Ang Karakter ni ANNA- The Other Woman Part 2

Note from the Author: Sa mga nakabasa ng una kong blog entry, ““Ano’ng gagawin niyo if the only man you love is unfortunately married?” -Kara Zalderiaga, No Other Woman”, maraming salamat po dahil sa mainit nyong pagtanggap!

Si Anna, ipinanganak noong 1970, tag-ulan. Tuwang tuwa ang kanyang mga magulang. Ang cute na bata, morenang morena! Bagamat galing sila sa mahirap na pamilya, pinilit ng kanyang tatay at nanay na ibigay ang nararapat para sa kanilang prinsesa. Lumaking masayang bata si ANNA. Active din sya sa school, dancing, drama, singing; lahat kasali sya at higit sa lahat, honor student pa.

Nagdalaga si Anna sa ibang bansa na dala ang moral values na itinuro ng kanyang mga magulang: Maging matulungin ka, mabait sa kapwa at ingatan mo ang iyong sarili. Dahil magandang babae, pumipila ang manliligaw ni Anna.

Hanggang meron syang minahal na isang lalaki. Siya si John, isang Amerikano. Unang boyfriend nya si John. Matagal nya bago sinagot si John dahil sa pagkakaalam ko, halos 1 year syang sinuyo ng lalaki. Anyway ‘eto na nga at naging sila.Masaya naman sila kasi nga mahal nila ang isat-isa at si John laging nakaalalay kay Anna. Pero dumating din ang panahon na nagkahiwalay sila. Dinamdam ni Anna ang paghihiwalay at nananihimik na lamang at nagdesisyon na maging single muna.

It took her 5 years to heal. Matindi magmahal si Anna. Kahit pa laking- America, di sya katulad ng ibang babae na para lang nagpapalit ng damit kung magpalit ng boyfriend. Meron syang quality ng isang lalaki na hinahanap, at di nya yun makita sa karamihan ng lalaking kanyang nakilala at lumiligaw sa kanya. Choosy, ika nga.

Hanggang makilala nya si Jun, the “unfortunately, married man…”

Comment ng isang reader ko below…

Jelyn on November 20, 2011 at 10:11 AM

“Ngunit ang sagot sa title kung hindi mo babasahin ang buong blog …”unfortunately married” … ay dapat lang kumawala ang lalaki sa married life niya na unfortunate o hindi siya maligaya. Dahil kung ako naman yang legal wife at may iba namang babae sa buhay ng asawa ko, napakawalang respeto ko naman sa sarili ko kung ipagpipilitan ko sarili ko sa isang taong hindi na ako ang mahal. RESPETO ang pinag-uusapan dito. Kung wala na yung pag-ibig, respeto na lang ang natitira para sa legal wife.Kaya kung unfortunately married ay wala kang sisiraing pamilya kung dati nang sira ito.”

Well said Jelyn…Salamat at binasa mo muna ang aking blog bago ka nagcomment..=)

Back to Anna..
Nakilala nya si Jun sa isang party. Through a friend, hindi po ako ayun…=0)

They had a special connection at that time, hindi love at first sight but theres something in Jun na biglang nagising ang diwa ni Anna..Imagine 5 years…Golly this man is interesting! Tipikal lang na lalaki si Jun, although matangkad sa karaniwang Pinoy. Di naman kagwapuhan na katulad ni Papa P. It is his character that makes him sexy in the eyes of Anna. Matalino si Jun, pinipili ang mga salitang lumalabas sa bibig, lahat ng sinasabi may sense….and a very good listener…At kahit ako ng makilala ko ng personal si Jun, sabi ko, oi Anna good catch ha… Kahit obvious na may gusto rin si Anna kay Jun, hindi nya agad sinagot si Jun. It took Jun 5 months bago makahingi ng unang date kay Anna. And the rest is history. Masaya sila at walang duda na match na match sila. Punong-puno ng pagmamahalan, pagbibigyan, respeto at tiwala ang kanilang pagsasamahan. Boto ang buong pamilya ni Anna kay Jun…Hanggang sa…

Nalaman na nga ni Anna na may asawa pala si Jun. Mismong ang lalaki ang nagtapat kay Anna…Bakit?? Bakit mo ako niloko?? ‘Yun lang ang nasabi ni Anna kay Jun. Umiyak din si Jun at sinabing, Alam mo ANNA, dumating ka sa buhay ko na akala ko di ko na kayang magmahal pa….pinatay ko na ang puso ko, ilang beses na ako na nagmahal, lagi akong bigo. Si Cristy ( asawa ni Jun)  ay hindi ko talaga minahal ng katulad ng pagmamahal ko sa ‘yo, Anna..Makasarili si Cristy. Kahit sa mga anak namin madamot sya. Hanggang sa nagkasakit nga sya ng kanser. Kung di lang ako pinakiusapan ng mga anak ko na ‘wag iwan ang kanilang mommy, matagal ko ng ginawa ito Anna. Patawarin mo ako...Buong katapatang pag- amin ni Jun kay Anna.

Nakipaghiwalay si Anna kahit gano man kasakit para sa kanya ang iwanan si Jun. Ginawa nila ang nararapat dahil alam nilang mali ang kanilang relasyon. Subalit pagkalipas lang ng 7 buwan, muli nilang ibinalik ang kanilang relasyon. Pero this time, nag-give way si Anna Lumayo siya at nagpunta ng ibang bansa at dun nagtrabaho. Si Jun ay naiwan sa asawa nya katulad ng pangako sa mga anak. Hindi iniwan ang kanilang ina…..Long distance love affair…..Nagkakasya na lamang sila sa tawagan, chat etc. upang maipadama nila sa isa’t isa kung gaano katindi ang kanilang pagmamahal.

 

To be continued………..

If you’d like to read from Chapter 1, the entire “The Other Woman” series by Miss J. may be found here.  – Admin

Enhanced by Zemanta


©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.


Author: Ms.J

A doting mother, loving wife and a career woman.... I must admit that I am not a professional writer but I love writing stories,personal travel diary and blogs during my free time...=)

You may also like:

13 Responses to Ang Karakter ni ANNA- The Other Woman Part 2

  1. Si Cristy ( asawa ni Jun) ay hindi ko talaga minahal ng katulad ng pagmamahal ko sa ‘yo, Anna..Makasarili si Cristy. Kahit sa mga anak namin madamot sya. Hanggang sa nagkasakit nga sya ng kanser. Kung di lang ako pinakiusapan ng mga anak ko na ‘wag iwan ang kanilang mommy, matagal ko ng ginawa ito Anna. Patawarin mo ako…

    Hahaha!! Tanga lang ang babaeng maniniwala sa ganyan litanya. The guys is making up an excuse so he could keep this affair with the woman. This woman on the other hand is accepting this sorry excuse to be in this adulterous affair.

    Hindi pagmamahal yan… may ibang tawag jan.

  2. [...] gagawin niyo if the only man you love is unfortunately married?” -Kara Zalderiaga, No Other Woman Ang Karakter ni ANNA- The Other Woman Part 2 Si JUN-” The Unfortunately Married Man” (The Other Woman [...]

  3. Hay buhay love, nakakaaliw na nakakabaliw!

  4. Kapangalan ko c Ana , parang tinatamaan ako sa story, aq nga lng ung unfortunately married…….. Ouch………

  5. mabuti na lang may mga taong marunong umunawa ng mga ganyang story. yung iba kasi hilig maghusga para bang sila na pinaka banal na tao sa mundo. Nainlove lang si Anna at normal sa tao ang mainlove. yung mga nagbabanal banalan dyan, mga bato yan. mas nakakaawa ang mga taong walang pag-ibig sa puso.

    • Irene Flores Torres

      huhuhuhu… naka relate ako.. ganyan din ang story ko after 20 years nagkaroon kami ng communication ng aking HS hmmm.. hehehe pareho na kaming married but still have a communication.. kuntento kami na magkaroon na lang ng constant communication because of our situation, I’m happy because we get more closer..ganyan talaga kahit matagal ng panahon na nagkahiwalay kayo kung love nyo ang isa’t isa … the feeling remains in your heart.. GOOD LUCK sa writer..

  6. [...] Continuation of: Ang Karakter ni ANNA- The Other Woman Part 2 [...]

  7. di pa rin ako agree kahit na gaano kaganda ang pagpapalaki kay Anna, the fact is nakikihati pa rin siya sa taong hindi talaga kanya, dapat kung lumayo siya, wala na talaga kahit communication pa . . .she’s still committing adultery . .

  8. Si Anna at si Jun…they have the “right love at the wrong time”…sabi sa isang awitin ni Barry Manilow. NOW is not the right time for them. All they have to do is to let go of each other and move on with their lives. If they are really meant to be, magiging sila pa rin …kahit pa sa kabilang buhay.

  9. LAKI SA HIRAP NA LUMAKI SA IBANG BANSA…
    Bagamat galing sila sa mahirap na pamilya,
    Nagdalaga si Anna sa ibang bansa

  10. Should’ve been titled “FORNUNATELY married”.

  11. Yan ang tunay na pag-ibig, may pag-titiis,may sakripisyo,di nawawalan ng pag-asa na darating ang tamang panahon para sa kanila..para lang yan sa movie na”Walk in the clouds” na kahit nagmamahalan sila, bumalik ang lalaki sa asawa at duon natukalsan nay na dinivorce na pala sya ng asawa nya at malaya na syang mag-mahal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>