Note from the Author:

Lilinawin ko lamang po ang aking isinulat ay base sa mga kwento ng mga taong mas nakakakilala kay Cristy na nagkataong may connection din sa akin ng personal. Hindi ko po isinulat ang mga information na galing kina Jun at Anna..Just to be fair with Cristy …Hindi kami magkakilala ng personal ni Cristy subalit may mga “common friends” kami dahilan sa ang inyong lingkod ay aktibo sa mga social works,events and other Filipino community gatherings  dito sa America..

Tubong Maynila si Cristy, bunso sa magkakapatid….

Maganda si Cristy, bilugan ang mukha, singkit at sexy kahit di katangkaran. Nagtapos ng kursong Dentistry si Cristy sa Centro Escolar University. Palibhasa bunso sa magkakapatid, sunod sa layaw si Cristy ng mga panahon na ‘yun, paborito kasi sya ng Daddy nya na General sa Philippine Marines.

Nakilala ni Cristy si Jun noon sa isang canteen na pag-aari ng kanyang tiyahin sa may harap ng Malacanang. Si Jun noon ay kasalukuyang nagtatarabaho bilang parte ng Presidential Security Group. Mas bata si Cristy ng 3 taon kay Jun. Palangiti si Cristy, kabaligtaran  naman ni Jun. Marahil dahilan na rin ng nature ng trabaho ni Jun na di dapat basta basta magtiwala.  Na love at first sight si Cristy kay Jun. Si Jun kasi ang tipo nyang lalaki, tahimik, matangkad at kahit di kagwapuhan, napakalakas naman ng karisma. Gumawa ng paraan si Cristy na makilala si Jun lalo na nga at nalaman nyang kamamatay lang pala ng misis nito at wala ring pamilya. Since si Jun ay suki sa canteen ng kanyang tiyahin, naging madali ang kanilang pagkikita at pagkakakilala…

Naging open si Cristy sa feelings nya kay Jun, hayagan nyang ipinakita kay Jun na gustong gusto nya ito. Lubhang nagpailang ng husto kay Jun ang mga ginagawa ni Cristy noon lalo na nga at commanding officer nya noon ang Daddy ni Cristy noong nasa Krame pa sya. Pero sadyang di papapigil si Cristy.

After a few months, sinabihan nya si Jun at ang mga kasama nito na umattend ng birthday nya sa isang hotel sa Maynila. Nag-alangan si Jun at sinabing di sya makakarating dahil sa trabaho. Sadyang umiwas si Jun dahilan na rin sa respeto sa Daddy ni cristy bilang mataas na opisyal. Subalit ang Daddy naman ni Cristy ang kinulit nya at pinilit na imbitahan ang grupo nina Jun na dumalo sa kanyang birthday. Palibhasa, bunso at paborito, sinunod ng Daddy nya ang hiling ni Cristy.Walang nagawa si Jun ng humingi ng security assistance “kunwari” ang Daddy ni Cristy. Kaya di na sila nagtaka ng hayagang sinabi ng General na pwede silang makiparty at uminom kahit sila ay nakaduty. ‘Di sanay uminom si Jun ng alak, hanggang beer lang ang kaya nya. Maximum na ang 3 subalit ng gabing ‘yun napilit sya ng mga kaibigan nina Cristy na uminom ng higit sa kanyang kaya. At nagyari na nga ang ‘di dapat mangyari. Nagising na lamang syang nasa isang silid at katabing hubad si Cristy. Biglang natakot si Jun sa eksena at hindi alam ang gagawin. Madali syang nagbihis at umalis ng kwartong ‘yon….

Pagkalipas ng ilang linggo, muling hinanap ni Cristy si Jun sa kadahilang sya ay nagdadalang tao. At si Jun ang ama. Gulong gulo ang isipan ni Jun, ‘di pa sya lubos na nakakabawi sa lungkot ng pagkamatay ng kanyang unang asawa at parang suntok sa kanyang sikmura ang kasalang magaganap sa kanila ni Cristy. Nang malaman ng Daddy ni Cristy na buntis ang anak, agad agad nyang pinatawag ang commanding officer ni Jun sa PSG. At nagbabalang may mangyayaring masama kay Jun kung hindi papanagutan ang kanyang anak.

Naganap na nga ang kasalan at pagkalipas ng ilang buwan, nagsilang si Cristy ng kambal na anak. Isang lalaki, si Jayjay bilang panganay at ang babaeng si Jessie naman ang pangalawa. Nagbigay ng ibang ligaya kay Jun at inspirasyon ang kanyang mga anak kay Cristy. ‘Di nya natutunang mahalin si Cristy bagamat ibinibigay niya ang respeto rito bilang ina ng kanyang mga anak, na kahit anong pagmumura ni Cristy kay Jun noon na dumadaan sa isang depresyon na dulot ng panganganak, pinilit ni Jun na intindihin ang lahat , ginawa na lamang busy ang sarili sa trabaho. Hanggang sa lumipas ang panahon na pati mga anak nila ni Cristy ang nasasktan na ng ina. Mas lalo itong naging insecure, selosa, at control freak sa mga anak. Dito na umalma si Jun, wag ang kanyang mga anak noon ay halos teenagers na kaya nya tiisin lahat ng ugali ni Cristy pero ayaw nyang magsuffer ang mga bata….Nakiusap si Jun sa Daddy ni Cristy na tulungan ang kanyang anak na ipagamot sa isang doktor sa utak, naawa na rin kasi sya kay Cristy. Naintindihan naman ng general ang ibig ipahiwatig ni Jun dala na rin ng awa sa mga apo na mahal na mahal rin nya..Nagkataong ng mga panahon ding yun, dumating na ang acknowledgement letter from the embassy upang madestino si Jun bilang Defense Attache ng bansa..Masakit man kay Jun na iwan si Cristy sa ganung kalagayan at ang mga anak subalit bilang sundalo dapat nya itong gawin ng walang alinlangan.

Nagdaan ang mga taon, limang taon bago nakuha ni Jun ang pamilya dala na rin ng pangungulila sa mga anak lalo na si Jayjay…Bagamat may pag aalinlangan na kuhanin si Cristy, isinama na rin nya.

Inakala ni Cristy na magiging maayos ang lahat para sa kanyang pamilya subalit, lalong naging masalimuot ang buhay nila sa america, dahilan na rin ng pagiging busy ni Jun sa kanyang 3 trabaho at ang mga anak nya ay busy rin sa school. Naging malulungkutin muli si Cristy upang bumalik muli ang pagiging bugnutin. Hanggang dito rin nila natuklasan sa American na may kanser sya sa Matres, stage 3….Agarang naipagamot ang kanyang sakit…Maraming beses syang dumaan sa chemotherapy…Nakakasurvive naman sya sa mga kanser dala na rin treatment subalit paulit ulit…ngunit di bumibitiw si Cristy, lumalaban sya…

Alam na rin nya ang tungkol kay Anna, si Jayjay ang nagsabi sa ina…Natural lamang na umiyak at masaktan si Cristy subalit alam nya na kahit kailan di naging KANYA si JUN…Dumating na ang taong totoong nagmamay-ari sa PUSO ni Jun..at yun nga ay si Anna…

Tinaggap ng maluwag sa puso ni Cristy si Anna subalit di pa sya ready na makilala ito….Nakiusap sya kay Jun na alagaan sya at mahalin  kahit bilang kapamilya lamng sa mga huling taon o araw ng kanyang buhay na malugod namang pinaunlakan ni Jun..Naunawaan din ni Anna ang kalagayan ni Jun at ang pakiusap ni Cristy……

 Para sa akin ang pag-ibig ay hindi laro o bagay na dapat angkinin..Ito ay kusang ibinibigay sa taong dapat paghandugan. Minsan bilang tao, may mga pagkakamali tayo na dapat aminin, kapag pinanindigan ang akala natin ay tama, at the end of the day tayo pa rin ang mag dudurusa sa ating mga ginawa. Hindi natin pwedeng sisihin ang ibang tao. At lalo di natin dapat iasa sa iba ang pagiging maligaya. Maari tayong magpasaya o magmahal but dont expect to be loved in return like the way you do love a person….Kapag naging mapaghanap ka sa isang relasyon, dito lumalabas ang insecurities at lahat ng uri ng negativity…

We are all responsible to our own actions…If you learn to LOVE a person without asking something in return, loving a person unconditionally without hesitations, regardless of any situation that she/he is into….being married with him/her or not…then that’s what I call TRUE LOVE…

 

Hanggang sa Muli….

Ms J