by
on
under
tagged , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author kathleen.mesina

MGA GAWAIN NI LALAKI ..HINDI PWEDENG GAWIN NI BABAE? 

About kathleen.mesina

Hilig kumain at magbasa ng pinoy blogs. Paulit-ulit na pinapanood ang "One More Chance" nila Popoy at Basha. Adik ako sa pagbabasa ng pocketbook at kadalasang makikitang nakahiga sa kwarto at nagpapatugtog

Image from Google

Nilikha tayo ng Diyos bilang Adan at Eba. Kinilala si Adan bilang lalaki na tagataguyod at haligi ng isang tahanan samantalang si Eba ay itinuring na babae at ilaw ng tahanan. Dalawang magkaibang tao at dalawang magkaibang pagkakakilala. Isang malakas at isang maganda.

Nang mabasa ko ang “Dekada ’70” ni Lualhati Bautista noong third year high school ako, naramdaman ko ang galit sa asawa ni Amanda dahil sa linya nyang “It’s a man’s world”. Sa loob-loob ko.. Leche! Man’s world ka dyan.. Kung hindi dahil samin wala kayo at wala itong tinatawag nyong mundo na para sa inyo. May iba’t- ibang klase kasi kaming mga babae at ito ang mga yan:

PAHINHIN/TALAGANG MAHINHIN: ‘Yan ung mga babae na lalamya-lamya at walang ginawa kung hindi ang magpacute at hinihintay daw ang Prince Charming nila. Yung tipong gusto lagi silang pinagtatanggol ng Knight in Shining Armor nila. Mga babaeng mga nakayuko ‘pag naglalakad at kung tumawa ay napakahina (parang ipis)

MARTIR: Ito naman ang mga babaeng nagtatanga-tangahan. Karamihan sa mga ‘yan ay sa pag-ibig: mga may asawang manloloko, lasenggero, barumbado at mahilig makipaglandian sa mga pokpok sa kanto. Ginagawa daw nila ang magbulag-bulagan para sa anak at para sa pamilya. Naiintindihan ko naman yun pero minsan try niyo din ipagsigawang napapagod at nasasaktan na kayo!

IYAKIN: Ito yung mga babaeng walang ginawa kundi ang sumiksik sa isang tabi at umatungal. Nakakaasar sila kung minsan pero nakakaawa din. Mga babaeng naghihintay ng taong hindi sila sasaktan at pupunasan ang luha sa kanilang mga mata at mangangakong di na mauulit pa (as if namang matutupad)

PALABAN: Palagay ko, dito ako napapabilang. Ito yung mga babaeng ipinaglalaban kung ano ang tama at nararapat para sa kanila. Mga babaeng walang takot masaktan para sa katotohanan at kapakanan ng lahat. Ito yung mga tipong madapa at madapa man ng paulit-ulit, tatayo at tatayo pa rin para lang mapatunayang matatag sila sa kahit anong laban sa buhay.

Hindi sa galit ako sa mga lalaki. Galit ako sa pananaw nila at ng ibang tao. Isang malaking eksampel (example)..

Kapag nagloko ang lalaki at pinatawad mo ok na kaagad. Wala ng usap-usap yan. Tapos ng issue at makakalimutan na ng lahat PERO ‘pag ang babae ang nagloko. Naku! Kulang na lang eh sunugin siya ng buong barangay at gumamit ng megaphone para ipagsigawan kung ganu sya kalandi at walang kwentang babae. 

Alam ko naman na unfair ang mundo para sa lahat pero sana isipin muna natin ang mga salitang lalabas sa bibig natin bago natin ito pakawalan. Makakasira tayo ng isang tao na walang kalaban-laban. Sa lahat ng mga babaeng katulad ko, huwag niyong hayaang lamunin kayo ng pagmamahal lang. Lahat ng sobra masama. Hindi mo alam na unti-unti ka ng pinapatay nyan. Maging matatag ka at ipaglaban kung ano ang sa tingin mo ay tama. Manindigan ka para sa sarili mo at para sa lahat ng kababaihan sa mundo. At para sa mga lalaki, hindi sukatan ng inyong pagkalalaki ang pambababae at pang-aabuso ng mga babae. Baka dumating ang araw na kayo ang magmakaawa samin. Ang babae ay minamahal at hindi pinaglalaruan at sinasaktan. Iba-iba man kami, iisa lang ang gusto namin at iyon ay ang tanggapin at mahalin niyo kami sa hirap man o ginhawa.


You may also like these articles:

  • Mary Franz Adona Mantilla

    alam mo masakit talaga isipin na di fair ang mundo pagdating sa kasalanang nagawa ng isang babae at lalake. Di ko nga malamn kung san nagsimula ang ganito. Sabi naman sa Banal na Aklat ng Diyos, lahat ng tao ay pantay-pantay. Pero bakit pagdating sa mga kasalanan, masyadong masalimuot ang tingin sa mga kababaihan. Minsan napagdebatehan na namin yan ng aking uyab, sabi ko hindi maari ang kanilang paniniwala. na ang lalake pwede makipagkaibigan sa kaninuman, samantalang tayo na babae ni sa kaibigan mo na lalake, na limang taon mo ng kaibaigan ay kanya ka ng pagbabawalan.Buti na lang mabait sya at nasunod ang aming kasunduan.

    may napanood ako na video sa ibang bansa. Grabe, nalaman sa kanila na nanlalake sya, ang ginawa sa kanya ng mga lalake ay sinabunutan, binagsakan ng bato sa ulo at kinaladkad pa.. awang awa ako sa kanya. si naman sila Diyos para gumawa ng ganon sa kapwa. haaay.. grabe talaga ang video na yun. Huwag na tayo lumayo, dito na lang tayo sa P’nas.. andyan si Gloria, na malinaw pa sa sikat ng arw, na isang babae, kita mo kaya nyang gawin ag ginawa ng mga lalakeng pangulo. Wala yan sa kasrian ng tao..andun yan sa kung papaano mo pinaniniwalaan ang gagawin mo..

  • lagi ko sinasabi ko sa mister ko na galingan nya, na anuman ang gawain niya gagawin ko din kaya pagbutihan niya (ofw kaya lagi nasa malayo), pero sabi ko nga never ako gagawa ng bagay na ikasisira ko pag siya ay nagkamali, imbes mas gagalingan ko at makikita nya kung ano ang mawawala sa kanya . . o di ba palaban . . .

  • Simply Amazing

    lahat tayo may krapatan but the fact is tayong mga babae ey kinilala bilang mahina at talgang nilikha ang mga lalaki upang protektahan tayong mga babae.. But sa case dito sa Pinas ung ibang mga lalaki eh sila pa ang nanakit sa mga babae.. Sakit nun kaya nmn natuto ang mga babae maging palaban…

  • pare pareho tayong tao kayat walang karapatan ang sino man,mapa babae at lalaki na manakit ng iba.laban kung laban mga babae as long as alam mo ang karapatan mo at nasa tama ka.

  • The Government Service Insurance System (GSIS) has a Hospitalization Support Program that gives 30 – 50% discounts on consultations, confinements and diagnostic examinations. For example in Capitol Medical Center, GSIS active members, retirees and pensioners are given a 50% discount for an MRI (Magnetic Resonance Imaging) examination. Private businesses and other government departments, agencies and institutions should follow or improve this program to better serve their employees and constituents.

    http://www.facebook.com/pages/Pinoy-Health/235236436533621

  • Open minded approach to norms and values. Pero di talaga maganda if babae na ang magloko. I challenge men to increase our principles correctly lalo na kung para sa asawa at anak. wives has their role in a family, di lang bilang nanay at partner ng lalaki, kundi source ng “ilaw” ika nga. Maraming paraan o solusyon sa problema. Prankahin ang asawa nyo kung talagang sobra na, kung di kaya eh tawag na kayo ng pulis. In short, agree ako sa palaban na aspeto. Kudos! May punto ka sister!

  • Sa panahon ngayon kung anong kayang gawin ni lalaki, kaya na ring gawin ni babae EXCEPT for wrong doings. Hayaan ko na lang lalaki gumawa nyan. Hindi ako makikipag kumpetinsya sa lalaki. They can take the credits all they want, I won’t mind! 😀