by
on
under
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author ompongdilat

“ANG ALAMAT NG HAGDAN: PAANO NGA BA UMAKYAT SA 4TH FLOOR?” mula sa panulat ni Ompong Dilat, ang tagamulat ng mga alamat

Intelligence can bring you to success, but it’s your attitude that will keep you there, remember, grade doesn’t define a person, attitude does! -anonymous-

Grade doesn’t define a person? Talaga? E bakit pa tayo nag-aaral? Para saan pa ang honor ni kirat nung kindergarten. Para saan pa’t naging cumlaude si loleng? Anong silbi ng best in p.e. ni boy talsik, kawawa naman ang mga magaling mag-basketball, dun na nga lang sila nakakapanghatak ng grades.

Naaalaa ko tuloy si temi, repapips ko siya mula elementary hanggang high school, pati sa pagpapatuli sabay kami. Siya ang pinakamagaling sa batch at ako naman ang kanyang dakilang back-up, kumbaga sa pelikula sidekick.

Simula pagkabata, hinihikayat tayo na makakuha ng mataas na grades, meron pa tayong premyong tau-tauhan o isang latang kendi tuwing nakakakuha tayo ng tatlong stars. Manikang papel naman ang para sa babae. Kung medyo binabae ka naman, tama na ang dalhin ka sa jolibee para sa eat-all-you can promo na jolly hotdog.

Isang magandang ehemplo raw ang mga batang matatalino. Ibibida ka pa ng nanay mo sa lahat ng kanto, habang ang tatay mo naman ay madadalas ang pag-inom dahil meron na uling bagong kuwento. Kumbaga, sikat ka dahil adik ka sa pag-aaral.

Kapag birthday mo, marami kang regalo sa mga tito at tita mo, sana naman hindi ka lumaki sa layaw. Pero mas maganda kapag pasko, masaya na naman ang magpipinsan, mas malaki kasi ang bigayan, pero depende sa grades mo, kumbaga point system palagi.

Pati sa school special treatment palagi. Mataas ang tingin sayo kahit pandak ka. Meron kang sariling ihian na arinola sa classroom, may alalay ka pang taga-tapon tuwing uwian. Puwede ka ring pumili ng upuan sa classroom at kung sino ang gusto mong katabi, kumbaga special privilege card. Pagdating sa recess, ikaw pa ang unang pipili ng kakanin at durog na lang ang matitira sa iba. Kapag may program isa ka pa rin sa bida sa mga stage play, di ko pa naranasan ito, lagi na lang lamesa ang role ko o isang puno sa gilid na bawal gumalaw.

Iba talaga ang treatment kapag matalino o section one ka. Pati sa pag-assign ng teacher, sa inyo palagi ang mga veterans samantalang puro baguhan ang dinadala sa mga mababang section. Ganunpaman, wala ka pa ring kawala sa mga binebentang marsh mallows o sundot-kulangot ng mga teachers.

Nadala natin hanggang high school ang pag-iisip na dapat ay palaging mataas ang grades dahil ito ang expectation sa atin ng lahat ng nakapaligid sa atin ultimo si manong na nagtitinda ng gulaman ay tatanungin ka kung mataas ba ang grades mo bago ka pagbentahan.

Pagdating sa college, dehado ka agad kung hindi mataas ang grades mo nung high school, hindi ka puwedeng makapili ng kursong gusto mo. Kumbaga hinusgahan ka na agad na tipong wala kang mararating. Kung medyo madali kang maniwala, iisipin mo na mahina ka talagang estudyante at hindi mo makakayang abutin ang level ng pag-iisip ng mga taong matataas ang grades.

Dadalhin mo ang pasakit na ito sa apat na taong pag-aaral mo sa kolehiyo, lalong bababa ang self-esteem mo at iisipin mo na hanggang diyan ka na lang talaga. Tatamarin ka na ring mag-aral dahil wala namang nakakakita ng mga magandang bagay na nagagawa mo. Iisipin mo, pamparami ka lang sa mundo, ikaw yung others. Aasa ka na lang sa iba para maka-graduate at bahala na si batman pagkatapos.

Importante nga ba ang mataas na grades? Importante nga ba ang maging matalino ? may magagawa nga ba ang pagiging cum laude ? ito nga ba ang magtatakda ng ating kapalaran sa hinaharap?

Maaaring ito ang magdadala sa atin sa ating mga pangarap pero maaaring ito rin ang magdala sa atin paibaba kapag tayo ay nakalimot.

Maganda para sa sarili mo tuwing makakakuha ka ng mataas na grades. Dahil ito ang magtutulak sa iyo para patuloy na maniwala na kayang mong gawin ang lahat ng bagay. Patuloy kang mangangarap para i-establish ang sarili mo bilang isang importanteng tao dito sa mundo. Pero sana huwag kang makalimot na ikaw ay nanggaling sa ibaba. Huwag sana dumating ang panahon na iisipin mo na ikaw lang ang magaling at ikaw lang ang laging tama. At kung gusto mong patuloy na umakyat sa 4th floor, siguraduhin mong wala kang ibababa sa 1st floor.

Kung honorable ka nung high school, hindi ibig sabihin na ikaw ang magiging pinakamayaman sa klase nyo. At kung palagi kang last section, hindi ibig sabihin na magiging taga-vulcanize ka na lang sa kanto.

Kung cumlaude ka, hindi ibig sabihin na ikaw ang may makukuhang pinakamagandang trabaho. At kung ilang beses ka namang bumagsak sa klase bago naka-graduate, hindi yan pamantyan para ikaw ay maging encoder habang buhay.

Sa panahon ngayon abilidad, tiyaga at pang-unawa sa mga bagay-bagay ang mas importante. Pero hindi mo ito magagawa kung wala kang tiwala sa sarili mo, ito ang una mong gawin, ang magtiwala sa sarili na kaya mo rin ang nagagawa ng iba. Dito papasok ang iyong pag-uugali kung pano mo titignan ang mga bagay-bagay na natutunan mo.

Maaaring may mga likas na matalino, pero kaya mo itong higitan kung ikaw ay marunong sa buhay.

Maaaring sila ay tunay na masipag, pero kaya mo itong higitan kung ikaw ay mas matiyaga.

Maaaring sila ay madaling makaintindi, pero kaya mo itong higitan kung ikaw ay mas nakakaunawa.

Hindi ako matalino at lalong hindi ako masipag. Hindi rin ako fast learner. Pero dahil sa abilidad, tiyaga at pang-unawa sa buhay, naniniwala akong mararating rin natin ang tagumpay. At kung marating natin iyon tiwala ako na hindi na tayo bababa dahil nagamit na natin ang ating mga pagkukulang at pagkakamali para matutong umakyat ng hagdan.

Recognition is given not to honor the best, but to challenge others to work harder and be the best they can be -ompong dilat-

 

http://ompongdilat.blogspot.com/


You may also like these articles:

Posted in |



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author ompongdilat



94 Comments |
  • Ompong Dilat
  • princess_ni_bhamskie

    I like it. Sana mabasa to ng mga students dahil one reason talaga kung bakit nagsstick ang isang student sa kung ano lang sila lalo sa mga lower sections ay dahil walang nagpapaliwanag at nagpapaalala sa kanila ng mga ganitong bagay, nasa mind na nila na hanggang dun nalang sila. walang sumusuporta unlike sa mga honor students na nasa kanila talaga ang attention. i am one of them, wala naman aq sa lower sections pero d rin naman aq ganun katalino, average lang baga pero i’m always afraid to find kung san aq mag excell dahil sa nakikita qng mga clasmates na mas magaling saken kaya feel q hanggang dun lang aq without even trying. dapat may continous pa rin na nagpapaalala like this blog na it’s not about the grades, it’s all about discovering your talent and giving your best to improve yourself.

  • Ompong Dilat
  • Phil O. Sofo

    Mayroong dalawang Schools Of Thought tungkol sa kahalagahan ng academic grades at application nito sa buhay kapag hindi na tayo pormal nagaaral:

    Una… Ang grades ay mahalaga…

    It is safe to assume na ang taong matataas ang mga grades ay kung hindi likas na matalino ay masipag/matiyaga. Imporatante lang ito kung ang target mo sa buhay ay makapasok sa isa sa mga malalaking kumpanya.

    Ipagpalagay na natin na ako ay taga HR Department ng isang kumpanya na taga-screen ng mga aplikante. Responsibilidad ko na siguruhin na ang mga taong isasalang ko para sa mga susunod na interview ng mga nakakataas sa akin ay hindi sasayangin ang oras at hindi sisirain ang mga araw nila. Kahit na ang mga upper management ang finally magde-decide kung sino ang tatanggapin, sagutin ko pa rin ang kapag sablay ang pagkaka-hire sa kanila. Kung walang extensive experience ang aplikante, saan ako magbabase para masabi na maganda ang potensyal nito para sa kumpanya ko? Saan pa, e di sa grades nya sa transcript at qualifiying exams na ibinibigay ng kumpanya. Maaaring meron itong “x-factor” o dating na magaling sa trabaho, pero imposible itong masukat. The only way ma maja-justify ko ang pagkakatanggap nya ay ang resulta ng evaluation sa kanya na masusukat sa pamamagitan ng mga numero.

    Ang ilan pang dahilan kung bakit mahalaga ang grades ay kadalasan documentary manifestation ito na ang mga taong meron nito ay madaling matuto, matiyaga, masipag, masunurin at madiskarte. Paano mapapatunayan na meron ka ng mga quality na ito kung puro 3.00 ang mga grado mo? Of course pwede mong sabihin na ang mga grades ay judgement call lamang ng mga professors mo at maaring hindi ka nila paborito o pinag-iinitan ka lang pero meron ka bang convincing na ebidensya para mapatunayan yon?

    Aminin man natin o hindi, mas madalas kaysa hindi na ang mga tao at mundo ay mapaghusga. Maaaring unfair ito pero ganoon talaga. After all, kapag tayo ay nag-aaply ng trabaho ay tayo ang nakikisuyo. So, wala kang say kung sa paanong paraan mahuhusgahan ang kakayanan mo. At alalahanin mo na sila ang maglalabas ng pera (sahod at cost of training). Subukan mong lang na sabihin sa interview mo na wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao. The only way to prove yourself is to be inside the game.

    Pangalawa… Ang grades ay hindi masyado mahalaga…

    Ang grades ay hindi mo kailangang problemahin kung wala kang balak na tumulong na magpayaman sa magiging boss mo (maging empleyado). Hindi ibig sabihin nito na ok lang ang maging mababa ang grades. Ang punto dito ay ang love for learning. Nagsusumikap tayong matuto para sa sarili natin at hindi para ma-impress ang ibang tao o pumasok sa mga standards na inilatag nila para ikaw at pahalagahan. Gusto nating matutuhan ang iba’t ibang bagay dahil gusto lamang natin. Secondary na lang ang mga grades na posibleng makuha natin.

    Aminin man natin o hindi, kahit na gaano kalaki ang pasahod sa iyo ng kumpanyang pinapasukan mo, tira-tira pa din ang eventually na napupunta sa iyo. Walang kumpanya ang magbibigay ng Php100,000.00 na sweldo kung hindi ka nagpasok ng at least 50 times ng halaga ng ibinibigay sa iyo. It translates into 2% sa iyo (100k) tapos 98% sa kumpanya (4.9m) Sa palagay mo, magkano ang napupunta sa bulsa ng may-ari ng kumpanya? Sulit ba?

    Maghanap kayo ng Summa Cum Laudeng empleyado na makakapagsabi na ang halaga ng trabaho nya ay 2% lamang ng naipasok nya sa kumpanya.

  • pisces asian cute girl

    I Like your BLOG ompong.. hnd nman tlga mahalaga kung mataas ang grades mo.. kung cum laude ka 1st honor o top notcher,, hnd nman nun kikilalanin ang pagkatao mo. Teacher ako, but i di believe learning takes place when there is a single change on a human’s behavior & personality & skills & attitude. d2 lng nman sa Pilipinas yan kinikilala.. ( higher grades) panig ako sa tinuran mong Hindi ako matalino at lalong hindi ako masipag. Hindi rin ako fast learner. Pero dahil sa abilidad, tiyaga at pang-unawa sa buhay, naniniwala akong mararating rin natin ang tagumpay. At kung marating natin iyon tiwala ako na hindi na tayo bababa dahil nagamit na natin ang ating mga pagkukulang at pagkakamali para matutong umakyat ng hagdan.

    Recognition is given not to honor the best, but to challenge others to work harder and be the best they can be -ompong dilat-

    sana lahat ng mga estudyante ko magiging matiyaga din,, ang tinuturuan ko kase ay last section, pero hnd ako tumitigil sa pagtulong sa kanila upang marating nila ang pagtatapos ng pag aaral… lalo na ang makabasa

    • SUSAN

      Sabi ho nila nag aral pa raw ako nang anim na taon para lang maging taga punas nang mga puwit nang mga amerikano.Hindi ako makuha nang exam as an Ot kasi inabutan kami nang band 2007. para mabuhay dito sa US nag aral ako nang CNA, mahirap na trabaho pero kinakaya ko para di na umasa sa magulang ko.Sabi ninyo intellginced cant bring you into success its your attitude and ability to face life and challanged. I maybe working as what we call slave job but I proud of it. Unliked other people they thinked they are genuis that’s Why they riched na ang tingin sa sarili better than God! You owned me your life, you are not here if i don’t send you in the school. Iyan ang kataga laging namumutawi sa bibig nang taong nag paaral sa akin. Nang magising ako sa katotohana, mas nanaisin ko pang mag hugags nang dumi nang dayuhan. Kesa habang buhay na nalulunukin ko mag likod sa kababayan ko masahol pa sa aso ang tingin sa iyo.Anf I beilieved BOBO man ako I will kept may head up coz, I worked hard to feed my self owned,