by
on
under , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Lui B.

USAPANG I.Q.

“Ang isip ay hindi isang sisidlan na kailangang punuin kundi upang papagliyabin.”–Greg Laconsay

Saan nangingitlog ang peacock? Sa puno o sa lupa?

            Kung ang sagot mo sa tanong ko ay sa puno, nagkakamali ka. Kung lupa naman ang hula mo, mali ka pa rin. At kung isa ka sa mga pilit naging mautak at ‘pugad’ ang sagot, sampalin mo na ang iyong sarili dahil hindi naman nangingitlog ang peaCOCK!

            Isipin mo ito: Lahat ng tao’y may isip ngunit hindi lahat ay ginagamit ito. Ngayon, makatarungan bang gawing sukatan ang mapanlitong tanong na nasa itaas upang malaman kung ang isang tao ay matalino o bobo? Matalas ang isip o mapurol ang utak? Kung hindi, ano nga ba talaga ang tunay na sukatan ng katalinuhan o kamangmangan ng isang indibidwal?

            Sa lipunang ating ginagalawan, tila kasing-nipis ng papel na iyong hawak-hawak ngayon ang mga oportunidad na maaaring matanggap ng isang taong walang pinag-aralan o natapos. Umiiral pa rin ang kinagisnan nating konsepto ng isang ‘matalinong tao’: May sangkaterbang medalya, maraming kursong natapos, at magaling mag-Ingles. Malayo daw ang mararating mo kung mataas ang taglay mong ‘I.Q.’  Samantalang kung ikaw ay ‘low I.Q.’, ‘slow’, o sadyang ‘gifted’ lang talaga sa kapurulan ng utak, mahihirapan ka raw na makahanap ng puwang sa ating lipunang puno ng matinding kumpetisyon sa trabaho at mga oportunidad. Dahil dito, ilan sa mga taong hindi pinalad na mabiyayaan ng katalinuhan at sapat na edukasyon ay tila nawawalan na ng pag-asang magbabago pa ang kanilang katayuan sa buhay….

            Kasi mahirap lang kami kaya’t hindi nakapag-aral. Kasi hindi ako magaling mag-Ingles. Kasi kulang ako sa iodized salt. Kasi BOBO ako. Kasi. Puro na lang kasi.

            Hindi ganito ang taong gustong may marating sa buhay. Oo nga’t hindi lahat ng tao’y nabiyayaan ng katalinuhan at pagkakataong makapag-aral ngunit lahat naman tayo’y binigyan ng isip. Isip na hindi lamang magagamit sa pag-aaral ng Anatomy, Algebra, at History ngunit maaari ring pag-alabin upang baguhin pa ang ating buhay at makatamasa ng magandang kapalaran.

            Mekaniko lamang si Ramon Magsaysay ngunit naging presidente ng Pilipinas. Itinuring man na mangmang, si Andres Bonifacio ay isa na sa mga dakilang bayaning kinikilala natin ngayon. Tindera lamang ng tsinelas si Socorro C. Ramos ngunit siya na ngayon ang may-ari ng tanyag na National Bookstore. Ilan lamang ito sa mga kuwento ng tagumpay na nagpapakitang maaari ring umasenso ang mga taong salat sa edukasyon.

Ngayon, masasabi mo bang ang mga taong nabanggit ko ay mga walang alam? Hindi. “Sapat nang may isa kang nalalaman”, wika nga ng presidente ng Executive Development Academy (EDA), “ngunit dito mo ibubuhos ang iyong kakayahan”.

Hindi sa dami ng kurso o medalya mo makikita ang ikinapagtatagumpay ng isang tao, kundi kung paano niya pinaunlad ang kanyang sarili sa gitna ng kanyang mga kahinaan at kakulangan sa buhay. Atin ring tandaan na hindi lahat ng matatalino ay gumagamit ng isip at hindi lahat ng mangmang ay hindi gumagamit ng isip. May mga matatalinong nauwi lang sa wala dahil sa kahinaan ng loob at kawalan ng tiwala sa sarili. Hindi kasi nila ginamit ang kanilang isip na nilikha upang tayo’y makapag-isip ng mga paraang makakapagpaunlad ng sarili at lipunan hindi upang ipagyabang, sayangin, at gamitin sa kasamaan.

            Marami ang matatalino ngunit iilan lamang ang henyo, sabi nila. Naisip ko naman, marami nga ang matatalino ngunit hindi hamak na mas marami pa rin ang mga “tunay na henyo”. Sapagkat ang bawat taong nilikha ng Diyos ay may karapatan at pagkakataong maging ‘henyo’. Papaano? Simple lang: Gamitin mo ang isip mo. Ang mahalaga ay hindi kung ano ang nasa iyo, kundi kung paano mo ginagamit ang nasa iyo. Tandaan mo: WALANG TAONG BOBO. Mangarap ka’t abutin mo ito ilang beses ka mang madapa. Pilitin mong iwaksi ang iyong mga kahinaan at pag-igihing mapabuti ang iyong mga katangian. Maniwala ka sa bisa ng paniniwala sa Diyos at sa iyong sarili. Huwag na huwag mong ikukumpara  ang sarili mo sa iba. Magkaroon ka ng tamang prinsipyo sa buhay at piliting magpakatao.

Higit sa lahat, palagi mong tatandaan na peaHEN ang nangingitlog, hindi peaCOCK!

Kung susundin mo ang mga nabanggit, maniwala kang malayo ang iyong mararating kahit sabihin pa nilang “below sea-level” ang I.Q. mo!

Enhanced by Zemanta

  • Pluma

    ”..di natin puwedeng ikaila na ang laman ng tuktok ay isa sa basehan kung paano tayo matatanggap sa okupasyong ating inaasinta,pagkat anumang larangan ay nangangailangan nang wastong kaalaman…ganun pa man,di natin pwedeng ibase sa taas nang pinag-aralan ang katalinuhan nang isang tao,..pagkat bawat isa,ay may sariling kaalaman na masasabing kanyang-kanya,..ang Arkitekto ay nagsunog nang kilay,upang maging bihasa sa pagdidisenyo nang mga gusali at istraktura,..ngunit ang kanyang iginuhit na konsepto ay hindi hahantong sa solidong realidad,..kung hindi sa tulong ng bihasang mga mason,tagapahid at tagahalo ng semento..,naghuhumiyaw ang katotohanang mas mataas ang antas nang pinag-aralan nang arkitekto,..ngunit,hindi pwedeng sabihin na siya ay mas may dunong sa mason,.pagdating sa pagpapahid nang semento…sang ayon ako sa temang nais mong iparating…”Every creature is intelligent and unique in his own way.”…Salamat sa isang makabuluhang komposisyon sa panulat na iyong ibinahagi..”

    • Salamat Pluma!Isang pribilehiyo para sa akin na ibahagi ang aking kuro-kuro sa tunay na kahulugan ng katalinuhan.

  • milly

    peahen ang nangingitlog.. peafowl ang tawag sa specie ng peacock at peahen.. =)

  • IJCD

    Napakaganda ng konsepto mo tungkol sa katalinuhan at kamangamangan, kahit ako isa ding mangmang pagdating sa english o kaya sa mga essay something verbal man o hindi… nakakainspire lng.

    uhmmm… si Andres Bonifacio, tungkol sa kanya di naman siya mangmang..actually nakakaintindi siya ng french kaya nabasa nila ni Rizal ang libro tungkol sa French Revolution, may tutor din siya eh pero ayun di ko na alam kung bakit sila naghirap hahahaahhaahahahahhahaahah god bless

    • Thanks IJCD! Well, that’s one of the reasons kung bakit Tagalog ang sinulat ko…para maintindihan ng maraming tao at mas maraming makaappreciate. Hindi naman sa minamaliit ko mga Pinoy..Mas komportable kasi kapag Tagalog di ba?

      Thanks sa trivia mo…Don’t worry, I will research on that!haha
      Godspeed.

  • joey

    nice one. you are awesome.

  • joey

    nice one. you are awesome.

  • Alicia Kaeding

    I agree but in my thought is that everybody has a gift but you have to used that gift the proper way or manner.

    • That’s right Alicia. I agree and that’s one of the essential points I made in my article:>

  • I strongly agree with your view about intelligence and about being genius:-)
    Ang pagiging henyo ay para sa lahat maging ano man ang iyong lahi o kulay (Rizal).
    And intelligence can never be approximately measured for it is always growing.
    We must remember that “knowledge is fixed, but knowing or learning is a movement which has no ending.” (Bruce Lee)
    We are all gifted.:-)

    • Nice one Dranrib! Thanks for taking time to share your thoughts. I couldn’t agree more

  • Lauren

    Nice

  • yunisse

    yeah, i was about to change my comment when your reply came in. I stand corrected. Thanks

  • Hi yunisse. Peahen is the name of the female peafowl while peacock is the male counterpart. Hence, PEAFOWL is the general term for this specie of bird.

    • bflatclarinetvet

      hi Post Editor!

      nice essay! marami nga akong kakilala na mga may latin phrases na dagdag sa pangalan nila nung graduation pero kinulang sa diskarte nung panahon na ng pagsali sa workforce.

      and since we’re on the topic of intelligence, there is no such thing as a “specie” but there’s “species”, which is used both for singular and plural purposes. XD might be a typo error in your comment above but hopefully, this also helps others who still use the term “specie” to denote singularity.

  • yunisse

    peaFOWL po ang nangingitlog. =)