYAW MAG-ABOT NG BAYAD.
- Ohh ha ! Sino ang hindi naka engkwentro ng ganyang JUAN at JUANA na kahit anong pakisuyo mo ay ayaw mag-abot ng bayad?
Pero ‘pag ang bayad niya ang ipapaabot, daig pa niya ang mayordoma na makapag-utos . Galing noh ?
Kunwari walang narinig at tumitingin sa cellphone kahit walang LOAD ‘wag lang makapag-abot ng bayad ng kapwa pasahero. Bakit alam ko? Dahil gawain ko din ‘yun minsan , at pati ikaw din :)
Buti na lang sana kung lahat ng jeep ay may konduktor, pero hindi eh . Kaya simulan niyo na mag abot ng bayad .

PANGALAWA, mga JUAN at JUANA na HALOS SAKUPIN na ang BUONG UPUAN NG JEEP.
- Excuse me ! pwede paki urong ? Yan ang sinasambit kung magpapausog ka ng tao para makaupo ka ng tama . Eh anak ng #$%@! Bakit may mga taong ayaw umusog ?! Bakit? Sa kanila ba ang jeep ? Dalawa ba binayaran nila at ayaw nila umusog ? MABIGAT BA MGA TOOOOT nila at mahirap iangat? ANO BA ?!
- Minsan sumakay ako ng jeep at syempre rush hour yun, mejo masikip , pero tong isang babae, grabe makabukaka ng mga HITA niya at naka side view pa, ano akala niya sa jeep ? MERCEDEZ BENZ niya? syempre pinakiusapan ko na umusog ng konti kasi pareho lang kami nagbabayad . Eh ayaw kaya sabi ko sa konduktor, hindi ako ang magbabayad dahil hindi ako nakaupo, yung isa ang singilin mo. AYON ! naka LIBRE ako at naturuan ko pa siya ng leksyon.

IKATLO at medyo madami ang matataman, ANG MGA MAGKASINTAHANG NAGLALAMBINGAN .
-Weeet ! Pasintabi po. ETO AY OBSERBASYON KO AT TOTOO ITO< AMININ MO MAN O HINDI ALAM KONG NATAMAAN KA .. :)
- Eto yun , alam naman namin na inlove na inlove kayo sa isa’t – isa  at alam naman namin yun . OO . OO . OO !
- Ang point, hindi masama na maglampungan kayo at maghalikan at mag-ano pa man .. PERO naman ,gawin ba namang motel ANG JEEEEEEPPP!!!
Sabi nga ng teacher ko sa PDPR4 .. “SAVE YOUR PASSION LATER.” Hindi kasi magandang tingnan yun. JEEPNEY is a public vehicle, since it is PUBLIC you should act properly . HINDI SIYA SWEET TINGAN O NAKAKAKILIG . Magmumukha ka lang CHEAP dahil pumapayag ka sa na JEEP ka lambingin ng BF/GF mo.

PANG-APAT .. MGA JUAN at JUANA na may PUTOOKKKK !
- Ilang beses mo na ba nakatabi ang mga juan at juanang may BOMBA ..
Ano ang gagawin mo kung ang katabi mo ay may BO ?! Bahala na si batman basta makapagtakip lang ng ilong at makalanghap ng sariwa at UNPOLLUTED na hangin mula sa jeeeeep !

‘Yun ang mga MAJOR MAJOR na napansin ko sa loob ng jeep at masasabi kong  ang jeep ay isang transportasyon at hindi MOTEL, BAHAY,o MERCEDEZ BENZ . Igalang naman natin ang mga sakay nito at pati ang sarili mo . Ang jeep ay pampublikong transportasyon .. TRANSPORTASYON ng mga ibat-ibang klaseng tao . Kung natamaan ka , natamaan din ako. Kung hindi ka natamaan .. BAHALA KA SA BUHAY mo . :)

pero walang halong biro .. seryoso ako ..

paki-abot naman ng bayad ko . :)