Secretary ako at hindi office girl

“ring ring ring” Hello Good Morning…

Agad na masasalubong pagpasok mo pa lang ng opisina. Telepono na walang tigil na tunog samahan pa ng tawag mula sa iyong mga ktrabaho.

” please do this and  i have inquiry can you make it and then and then” I need the copy of this and that” where are like those and that” How to do these? Can you make a favor to edit”.

Yan ang mga eksena sa opisina kung company secretary ka. Lahat na lang asa sa’iyo na para bang wala silang alam sa trabahong opisina.

” Call this, check this, follow up this” Walang sawang magsabi ng kung ano-ano na kaiiritahan mo.

Anyway normal lang yan para sa mga secretary kase porte yan ng kanilang trabaho. Pero ang isang masaklap para sa company secretary dala mo na ang pagiging office girl at kung minsan ay cleaner ng opisina. Paano nga ba nangyayare ang ganitong sistema ng buhay?

Maraming reason yan at kung minsan hindi maiiwasan ang ganyang sitwasyon lalo na at ikaw lamang ang maaring gumawa  at kalimitan pa nangyayare  sa personal secretary.

Sabi nila ang secretary daw Multi ibig sabihin anything is for secretary. Siguro nga dahil mostly yan ang paniniwala natin dahil nangyare din sa akin yan. Nagtitimpla ng tea/kape tapos bigay ng tubig sa bisita. hasytt kaysaklap naman. Ngunit yan ay pansamantala lamang sapagkat may isang kaibigan ang nagbigay ng tapang sa akin na humindi sa bagay na hindi na sa akin. Sa una nahirapan kami at kung ano-anong step ang ginawa namin. Talaga namang parang bagyo at araw-araw ay may kaba sa dibdib ngunit ang lahat ng yan ay napaglabanan at nakamit ang hustisya.

Isang araw nagkaroon daw ng emergency at ako lamang ang maaring gumawa subalit dahil sa nabago na ang aking kaisipan humindi ako. Umabot ang diskusyunan at napagdesisyunang bawasan ang aking sweldo dahilan sa aking ugali. Kung inakala nilang iiyakan ko ang pagbawas sa aking sweldo ay  hinayaan ko na lamang at nanindigan ako sa aking natutunan. Secretary ako at hindi office girl.

Dahil sa pangyayareng iyon natigil na ang umutos o magsabi sa pagagawa ng kape/ tea sa mga bisita. Laking tuwa ko dahil sa nabago ang kanilang ugali sa ganitong bagay.

Totoo nga naman na kung simula pa lamang ay lilinawin ang ganitong sistema ng pagiging secretary ay maiiwasan mo ang ganitong uri ng sitwasyon na bagay na kung secretary ka ay secretary na pang paper works at hindi pang kitchen o ano pa man.

Hindi ko po minamaliit ang pagiging office girl o cleaner  nais ko lang i-share ang aking karanasan at salamat po sapagkat naging malinaw na secretary ako at hindi office girl.

 

 

 

About Simply Amazing

Uhaw sa kausap

Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author Simply Amazing

  • emlaureta

    Tama yan. Male secretary ako sa aming project site. Ngunit ang inapplyan ko ay Executive Secretary na sana nakatutok lang ako sa executive pero kinalabasan secretaryo na ako ng lahat ng engineers at document controller pa. Di ako nagrereklamo kasi ok naman ang sahod. Pro badtrip lang kasi yung ibang engineers lalo na yung mga bago kung makaasta e parang sila ang executive. So agad agad pinapaalam ko na sa kanila ang work coverage ko hindi yung pati pagphotocopy e ako pa mismo gagawa. Matuto sila! Ngayon e masarap ang buhay ko… nagphophotocopy sila ng sarili nilang trabaho habang ako ay nagcocomment dito… wahahaha!

    • Simply Amazing

      hahaha emlaureta may tama ka jan.. Ganan talaga ang tao kapag sinanay mo.

  • eve1969ph

    Usually pag Company Secretary ka dapat may junior assistant ka kc yung usual duties kasi pinakamataas na ranggo un..pag Personal Assistant naman eh ung duties mo eh para lang dun sa amo mo talaga..hindi sa pangkalahatan..as for office cleaner? di ba dapat may janitor/janitress para dun? and ung office messenger na taga photo copy ng lahat, taga gawa ng coffee saka taga takbo..

    Best thing talaga sa umpisa pa lang malinaw na ung duties mo kasi kalimitan pag nakasanayan na nila na di ka nagrereklamo iisipin nila ok lang un and eventually aabusuhin nila un…kung gusto nila maging “all-around” girl ka eh kailangan ready sila magdagdag sweldo mo d ba?