Isang tanong na pumasok sa isip ko dahil sa isang malaking warning na sumulpot sa facebook account ko. Nung una ang lakas ng tawa ko nang bigla kong naitanong.. ” Mahal ko pa kaya siya?” 

Single ako ngayon, busy sa pag-aaral at syempre sa kakatingin sa facebook ko. Actually kakabreak ko lang sa Koreano kong jowa few weeks ago. Hindi naman siya yung pumasok sa isip ko dahil sa tanong na ito, nabanggit lang sya .. Haha. First time ko kasi magkajowa ng ibang lahi. Oh! let’s go back to the question. Grade 4 ako ng ma’meet ko si Renz, nasa Demo kasi sa Science nun, di ko naman siya pinansin kasi may crush akong iba nun. Hanggang naging grade 5 na ko, naging classmate ko sya, bestfriend pa nga at kakopyahan sa klase pero may gusto ako sa kaibigan nya si Reymil. Naging kami ni Reymil nung Grade 6 then he asked out another girl. Dun na nagtanong sakin si Renz kung pwede daw ba manligaw ung kaibigan nya. Sabi ko “Oo, eh ikaw hindi ka ba manliligaw?” ( anlandi ko noh! Haha) so sabi nya “Pwede ba?” . Magpapakipot pa ba ko? Hay naku! Hindi noh! Haha. Sinagad ko na ang kalandian ko. Hanggang sa naging kami.

Sa una laro lang kasi bata pa hanggang di ko namalayan , halos apat na taon na kaming nagsasama. May mga problema syempre, andyan yung sa magulang kasi bawal, mga mang-aagaw na ang sarap sapukin sa atay at balun-balunan ng matuluyan, mga kaibigan, pag-aaral na dapat unahin at kung sinu-sino pang impokrito na hadlang sa pag-ibig. Hanggang sa dumating ung pinakamalaking paghihiwalay namin, yung pagpunta ko sa New Zealand. Halos lumabas ang mata ko kakaiyak nang malaman kong dalawang linggo na lang ang natitira para samin pero sabi ko kaya namin to! Lumipas ang dalawang buwan ko dito sa New Zealand, everything is ok between us. Chat lang at puro i love you at i miss you tapos bigla syang nagbago. Bigla syang nakipaghiwalay ng hindi sinasabi kung anong dahilan. Nasa party ako nun pero para kong namatayan sa kakaiyak, infairness nakaubos ako ng dalawang rolyo ng tissue dahil dun at nakoronahan ng best actress.. Haha. May mga kasama kaming magulang nun kaya lahat sila nagsasabi na, ” Marami pang iba dyan na mas better para sayo” at “Nasa ibang bansa ka na, mas maraming gwapo dito at kawalan nya yun”. Halos gabi-gabi akong umiiyak dahil sa kanya hanggang sa naisip ko na, kung para talaga sya sakin, darating at darating ang panahon na ang tadhana ang maglalapit samin.

So para sa tanong na yun, isang malaking “OO” ang isasagot ko. Nangako din ako sa sarili ko na kung sakali mang ikakasal ako sa iba, gusto ko makausap ko muna sya para malaman ko kung mahal nya pa ko o hindi na. Kung hindi na magpapakasal na talaga ko at walang urungan pero (sana) ‘pag sinabi nyang mahal nya pa ko, kahit anong mangyari di ko na sya pakakawalan pa at di ko na hahayaang may maghiwalay pa sa amin dahil gaya ng sinabi ko sa kanya noon, “IKAW ANG PINAKAMAGANDANG NANGYARI SA BUHAY KO RENZ.”

Enhanced by Zemanta