Sino ba Nag-imbento ng LOVE??
Boyfriend, Girlfriend, Relationship, LOVE…. Misunderstanding, Guilt, Cheat, SACRIFICES..
Na-inlove ka na ba? Nag-kagusto sa iba? Nanligaw? O di kaya niloko? Hehehe. In-love, napakasarap na pakiramdam. Parang lahat mawala na wag lang yung feelings na yun. Nakaka-adik, lahat gagawin mo para sa taong yun. Pero sa huli sakit at hirap pa din ang kinahahantungan. Oo,may mga ilang na ayos pero karamihan ay kasawian. Ito’y hindi nasusukat sa tagal ng pinagsamahan ng dalawang tao o sa kahit anong bagay/ugali na parehas kayo. Sa mga di pa nagkakaroon ng isang pormal na relasyon (BF/GF) ito yung posible nyong kaharapin pag nandun na kayo. At para sa may mga karelasyon, pwede nyo rin basahin. Hehehehe!
Sa relasyon ang unang 4 -6 na buwan ang pinaka masarap. Yung tipong sariwa pa yung nararamdaman nyo sa isa’t isa. Yung tipong gusto mo parati syang nasa tabi mo. Ayaw mo malayo sa kanya. Sa mga lalake todo effort pag dating sa mga regalo,lahat ng surprises gagawin. Ganun talaga ‘pag mahal mo. Pero di ba after nun dumadating yung mga pagsubok? ‘Yung ung tipong selosan, misunderstanding at yung pinaka mahirap yung nasasakal ka sa karelasyon mo o naiipit ka. Babae o Lalake iisa lang, lahat nagkakamali o kanya kanyang katarantaduhan. May mga relasyon na mabilis lang natatapos; ano ibig sabihin nito? Nagpalipas lang ng oras? Siguro di lahat,may mga iba na sadyang di lang para sa isa’t isa. May iba din na pinag bigyan lang yung partner nya kahit di nya ‘to mahal,paasa lang. At may ibang sadyang kumuha lng ng panakip-butas. Ang sasaket di ba? Pero ito ang katotohanan.
May ibang relasyon na sobrang tumatagal. 3 hanggang 5 taon, minsan umaabot pa ng hangang 10 taon, pero sa huli iisa pa din yung ending. Bakit? Di porket tumagal ka sa relasyon ibig sabihin nun ay kayo na talaga. Kung tutuusin, ito yung pinaka mahirap na stage. Kapag tumagal na kayo ng ganun katagal, nababawasan yung tamis o yung spark ng relationship. The feeling of love is still there pero nakakasawa kasi walang bago. Ayaw mo sya mawala,pero alam mo din na hindi nagwowork yung samahan nyo. Anu pa ba dapat mung gawin? Hehe. Hirap noh? Bakit ba kasi naimbento yung love?
Dumadating din na akala mo mahal ka talaga nya, nararamdaman mo yun sa tuwing magkasama kayo o mag kausap. Pakiramdam mo sya na talaga, kaya ikaw mamahalin mo talaga hanggat sa kaya mu. Lahat ng pag subok lalabanan kasi di ba nga sabi mo sya na. And then one day pag gising mo na lang mararamdaman mo na nanlalamig na sya sayo sa di mo alam ang dahilan. Minsan kahit sabihin natin na ilang taon na kayo, di pa rin malabong mangyayari to. Pipilitin mong ibaba yung pride mo para lang habulin sya at mabalik yung dati nyang feelings sa sayo. Kahit tinitulak ka na palayo, para ka pa din tanga na lumalapit at umaasang babalik sya. Ang hirap nga naman kasi walang kahit anong reason syang sinabi bat ayaw na nya, sasabihin lang na “I need space, o I need to find myself”, parang gago di ba? ‘Yung dating sinasabi nya sa ‘yo na “All I need is you” mapapalitan lang ng ganon sa isang iglap. Haist!
Nakita mo sya,
Nag-usap kayo,
Naging magkaibigan,
Nag ligawan,
Naging kayo,
Nagmahalan,
Sa huli ano?
Nagiyakan…
Di lahat nauuwi sa ganito sabi ko nga pero karamihan ganito, reality bites mga girls/guys.
Bakit ka umiiyak after nyo maghiwalay? Dahil mahal mo pa sya at dahil sinaktan/niloko ka nya.
So?? Bakit mo kelangan iyakan yung taong nanakit at nanloko sa ‘yo na dapat kamumuhian m0? Dahil mahal mo sya? Ano mas maganda, mag pakatanga o mag move on na lang? ‘ Di lang sya yung tao sa paligid mo. Always remember that. Kung mahal ka ng tao, di ka nya hahayaang umiyak o masaktan.. yun lang yun.
Kung mahal nyo talaga ang isa’t-isa, sige ipaglaban mo. Pero kung wala pa din mangyayari, I think it’s time for you to stop. At least masasabi mo sa huli na “Ginawa mo naman ang lahat,ang kaso di lang sya nakuntento” .
Anong punto ko sa pagsusulat ng kwento ko? Simple lang:
Kung pakiramdam mo, buong mundo na ang tumututol sa ‘yo sa pag-hawak sa isang bagay, bumitaw ka na. Hindi lahat ng ganyan, pagsubok. Kung minsan, pahiwatig. Hindi kabawasan sa pagkatao ang pag-bitaw, minsan pagpapakita ito ng katapangan na harapin ang katotohanan na hindi iyan ang nakatakda.
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.




[...] Nice post from http://definitelyfilipino.com/blog/2011/12/03/sino-ba-nag-imbento-ng-love/ [...]
Hindi naman nasagot kung sino nagimbeto ng love! haha!
tama!!!nice one,
nice one…. tama!!!
niceeee
sino naka imbinto ng Love? si Stimuli na dumaan sa mata, papuntang utak para i open yung switch ng puso para tumibok ito. hehehe
di nman imbento ang LOVE KUSA ITOng nararamdaman,
Hold on!!! keep on praying, be strong.
hmmmm the entire world says let go!!!! I am praying LOVE is hard!
” Only God” <3<3<3
Love. It is a gift from God, not an invention. It is who we are. It is what God made us for.
very well said…:-)
Hindi po pwedeng Imbentuhin ang LOve dahil di naman po ito Bagay.
Pero pwedeng Ibigin ang isang imbensyong Bagay.
LOVE is GOD…
sana bago muna inimbento yung love,naimbento muna yung respeto..para hindi n naimbento yung ktangahan..tsk tsk nauna kc maimbento yung gamit kya sumunod n inimbento yung mga mang gagamit..
Reajohn is right, its GOD Himself because GOD is LOVE…
LOVE is…patient, is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. “1 Cor. 13:4-7″
ako ang tunay na pag mamahal!
si eva tsaka si adan
All things are from only and no other is the Godfather!
love ko to!!! Hindi mc do…..
kelangan pa bang i-memorize yan???
sino nga ba s’ay sa puso mo at kaya mong saktan ang tulad ko gayong lahat-lahat ng akin at pab-ibig ay binigay sa’yo sino nga ba siya’t iniwan mo iniwan mong bigo ang tulad ko may pagkukulang ba ako’t nagagawang saktan ang puso ko
c bro…
When God created the world He created love…..
now im not sure who created hatred..lol
Yup… the God Almighty…
G0d himself<3
love is totaly natural feeling to other people..it`s not created like a things…but two lovers can be create it by their feelings..this is gave from our only one god,,amen!!!!!