Bobong Pinoy ka nga! (Compilation ng mga Kowts ni Pareng Bob Ong)
Kung wala kang interes sa mga Pinagsusulat ni Pareng Bob Ong.
Para sayo to brad!
Ipokrito ka kasi.. Walang interes pero ininteres mong buksan to? Ano yan? Magic? Bigla nalang Nag-apir? o baka Minumulto ka ng manikurista mong na-murder? O Na E.T ka?
IPOKRITO KA LANG TALAGA! (CAPSLOCK!!!!!!!!!!!! With Wagas na Exclamation Point!!!)Aminin mo man o hindi Kasapi ka na sa mga BOBONG PINOY! (Bob Ong Pinoy)
Listahan ng KOWTEYSYON ni Bob-Ong.
Pag-Ibig nga naman.. via Bob-Ong
“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”
“Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo..Dapat lumandi ka din.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
“Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
Bob Ong tungkol sa PAG-AARAL….
“Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”
“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”
“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”
“dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa
Bob Ong tungkol sa BUHAY (IN GENERAL)….
“nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”
“Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”
“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
“Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa’yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?”
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
Bob Ong Sari-sari!
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”
“ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”
“hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”
“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. ”
“Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.”
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa
paggawa ng wala.”
“iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”
“iba ang informal gramar sa mali !!!”
” Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay yun, dapat matagal na kong patay.”
…Si Pareng Bob Ong na nga ang maituturing nating pinagsimulan ng Makabagong Panunulat Informal.
Mistulang “ELYEN” siya sa paningin ng mga “Disenteng” manunulat dahil sa paraan ng kanyang pagsusulat,
na laging binabatikos kesyo mali ang mga grammar, waste of time, na mas “educational” na basahin yung mga libro nila at kung anu-ano pang mga panglilibak.
Si Bob Ong o silang mga Bob Ong o kung sino man si Bob Ong..
Sana’y magkita rin tayo.. tapos enge balato, tapos penge akong I-Phone4s, tapos sabay tayong mag Teach me how to Dougie ng mga 12 times, tapos i-popost ko sa Facebook at Tweeter ko yung mga litrato nating magkasama (pangyabang),
Tapos pa-autograph na din pala sa gums o kaya sa atay..
Manoyninoy
©Copyright 2011, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Time Machine
Nang dahil kay MISS-COMMUNICATION.
Sa Pusong Butas, Nabuo Ang Pag-Ibig Na Wagas-Part II
Tiwala Lang
Hinaing ng Isang Charing
Paano Ba Ang Maging Ina?
Hindi Na Ako Iiyak (Based on a True Story)
Dear Smiley:)








Haay ang tao nga naman:):)
Pagkabasa ko sa blog na ito parang puro puot at galit ang nasa puso ng taga sulat.Baka pakiramdam ko lang yon:)
Bakit puro nalang mali ang nakikita wala nabang tama.Sabagay sa ating pagkakamali tayo’y natuto:)
i like bob ong too…galing ng ginawa mong compilation love it…
nice one sir!
i love bob ong!!! <3
ang mga libro ni bob ong any parang mga libro nina rozal noong panahon!
Rizal, error!
happy Rizal day!
lufet!”!
nice sir! nice article!
Thanks mga sir. mabuhay si Pareng Bob Ong!
WOW!
Thanks sir manoyninoy! the best ka! Lipad Arroyo Lipad! )
-jen012
Hi jen.
Nabasa mo pala yun? Thanks nadin. Mabuhay tayo!
-jen012
Hi jen.
Nabasa mo pala yun? di ka naman mahilig tumambay dito #defenitely noypi
Thanks nadin. Mabuhay ka!
welcome sir idol!
Oo naman.. Top hits kaya yun. most viewed! ikaw na talaga! You already! (:
Pasensya na at medyo marami akong maling grammar,
medyo late ko na kasi tong nagawa tapos jetlag pa.
Pero ang mahalaga yung laman.. yung mga laman ng sulat ni Pareng Bob ong,
Di man ako magaling sa Grammar
Masarap naman akong magluto. kwits lang.
nice.astig ka talaga ManoyNinoy!hehe
wagas…
nakakatulong ang mga gawa ni bob ong na kowts kasi in reality totoo at sapul tau
cno nga kaya c bob ong?
bob ong ROCKS!!!
sana nilagay po ng author yung page number and book title para alam na bob ong talaga. =) marami kasing kumakalat na fake BO qoutes. =)
i really love bob ong:)
hindi nakakasawa basahin .. (:
Love ko talaga mga kowts ni bob ong
ang ganda, habang binabasa ko ang anak ko ang nasa isip ko nawa maging isang gabay niya habang nag dadalaga sya ang mga naka sulat dito, patuloy mo nawa ang ganitong uri ng pag susulat God bless u
ihindi ako bob ong hater. pero hindi rin ako fan niya, ngunif subalit datapwa’t interesado akong basahin mga libro niya.
may tanong lang ako. bobo ka ba? o sadyang tanga ka lang? malamang bubuksan to ng mga taong curious dahil sa opeing statement mo.
sadyang nakakainis lang ang kagaspangan ng iyong ugali.
agree!…
sadyang kakaunti n lng tlga may pagunawa ngayon.
sinabi nya lang yun to grab attention.. kung nagrab ka…hehehe
like.. wag nyong buksan nakakatakot tapos binuksan mo to see kung nakakatakot nga yun pala si spongebob at patrick lang… kaso ang harsh lng nung mga salita dapat hindi ganun…
BOB ONG SUPER LIKE!!!:D
i <3 bob ong!
Nice article!!!
lupet mo..
Kompleto ang libro ni idol
pang ARTICLE talaga tsong.!!
si bs yang bob ong na yan?????