by
on
under
tagged , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author ang utak ko ay palaruan ni sisa

TAMANG PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG FACEBOOK! (WAG MO NANG BASAHIN BAKA MATAMAAN KA LANG!)

Image representing Facebook as depicted in Cru...

Image via CrunchBase

Facebook.

Ang Facebook na siguro ang maituturing na isa sa mga napakatalinong imbensiyon na pwedeng malikha ng isang tao. Nang dahil sa Facebook, pinadali nito ang pakikipag-usap o paghahanap sa mga malayo, nawawala o nagtatagong mga kaibigan, kamag-anak, ex o mga taong may utang. Dahil din sa Facebook may mga taong nagkatuluyan, nakapagkamustahan, nagkasiraan at nagkabulgaran nang nakaraan. Napakalaki nga ng tulong ng Facebook sa lahat ng tao ngunit napakalaki rin ng naidudulot nitong panganib sa mga tao.

Nakakatawang may mga taong hindi batid ang mga nakaambang panganib sa paggamit nitong social networking site. Hindi lang nakakatawa ang mga taong ito kundi nakakapundi rin.At mas lalong nakakaawa kung magpopost sila ng status na hindi man lang binasa paulit-ulit bago iclick ang share. Marami kayang nakakabasang wrong grammar ka! Nakakahiya para sayo. Minsan magbubukas ka ng Facebook at panay pangalan nalang niya ang lumabas dahil maya’t-maya kung mag-update ng status.

Hindi ba’t nakakapagod makita ito?

I’m off to the mall.

I’m off to my mom’s house.

I’m at the hospital.

I’m off to Singapore.

I’m going to Hong Kong.

Just checked in at the office.

I just had sinigang for lunch.

My boyfriend is the sweetest! He cooked breakfast for me!

I just bought a pair of pants.

I really like my new bag! I love it! Forever! I love it! Promise talaga!

At napakahabang litanya ng pagyayabang!

Naisip ko lang, bakit kaya walang nagpopost ng ganito?

I’m off to the bathroom! My pwet can’t wait!

Tuyo lang ang ulam namin for lunch. Walang pera!

I bought tinapa from the market.

Pautang nga please?! Friends help please!

Ang kati ng kili-kili ko. I hate it!

My breath sucks when I wake up!

Ang anak ko ang pinakalampa sa school. Tangina! Anak ko ba to?

Maganda ba ako? OO o Hindi?

Nakikita niyo ba ang pagkakaiba? Ang tao natural talagang gumagawa ng paraan para may mainggit sa kanya.

Sa pagoobserba ko at sa dalawang taon kong pag Ffaceboook, may mga tao lang talagang gumagawa ng paraan para magbuhat ng sariling bangko!

At dahil dyan, gumawa ako ng sarili kong panuntunan sa paggamit ng Facebook. Maaring hindi mo ito sundin dahil makapal talaga ang mukha mo at wala kang pakialam o maari rin namang sundin mo para hindi ka magmukhang katawa tawa sa ibang tao.

1. Wag mong gawing bestfriend ang Facebook! Kung wala kang makausap pwede kang magtext sa mga kaibigan o kamag-anak mo o pwede rin namang itext mo ako. Wag mong gawing buhay ang Facebook.

2. Karugtong nang nauna, wag mong gawing super companion ang Facebook na para bang wala ka nang makausap sa mundo at lahat ng ginagawa mo at maisip mo ay pinopost mo. Paki alam ng ibang tao sayo?!

3. Kung magpopost ka ng pictures dito, siguraduhing kaaya-aya naman ang pagmumukha mo! Tandaang nakikita ng lahat ng tao at kamag-anak mo yan. Konting delikadesa naman. Wag kang magtataka kung bakit alam ko na may balat ka sa singit at maitim ang pusod mo. Nakita ko kaya sa isang picture mo yan!

4. Huwag na huwag mong gawing daily planner ang facebook. Tapos magtataka ka pa kung bakit alam ko ang lahat ang daily chores mo, eh naipost mo na lahat!

5. Kung gagawa ka ng kalokohan, siguraduhin mong wala kang naka tag na picture dahil maaring makita yan ng girlfriend mo, asawa mo, boss mo o kahit na sino pang pinagtataguan mo.

6. Huwag mong asahang katulad mo, ay ginagawang primary tool for communication ng ibang tao ang Facebook! Wag kang magpopost ng importanteng bagay sa wall ng isang tao, dahil hindi katulad mo, hindi siya araw-araw nagbubukas ng Facebook. Magtataka ka pang hindi nakauwi sa probinsya ang kapatid mo. Eh sa Facebook ka nagpost na “Namatay na si Nanay”. Pwede ka namang magtext o tumawag.

7. Karugtong nang nauna, wag gawing maglandian sa Facebook! Pwede mo namang tawagan o itext ang boyfriend o asawa mo kung ang gusto mo lang naman sabihin ay PLEASE GO HOME! I MISS YOU! Tandaan mong may mga taong nasusuka sa paglalandian ninyong dalawa.

8. Higit sa lahat, tandaang pagkatapos mong gumamit ng Facebook huwag kang maglungkot lungkutan dahil naiinggit ka sa isa mong kabatch na ngayon ay may mayamang asawa, magandang trabaho at may magarang kotse! Hindi mo alam baka nakisandal lang talaga siya sa kotse na yun at nagpapicture.

Huwag mong hayaang diktahan ng Facebook ang buhay mo, pananaw at pag-iisip!

At sa huli, tandaan mong:

NEVER LET FACEBOOK OR ANY SOCIAL NETWORKING SITE CREATE AN IMAGE OF WHAT YOU ARE NOT!

Enhanced by Zemanta

  • sirronn

    i think the bottom line here is being responsible enough with your own FB account…FB is serving its purpose & has security features to safeguard your account..how it is being used and interpreted by its users is their own responsibility… whatever they are up to, that’s their right…and it’s up to our individual level of tolerance how we’ll gonna react on their actions…peace 🙂

  • bottomline here is to unfollow their feeds. “Ano bang paki natin sa posts nila?” tama ka, wala taung paki. But we couldnt burst their bubles if thats the way they manage their accounts. Its a given privilege. Unfriend them then if thats the least thing you could do. tapos ang usapan! oh baka naiingit ka lang? post ka din ng marami pra malaman mo kung anong feeling.

  • jamelah

    kaya ako minsan napap-isip na din, na ang facebook ba ay shock absorber dn? ok lang minsan magpaka-emo, paka-sosyal,at kung ano anon pang PAKA!(dhil may pinagdadaanan) pero yung everyday na status/pix mo ueh i-like mo. aysus ko! hnd na ata healthy yun, at si FB dn ang nag e-enhance ng kayabangan ng ibang tao,.. pati ata midnight snacks at simpleng merienda, post ng post. hnd ako bitter. nagtataka lang ako sa mga ganun tao. Feeling SHOWBIZ!!!peace to all! ;]]

  • jubi

    at meron pa jan status message niya comment niya like nya.. picture niya, upload niya, comment niya like niya.. sana gumawa na lng xa ng sandamukal na fb account para magmukhang iba din naman ang nagcocomment.. duh…

  • markjoseph_quirante

    Bull’s Eye sa mga Facebook Users na sobrang makapag wallpost, update status, comment, at makapag tag ng pictures…:D

  • commentator

    Iba iba naman ang purpose ng pag gamit ng social networking sites..may point ka pagdating sa security… pero sa opinion ko lang ha…kung medyo nakaka irita ang mga ganun pwede mo naman i turn off ang RSS feeds nila…their posts are theirs to keep…at pwede namang may privacy settings ang posts nila…pero pinili ka lang nila sa mga kaibigang kabilang sa makaka kita ng posts na yun kasi close kayo (akala niya(?)) i agree with the last comment..unfollow or unsubscribe to their posts.

    minsan pag mayabang ang dating sa atin ng ibang tao..kaya ganun ang perception natin kasi baka tayo ang ganun mag isip..well just saying.

  • nei

    hahaha.. tama.. may mga kilala akong ganyan… naisip ko useless magyabang sa status, or in any other way…lalo na yung mga halatang nagyayabang about the expensive things that they bought or foreign places they visited.

    una, those who already experienced kung anu man yun pinagyayabang mo will only find it ordinary.. eh ano ngayon kung nasa singapore ka or hongkong or anywhere in the Philippines if they’ve gone to those places many times? eh ano kung may nine west ka na sandals na isusuot mo sa isang party kung malay mo pang-araw-araw lang nman pala ng mga tunay na mayaman un?

    on the other hand, those who are “inexperienced” will not understand you anyway.. 🙂 so ikaw lang ang nagmukang gago sa post mo..

    kaya siguro mas maganda kung maging thankful ka na lang for what you have without bragging about it on social networking sites.. because, it’s really annoying hahaha…

  • pengz

    i dont think pagyayabang ang tawag sa sinasabi mong pagyayabang na status.. Remember Mark Zuckerberg created Facebook to interact with people you love and you care about.. Thats why posting Facebook status is where you’ll get updated with your friends and family.. hindi gnawa facebook para lang i-message mo lang mga kaibigan mo isa isa..kung naiirita ka sa mga facebook stats ng mga kaibigan mo at sa tingin mo puro pagyayabang lang ang alam nila, i think facebook is not for you.. May kanya kanya tayo pananaw.. Pero one thing is for sure ang pananaw mo ay makitid sa mga nakikita mo sa facebook..siguro bagay sayo eh friendster na lang puro games dun hehe..taga ibang bansa ako pero i feel great too to see and to know my relatives and friends how is life for them..

  • Cass Aquino

    ano bang paki mo kung paano gusto gamitin ng ibang tao ang account nila? basta ba wala silang nilalabag sa guidelines, hayaan mo sila. bitter ka?

  • taste_so_nice

    may punto ang author ng blog na ito pero on the other hand, tama din naman ang comment ng ilang mambabasa gaya nila [pinoy] at [ices] kaya chill lang… somewhathow facebook reflects you as a person, kung maaalala n’yo pa ang old look ng fb, nakalagay sa status box nya (kung yun nga ba tawag dun) ang mga katagang “what’s on your mind” ‘di ba, this simply implies that fb is open for anyone of anything at anytime, pero hindi din naman masama kung susundin natin ang guidelines ni [ang utak ko ay palaruan ni sisa] it can be helpful in several ways! ‘yun lang po.

  • darling_nache

    pa repost nito sa FB ha…so true talaga..hilarious …..

  • Rojel

    Tumbok mo! Sana nga tablan nga yun mga ganyan sa FB!

  • akolang

    May kanya-kanya tayong pagkatao at pag-uugali. Irespeto na lang naten sila. Kung ayaw mong mabasa ang post ng fb friend mo, pwede mo silang i-unfriend o kung ayaw mong i-unfriend, pwede kang mag ‘unsubscribe’ sa kanila. Pano? Para sa mga hindi alam: i-View mo profile ng fb friend mo, sa upper right side, iclick mo yun ‘Subscribed’ at may lalabas na pagpipilian nasa pinaka baba yun ‘Unsubscribe’. Ganyan ang ginawa ko sa iba kong fb friends na nakaka irita ang post. Ayoko sila i-unfriend kaya mas mabuting ganyan na lang. Sa pagpopost nila.. may ibang tao kase na talaga naman walang makausap kaya sa facebook nalang nila pinopost ang lahat ng sama loob.. kahit pano sa ganong paraan nababawasan yun. At pinaka-huli ang FACEBOOK OR TWITTER ay hindi kelan man nagbabawal na magpost ka ng magpost ng kahit na anong gusto mo [maliban na lang kung Porn ito].. nasa sayo na yun kung paano mo ito ipopost at kung paano mai-interpret ng iba. We have freedom of speech and I don’t think na inaabuso yun ng mga post ng post sa fb o twitter. I respect your blog. And this is just my opinion. 🙂

    • akolang

      paumanhin kung naisama ko ang twitter. social networking site din naman kase yun. 🙂

  • JeJemonster

    Tama naman ang mga naisulat mo, nag aagree din ako sa lahat ng sinabi mo, nakakairita, nakakainis etc etc..pero kung ayaw mong mabasa yung mga ganung status, delete, decline, hde or block mo yung mga tao na yun, ginawa ang privacy settings para maiadjust mo lahat ng bagay sa loob ng facebook, simple lang yan, wala kang pakialam kung ano ano mang bagay ang makikita mo at mababasa mo sa facebook, kung ayaw mo, huwag kang magbasa yet huwag ka ng magfacebook, ganun lang kasimple yun, hindi man minsan tama ang ginagawa ng tao, pero sa tingin mo ba hindi ka rin naging ganyan dati o kahit ngayon? ang hirap sa tao iba ang nakikita hindi ang sarili, besides the point, kaya nga addictive ang facebook eh di ba, last, galit, masaya, away, bati, pagyayabang, humble posts at kahit ano pa yan, yang mga yan ang nagiging rason kung bakit colorful ang facebook, kung lahat ng bagay sa facebook puro tama, ano pa ang kasiyahan nun, compare mo lang yan sa totoong buhay, kung walang problema at masaya lagi ang tao, wheres the sense of life? how will you know whats right and whats wrong and how will you seek God`s help kung lahat perfect, believe me, atyoko ding nakakabasa ako ng mga ganyan, napapansin ko din yan, pero wala akong pakialam, decline delete and block will be your friend kung ayaw ko ng ganyan, simple lang yan, in short, lahat ng bagay in moderation, and 1 more thing, maybe wala ka ding magawa sa facebook kaya napapansin mo lahat ng bagay, dahil kung busy ka sa buhay mo at sa sarili mo, hindi mo mapapansin pa o papansinin pa lahat ng bagay sa facebook, just walk the talk ika nga, but thumbs up with your post, i dont mean to sound rude here, just stating facts as well

    • Bobsie

      TAMA o-0

      • sHITA

        korek

    • rema

      Thumbs UP!

    • yrRam

      i salute !!
      ^__^

  • pinoy

    kanya kanya yan… kung ganyan sila… walang pakialaman… wala naman nag seset ng standards kung paano nila gagamitin ang FB… kung di mo type how they use it, remove them from your friends… parang ugali lang yan tsong… di mo pwedeng diktahan ang mga taong di mo pinapakain… hehehe… opinyon lang… OA nga yung iba sa paggamit ng FB pero friends ko sila eh, i just have to accept them…

    • rema

      Correct!

  • nash

    hahhaha… tawa ako ng tawa dito ha dami kasi akong kilala ganyan halos lahat ginagawa sa fb nya, buti na lang hindi ako sapol pero tinamaan ako :)im sure madami rin tinamaan dito…

    • Oo,nga nman…s list q maraming ganyan…kahit anong kinakain nya pinopost nya….at kng ngagalit xa pnppost din nya…..pero ntamaan din aq kunti….nyahaha…..

  • pa repost nga po ako:)
    sa fb ko salamat po.. ngandahan kasi ko.. gusto ko lng ipbasa sa mga friends ko sa fb..

  • nice one.. so true! may kakilala ko n lahat nlng ng nggnap sa life nia eh naka status.. pero ako sa fb ko pnpkita sa asawa ko kung gano ko sya kamahal..

  • Ices

    Try unsubscribing from people who use facebook a little differently from how you think it should be used. Or better yet, unfriend them.

    That’s easier than coming up with a long, asinine rant.

    • right! be secured always on your account we should always be aware.