SIMBAHAN O PARTY-PARTY
Magandang araw sa inyo! Kamusta kayo? Nandito na naman akong magbubusisi at magaanalyze ng mga bagay-bagay sa mundo. Ang usapan ngayon ay patungkol sa simbahan o party-party.
Tanong ko lang, ano ba ang dapat suotin ng tao kapag magsisimba? Ano ba ang tamang approach para sabihin mo sa kanilang nakakabwisit ang damit nila.
Ibabahagi ko sainyo ang isang pangyayari habang nag sisimba ako sa St. John dito sa Malaysia kung saan maraming kapwa Filipino ang nandirito at iisipin mong nasa Pilipinas ka lang; kaliwa’t kanan may nag tatagalog, bisaya , ilongo at kung ano-ano pa. Ito’y napansin ko lamang: may mga babaeng sa simbahan ang punta pero ang damit nila kala mo may party party sa harap ng altar. Naka mini-skirt, naka tube tapos naka boots na hanggang tuhod ang haba. Nakakatawa minsan kasi kahit hindi bagay sa kanila eh pinag pipilitan, kahit na ubod ng dami ng piso sa legs eh ayos lang. Siguro sabi nga nila walang pakialamanan, kanya-kanyang trip ‘yan. Tama nga, kanya-kanyang trip ‘yan, pero di ko maisip kung nasaan na ba ang utak ng tao ngayon? Ang hirap kasi eh sagutin nyo nga! Siguro naman may tinatawag na “common sense” ang bawat tao. Sa simbahan ka pupunta! Kahit na bold star o porn star ka pa, kung sa simbahan ka pupunta mag ayos ka naman sa pananamit mo. Anak ng teteng, ang akala ata nila eh maganda tingnan. Sa iba, oo, maganda eh kung makapgsuot ba naman eh, halos wala ng saplot. Pero sa iba pangit tingnan!!. Lalo na at nasa ibang bansa ka. Minsan nga masarap kausapin itong mga ‘to, nakaka degrade ng pagka-Pilipino, yung iba rito sa nakakabasa nito sasabihin, Eh Paki MO BA?.. Oo, ano nga ba pakialam ko kung pag tawanan kayo at sabihin na mukha kayong mga putang gumagala sa simbahan. Naghahanap ng lalaking kakasimba lang eh namamanyak na naman.
Meron pang pag ‘tinanong ng ibang lahi kung taga saan sila eh proud to say pa na FROM PHILIPPINES, oh diba kahit mga babaeng kay aayos ng pananamit, yung tipong talagang marunong i-prisinta ang sarili sa iba eh nadadamay dahil sa katangahan ng iba. Parang sa military lang yan, kapag may isang pasaway sa isang platoon, buong platoon ang paparusahan.
Walang masama kung mag mini-skirt ka o kung ano man yan kung ang punta mo eh sa party talaga. Baliktarin nga natin ang sitwasyon: magdamit ka ng parang pang simabahan kung sa bar ang punta mo ‘di ba pagtatawanan ka din, vice versa din sa simabahan kaya, umayos kayo kung ayaw nyong natitira at ayaw nyong napupuna. Magdamit kayo ng naayon sa lugar na pupuntahan ninyo! ‘Di ko sinasabing mag-gown ka at mag dress na parang aatend ka ng debut. Ang sinasabi ko dito, may pantalon, t shirt at tsinelas na mas kaaya-aya sa mata ng ibang tao.
Gerald V. Bañoza
Draftsman
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.




very well said!!! even in fashion industry they are teaching how to dress properly that will fit in a different occasion, but the problem is some of us are really trying hard to be “in” without even thinking or asking other peoples opinion if what they are wearing fits on them or even on the occasion that they are attending too…so next time you dress up try to think first if the pieces you are holding fits on the occasion that you will be attending!!!
ang tanong .. hindi NIYO ba yan ginagawa paminsan minsan ?
kailangan pa po bang gawin paminsan minsan kung pwde naman gawing hindi nalang?
parang office attire, mag swi swimsuit ka pa minsan minsan kasi kanya kanyang trip?
Nowadays, Common sense is not common anymore, may mga Maria Clara sa panahon ngayon? meron pero di tulad ng dati na nakikita mo pa sa kalye… pero tanggapin n lng natin hayaan na n lng natin sila kung anu ung kinaliligaya nila, iba iba naman ang purpose nila ee, praying, attention whoring, flirting, meeting, partying etc.
Listen to my relevation,
Underground pop civilization.
Won’t create poetry to feed my mind,
Symbolism was left behind. ~ Amen Fasion + Black Jesus – Lady Gaga
simbahan
Correct! nakakainis talagang tignan na parang wala silang galang sa pupuntahan nila. Isa pang ugaling nakakainis ay nagdadaldalan o nagtatawanan pa habang nasa misa samantalang isang oras lang ang dapat isakripisyo para ialay sa Diyos.
well yes, the Lord doesn’t look into outfits but the Bible also says that when you lead others to sin, you will be held accountable. temptation is already everywhere around us so lets not add to it. People go to Church to pray but no matter how focused you are, sometimes even the slightest thing distracts you. Also, when we’re with someone important, may it be our boss or some dignitary, we try to dress most appropriately. it doesn’t need to be the most expensive frock from the rack but at least its appropriate. and we do this because? because we want to convey our respect. if we can show this much reverence to our human bosses, how much more to our Big Boss up there? He deserves so much more. so basically, what i’m saying is, its okay if you’re ‘yagit’ but its never okay to be vulgar. ‘yagit’ coz maybe that’s the only thing you have and can afford and its okay. but when you can afford to wear something else na simple but appropriate and respectable and yet you didn’t kasi it’s not ‘fashionable’ then that’s somethin’ else.
It is good that we WEAR our BEST ATTIRE on SUNDAYS especially going to Church… But there are DRESS that BEST Look at you but not in the Eyes of the LORD… Dressing-up should be Appropriate to the Occasion… There are People who are going now to Mass wearing Slippers, Short pants as if the Church is the extended place of their home. Though the dress is not that important in building relationship with GOD, but you should also be considerate that with the short skirts and other fancy Dresses can be a source of Temptation and Distraction to others who Worship GOD. Take this and view this imagery… If you go to a Formal Occasion… Do you wear Jeans especially when attending a Debut? Common Sense will tell you that it is not Appropriate to wear as such… So apply that PRINCIPLE when you go to Church… IF YOU DON’T HAVE A LITTLE RESPECT of YOURSELF… atleast you have to RESPECT the People who are there in WORSHIP.
hahaha!yes, i truly get where you’re coming from!when they ask you where you’re from and you say FROM THE PHILIPPINES, they give you that lustful look…i am speaking from experience and i am telling you that our kababayans are looked down upon kasi they kinda equate our race to that of a nasty, three-letter word…tsss
very true! hindi naiintindihan ng ibang tao yun kasi di sila nagbabasa ng bible. because if they do, hindi sila aakto ng ganun.
Kc karamihan ngaun ngpa2talbugan.d nla iniicp ang tingn ng iba.kala m mganda s paningin nila.