by
on
under , , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Lui B.

“Pasalubong” (Isang Mensahe Para sa mga OFWs)

http://danstasiewski.org/?option=How-To-Read-Binary-Option-Derivation How To Read Binary Option Derivation

http://automotorblog.com/?option=Virtual-Stock-Exchange-Api Virtual Stock Exchange Api

http://danstasiewski.org/?option=Make-Money-With-Depositfiles Make Money With Depositfiles

http://danstasiewski.org/?option=Trader-Made-41-Million-Profit-In-3-Years-Option-Trading Trader Made 41 Million Profit In 3 Years Option Trading

Legit Binary Options Trading Sites

Naalala ko na naman ang salitang pasalubong na kaakibat na ng pagiging OFW. Simula ng mawala ang tatay ko, nag-iba na rin ang tingin ko sa pasalubong…..

Ok lang na wala akong mga imported na tsokolate, imported na mga gadgets, imported na damit, imported na sapatos, imported na sabon, imported na canned goods, imported na tooth paste, imported na bag, imported na cell phone, o kahit anong imported man ‘yan. Ok lang din sa akin kahit mahirap lang kami at nakakakain lang ng tatlong beses sa isang araw. Ok lang kahit walang mga pasalubong o balikbayan box basta nandito ang tatay ko….basta sama-sama kaming buong pamilya…basta masaya kami. Pero huli na ang lahat. Wala na ang tatay ko. Wala na ang bayani ng buhay ko.

Isang taon na ang nakalipas pero may kirot pa rin sa puso ko tuwing magbabalik-tanaw ako sa mga naranasan ng aking pamilya.

Tuwing makakakita ako ng OFW, naaalala ko lang ang mga pangarap ng tatay ko. Mahirap palang maging OFW kaya ganun na lang ang pagmamahal ko para sa kanila.

Ikaw? OFW ka ba? Kung oo, sana hayaan nyo po akong mahalin kita. Dahil sa pamamagitan nito, para na ring niyakap ko ang aking ama. Alam ko ang pinagdadaanan nyo.  Malaki man ang mga ngiti nyo sa mga pictures nyo sa Facebook, alam kong may lungkot din na nakatago ‘dun. Hindi mo na kailangang aminin pero alam kong umiiyak ka kapag mag-isa ka na lang. Ayaw nyo kasing mag-alala ang mga mahal nyo sa buhay dito sa Pilipinas. Pero sana huwag nyong kalimutan na hindi lang pera at pasalubong ang kailangan ng pamilya nyong nangungulila sa pagmamahal at kalinga nyo. At sa mga anak at kamag-anak dito sa Pilipinas, sana maalala nyo rin na hindi pinupulot ng mga OFW ang pera sa abroad. Hindi po sila factory ng pera kundi mga taong masaya man sa panlabas, sumisigaw naman ang kanilang mga puso sa sobrang pangungulila sa mga halik at yakap nyo.

Sa mga OFWs saan mang panig ng mundo, mahal ko kayo at saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayong mga bagong bayani ng Pilipinas! Kayo po ang mga tunay na bayani sa puso ko. Sana’y dumating ang araw na hindi nyo na kailangang umalis pa ng bansa at tiisin ang matinding pangungulila. Hindi hamak na mas mahalaga pa rin ang OFW kaysa sa  balikbayan box.

Magpapasko na naman pala. Miss ko na naman si Tatay.Wala mang pasalubong o balikbayan box, alam kong kasama ko pa rin sya.

Ako nga pala ulit si Jun. Ulila na sa ama pero mananatili pa ring proud na anak ng isang OFW.


  • para sa kina bukasan ng familya ko…???

  • AKO NGA NA MISS KO NA ASAWA KO..???

  • hannah

    alam nyo po may pag asang binigay ang Diyos na Jehova at malapi na nya itong gawin sa pamamagitan ng kanyang ank na si Jesu-Kristo.. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.’ At ang Isa na nakaupo sa trono ay nagsabi: ‘Narito! Ginagawa kong bago ang lahat ng bagay.’ Gayundin, sinabi niya: ‘Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at totoo.’”—Apocalipsis 21:4-5.may pag asa din na mabubuhay muli ang mga mahal natin sa buhay dahil may pinangako siyang buhayin niya ang mga patay at titira sa Paraiso dito sa lupa at mabuhay ng walang hanggan.
    THE BIBLE TEACHES THAT GOD WILL BRING ABOUT THESE CHANGES ON THE EARTH.
    “All those in the memorial tombs will . . . come out.”—John 5:28, 29
    “No resident will say: ’I am sick.‘”—Isaiah 33:24
    “He will wipe out every tear from their eyes, and death will be no more, neither will mourning nor outcry nor pain be anymore.”—Revelation 21:4

  • Jhengjheng

    Nakakaiyak naman to!salamat s pgmamahal mo jun.isa din akong OFW,tlgang mhrap malayo s pamilya.at pangarap ko rin sana diyan na lang ako s pinas kapiling mama at papa ko.kaso,kelangan din umalis para sa kanila.salamat sa pgmamahal kahit d tayo kakilala.proud din ako sayo na nagpapahalaga sa amin.god bless!

  • ghanda

    ndi ko matapos tapos ang pagabasa naiyak n ko naalala ko dadi ko kahit ndi sya ang ofw kungdi ako .. kmi ni momi… pero nang mwala si dadi nand2 kami s ibang bansa umuwi ako nasa casket n din sya ndi ko man lang naalagaan during ng maospital sya … siguro mababasa ko toh ngbuong buo pag kaya ko n naiyak ako at till now natulo p din luha ko .. i missed my dad .. really missed him… 🙁

  • huchie

    why is there no share “button”? 🙁

  • huchie

    nakakaiyak naman tong story mo! T.T

  • lovelyn

    OMG! u got me honey. i hope everybody else realizes this. ang tingin talaga ng tao sa aming mga OFW, namumulot ng pera. di nyo lang alam ang mga sakripisyo namin. ni hndi nga kami makabili ng mga sariling gamit para lang may mairemit:(

  • Jeanette

    Nakakaiyak nman to…. God bless you Jun, i pray na sana di ka na rin mag abroad tulad ng daddy mo. Stay with ur family at sana hindi mararamdaman ng magiging anak mo ang naramdaman mo.

  • Xianrose

    Napaiyak aq,isa aq ofw,,pag!2ng ofw marami kmi baon n lakas ng loob,tapang,paxenxa tyaga at hg!t s lhat twala s may kapal.,hrap man kmi tama n sa amin n my makita namin n umayos at mbgyan ng mgandang knabuksan ang mga mhal namin s buhay n naiwn s pnas.na sna suklian man nla un ng pagmamahal at pgmamalasakit.