by
on
under , , , , , , , , , , , ,
tagged , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Ms.J


  • Latest Posts

Si Marites….The Legal Wife..

Note from the Author.
Wala po itong connection sa story na sinulat ko noon na The Other Woman. At lalong di po ito si Cristy na karakter din ng nabanggit na story. Lilinawin ko lang po.

  Another TRUE STORY.

PS. Dun po sa mga nag-papalitan ng mga opinions between readers and those who posted their comments, about sa mga sinusulat ko, sana po wag tayong mamersonal.. My intention is not to have a word war against one another..Take it easy at enjoy nyo lang po yung mga stories ko. Salamat po!

Original wife ka ba? Kung ang sagot mo ay oo, para sayo ito.

Kinailangang mag-abroad ni Maritess para sa kanyang pamilya. Isa sa mga Filipino staff ko si Maritess. Cebuana. Maganda, mabait, edukada, pasensyosa sobra..At aaminin ko kung wala sya sa team ko baka nabaliw na ako..Sobra kasi syang organisado sa trabaho. At bilang employee ko who works in the office with me, nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala sya on a more personal aspect.

Napilitan syang umalis ng Pilipinas dahil bukod sa tamad at barumbado ang asawa nyang si Alex. Lasenngo at nambubugbog pa ang asawa nya. Pero lahat ng yun ay tiniis nya dahil sa pagmamahal sa pamilya, lalo na nga at meron silang anak, si Erica, na 10 years old. Sobrang missed na ni Maritess ang kanyang “baby”.  Umalis sya ng Pilipinas pagkatapos na makipaghiwalay kay Alex. Kailangan nyang gawin yun di dahil hindi na nya mahal si Alex, kundi para na rin sa ikakabuti ng anak nilang si Erica. Kailangan nilang maghiwalay. Di na kasi healthy ang environment para sa bata..Sigawan, lumilipad na plato, iyakan…Kaya walang magawa si Maritess kundi gumawa ng isang hakbang. Yun nga lang kailangan nya ding iwan si Erica. Natural lang naman sa isang ina ang ma-missed ang anak at sa tuwing umiiyak si Tess (ganun ko sya tawagin) awang awa ako sa kanya.

Nanay din kasi ako.

Masipag sa trabaho si Tess kaya pagkalipas lang ng ilang buwan, bilang Operation Manager nya, binigyan ko sya ng promotion at naging Team leader. Well deserved dahil outstanding ang performance nya. Ang dedikasyon nya sa trabaho ay katulad ng pagiging dedicated nya bilang ina sa kanyang anak. Nakakatuwang tingnan si tess kasi nga, buwan buwan yata meron syang balikbayan box na pinapadala sa anak..

Hindi mahilig makipag party si Tess. Hindi rin sya mahilig makihalubilo sa ibang employees. May sariling mundo si Tess and I respect that. Importante ay mahusay nyang nagagampanan ang kanyang trabaho.  Bahay-trabaho-trabaho-bahay. Yan lang ang mundo nya bukod sa kanyang anak. Malungkot ang buhay nya, gustuhin ko man syang tulungan pero ayoko din naman na isipin nya na nakikialam ako.

Pagkalipas ng isat-kalahating taong pagsasama namin sa trabaho, nagulat na lang ako sa unti-unting pagbabago di lamang sa hitsura, pananamit at attitude ni Tess…Nanjang me highlight na ang kanyang buhok, sexy na manamit, di rin sya masyadong umiiyak at higit sa lahat marunong na rin syang maki-mingle sa co-employees nya. This are very good points for her at happy ako dahil nakikita ko ang personal improvement ni Tess. Bilang babae, happy ako at nakikita ko na unti-unting bumabalik ang confidence ni Tess…

Minsan, habang nagkakape ako sa company’s cafeteria, lumapit sya sa akin. Naka mini skirt sya, at kung di ko lang alam na mayroon syang anak iisipin ko na dalaga pa sya sa edad na trenta (30).

“Hello, Ms. J pwede bang maki-share ng table? Sure! Kumusta na, looking great Tess, naiingit ako sayo, how do you keep that figure? Samantalang ako hirap na hirap mag-diet. Naiinis na nasabi ko sa kanya. Ay di ka naman mataba Ms. J, matangkad ka naman kaya carry mo mo yang sinasabi mong fats hehhe”. So what’s new?? Tanong ko kay Tess.

Ms. J….in love ako! Huh?? Talaga!!? Bagamat nagulat may ngiti namang kasama. Masaya ako para sa kanya.

Kanino?? Sunod na tanong ko. American po…nahihiyang sagot ni Tess..

Wow, congratulations, yun na lang ang nasabi ko, di dahil ayaw ko sa lahi kundi ayaw ko ng magtanong pa baka sabihin nya tsismosa ako pero nagulat na lang, deretso-deretso na ang pagkukuwento nya. Ganun nga yata tayong mga babae, masyadong makwento pag in love o lalo na kapag may bagong nagaganap sa ating buhay. Okay lang sa akin, kasi Im really happy for Tess. She deserves to be happy too, matagal na rin naman naging malungkot ang buhay nya. Nalaman ko na ang lalaki ay hiwalay sa asawang katulad nya, subalit di ma-divorced ang asawa dahilan na rin ng kakapusan sa pera. Di naman kasi mayaman ang lalaki, at sa America, napakamahal ng Divorce fee at process.

Ano ngayon ang plano? Naitanong ko kay Tess.. Eh, mam nag file na po ako ng Annulment sa Pilipinas para sa kasal namin Alex. Pero ang hayop na si Alex, ayaw makipag cooperate, pati si Erica di ko makuha dahil ayaw pirmahan yung papeles para sa approval  ng travel ni Erica dito sa America. So anong mangyayari ngayon?.. Mam yun na nga po, pwede po ba akong mag file ng leave for a month para umuwi sa Pilipinas.? Naintindihan  ko naman ang situation nya at pumayag ako.

Umuwi ng Pinas si Tess at nakipagkita sa dating asawang si Alex. “Madadala mo lang ang anak mo kung papayag kang sumiping sa akin! Aba alangan naman ganun na lang yun, asawa pa rin kita at may karapatan pa rin ako sayo. Obligasyon mo yan bilang asawa ko!

Shock na shock si Tess sa narinig at umiiyak nyang naikuwento sa akin ito habang nag-uusap kami over skype. Sa totoo lang wala akong mabigkas na advice, sobrang shock at galit din ang naramdaman ko ng mga oras na yun, bigla akong naging bobo nasabi ko na lang, mas kilala mo ang asawa mo, gawin mo kung ano ang makakabuti para sa lahat.

Pagkalipas ng isat-kalahating buwan, nakabalik ng America si Tess, kasama na nya ang anak na si Erica.Pareho tayo ng iniisip dear readers na pumayag tiyak si Tess sa kagustuhan ni Alex, subalit di na ako nagtanong pa..Masyado ng personal kaya, masayang malungkot ang nararamdaman ko para kay Tess ng muli ko syang makita sa office.

Nakita kong muli ang lungkot sa mga mata ni Tess ng muli kaming mag-usap sa cafeteria, pero nasabi na lang nya sa akin na “sulit naman lahat mam.. ang lahat ng sakripisyo ko”. Pumirma si Alex pati sa petition ng anulment namin at sana nga ma-approved na.

Nayakap ko si Tess pagkatapos kong marinig ang kanyang sinabi, sapat na yun para maunawaan ko ang ibig nyang sabihin. Durog na durog si Tess, ramdam ko. Pero pilit nyang binubuo muli ang sarili para sa kanyang anak na si Erica. Ang mahalaga magkasama na silang mag-ina sa America.

Sa ngayon, ayon na rin sa mga kwentuhan namin ni Tess, masaya sila ng american boyfriend nya. Naka file na rin ang divorce petition ng boyfriend nya sa asawa nito. Pinili na rin nilang magsama sa isang bubong, kasama ang anak nyang si Erica. Mabait ang boyfriend ni Tess, maasikaso at mahal na mahal din si Erica at itinuturing ng tunay anak. May mga difficulties lalo na sa aspetong pinansyal subalit nakakaraos din namn sila. Masaya sila bilang pamilya.

Parehong merong asawa dati ang mga karakter na ikinukwento ko sa inyo dear readers, at naghihintay na lamang sila sa kakalabasan ng petition nila.. Maling pag-ibig? Para sa akin HINDI. Opinyon ko po yun bilang mas nakakakilala kay Tess.

Lahat tayo deserving na SUMAYA, maging maligaya! May mga pagkakataon na susubukan ka talaga ng tadhana.. Pero at the end of the day, mga sarili pa rin natin ang ating tatanungin…Gaano ka ba katatag?? Gaano ka katigas?? At walang ibang makakasagot nyan kundi IKAW LAMANG…

Hanggang sa muli…

Ms. J 

 

 

  • raya

    I am a legal wife, I stay strong for my “Erica” who is only two years old.I left “Alex”, sana tulad ni Tess, maging masaya din ako at makabuo ng masayang pamilya.

    Thanks for the story!

  • Mary

    Sobrang saludo akko sa mga ginawa ni marites! She did the best thinh for herself and her daughter, walang manyayari kung sa dati nya lang asawa sya papatali.nice story, kudos to the autho, more blogs please!

  • ad-idem

    nice blog…dapat lang talaga na pag hindi na healthy ang relationship ng mag-asawa dapat lang maghiwalay na…kawawa at affected mga bata kung laging nakikitang nag-aaway ang mga magulang…ano ba naman ang mapapala mo sa katulad ni Alex na irresponsable…daming lalaki na ipapalit. yan ang sakripisyo ng mga Pinay dahil walang divorce dito sa Pinas…pero tama ang ilan na mas madaling magfile ng divorce sa ibang bansa at pwedeng pwede yan kahit sa Pinas kayo kinasal. the same fate with me…having irresponsible husband. we have been separated for quite a long time now and I am happy for it and so with my two grown up children. masarap pala maging single mom …feeling dalaga..walang sagabal sa mga plano.

  • jenny

    Nice story,it seems like “the story of my life”..sana naman lahat ng mentality ng mga pinay ganyan kay Tess. I am so proud of her making such decision,kasi hindi talaga magbabago yung pinoy na asawa niya,it is a miracle kung magbabago..

  • Jude

    Super hanga ako kay TESS ginawa nya ang lahat kahit ano kapalit para makamit ang kaligayahan alam nya sa sarili nya na nagdidiri sya peru wala cya choice to do it nalang for the sake of annulment and her daughter. Anyway ako din separated na for 7 years na at same din kay Tess ang hiningi ng Ex ko to sign my petition but for now di ko pa kaya gawin yan. gaya nga ng sinulat ni blogger my iba iba tayo opinion.Sa akin kasi bata pa ako nun i was 19 and he was 29 may ground din kasi ako he has kids to somebody already at sabi ng atty ko ay mental capacity daw din ang gound. but on the other hand. Im happy for Tess she deserved it like any woman.

  • legal wife ako pero wala ankong nagawa pinaubaya ko saan man sya masaya…may magagawa ba ang katulad kong ordinaryong tao sa parehong opisyal ng PNP?wala syempre gusto ko pang mabuhay para sa mga anak.sa ngayon, masaya na ako kahit ganito lang ako nakakatulog ako ng mahimbing at nakakakilos ako ng walang takot…

  • Maricar

    I like the story,realistic. Mga cases like this, I always understand kasi palagi naman may dahilan Kung bakit, sometimes mas ok pa mag hiwalay ang mag asawa Kung wala ng feeling, siguro naman pag laki ng mga bata mauunawaan din nila Kung bakit…

  • annie1064

    Hanga ako kay Tess gagawin ang lahat para makasama lang ang anak. Ako ang palagi ko ring dasal ay ang makasama ko ang aking mga anak at nawa’y makatagpo rin ako ng taong may mag mamahal sa akin ng tapat. Thank you for sharing nakarelate po ako sa story ninyo. More power!!!

  • magandang istorya at kapangalan ko pa mandin ang bida. Sana, hindi pa dumami iyong ex niya dahil maraming babae ang kawawa pag nagkataon. Nakakatuwang isipin na nakakita si Tess ng mabuting kasama sa buhay sa bandang huli.

  • Pag nasa ibang bansa ka mas maganda ang mag file ng divorce,nasubukan na yan kaya alam ko po ang procedure

  • ganyan din ang nagyari sa buhay ko pero masaya na ako ngayon.

  • yup tama yun,hindi bawal na pag ibig yun kasi magiging divorce naman yung bf niya at kung mag file din ng divorce si marites single na siya,pero yung annulment ay hindi ma grant kasi walang basis for annulment,pag divorce ang i-file ni Marites mas mabilis ma grant at hindi magastos

  • yup, i agree but the story wa good..thank for sharing..

  • I think ung title is misleading 🙂 may mas bagay na title for that

  • Elaine Martillano

    Una po sa lhat hinahangaan ko po kyo sa pagsusulat.lhat po ng blog n isinusulat ninyo binabasa ko.at isa po Ito sa magandang storya n nabasa ko.humahanga ako ky tes lumalaban parin CIA sa pagsubok ng buhay!sbi nio nga po lahat tyo meron karapatan n lumigaya.sna po dadating ang panahon n maging open minded ang mga tao sa pilipinas.hndi lng sarili ang iniisip.mabuhay po kyo

  • Naks,la pkong asawa pero ganda tlga ng mga blogs.toto0,susubukan tlga tau kung gaan0 katatag sa mga pagsub0k s buhay.m0re p0wer to the author

  • babes

    another nice story. keep it up!!! 🙂