TSINELAS
Tsinelas, Goma, Sinelas, Sipit: Ilan lang yan sa mga karaniwang tawag sa ating mga suot na pang-paa. Kahit nung mga sanggol pa lang tayo at lampin pa ang suot, may sapin na din mga paa natin para maprotektahan tayo sa lamig. Hanggang sa pagtanda at uugod-ugod na, asahan mong kakabit na ang tsinelas ng ating mga paa.
Sabi ng ilan, ang tsinelas daw ay katulad din ng ating tahanan. Kahit saan ka pa magpunta, babalik at babalik ka, hahanap hanapin ng iyong sistema. Tsinelas ang unang hinahanap ng ating paningin after nating magbihis o pagkadating sa ating mga tahanan. Kulang ang pakiramadam kung wala tayong suot sa paa. Kahit pa gaano kamahal suot nating sapatos, hindi pa din natin kayang ipagpalit ang ating mga tsinelas. Saan ka ba nakakita na sapatos pa din ang gamit na pang-paa sa bahay? Siguro meron ngang mangilan-ngilan (madami na nga pla sila) na ganun. Mga rich.
Ilan nga ba ang klase ng tsinelas? May mura, may mahal, may tama lang sa budget, may panghiram, may hand-me-downs, may napulot na para sa iba ay nakaw, may malaki, may maliit, may plain, may printed, may itim, may puti, may de-kulay, may butas, may tangos na, may replaced na ung dahon, may de-kawad, may sira na, may plastic bottles, may karton, may dahon, may wala ng katuwang at madami pang ‘may’.
Panu ka ba pumili ng tsinelas kung bumibili ka? Alin ang una mong tinitingnan? Presyo, Kulay, Disenyo, comfy? Kung ibabalik ninyo saken ang tanung, eto masasabi ko. Mas gusto ko bumili ng tsinelas sa palengke. Mas mura kasi at mas madami ka pang magiging choices. Disenyo, comfy, kulay (kung nakakaitim ba ng paa ko.. har har har) at presyo. Iyan na ung pagkakasunod-sunod. Pero kalimitan ay in reverse (hehehehe)
When we were in grade school (kaming magkakapatid), we seldom wear rubber shoes then. Kapag field day lang or kapag may bisita. So when my cousin noticed my feet, sabi niya hindi maipagkakaila na magpipinsan daw talaga kami ‘coz our fingers seemed to hate each other. It’s because we always wear slippers.
May iba pa bang gamit ang tsinelas bukod sa pampaa? Games, definitely games. =) Most of the time, nawawala ang isang pares ng tsinelas naming magkakapatid at magpipinsan kasi ginagamit namin sa paglalaro. It would either be tumbang-preso or bending. Puwede din na gawing pamalo sa malilikot na bata at mahilig umatungal. Hehehe. Ang ibang bata lalo na yung malalapit sa ilog or dagat ang bahay, ginagamit nila itong salbabida. Isusuot nila sa magkabilang braso nila ang tsinelas at presto! may salbabida na sila. So creative and resourceful. Hehehe. May isa pang laro ngayon na ginagamit ang tsinelas. Hindi ko nga lang alam kung ano ang tawag ng pinsan ko sa larong yun. Tuwing hapon na lang ay namumura siya ng kanyang ermat kasi nga hapon na ay laro pa siya ng laro. He used his slippers as replacement for a coin at kahit mag-isa ay naglalaro na parang may kakara cruz…
“Darating ang panahon na wala nang nakapaang bata” – yan ang sabi (not the exact words) ng isang komentarista at host ng isang programa sa isang istasyon sa telebisyon. Isa kasi sa proyekto nila ay pamimigay ng tsinelas sa mga graders. They go to every public school here in the Philippines and they give slippers to every student. They even give a 500 peso bill to a student who has the most damaged slipper. Merong butas na talaga ang apakan, merong magkaibang pares na ang sinusuot, may halos kalahati na lang kasi putol, may nakakawad na ang mismong dahon ng tsinelas kasi biktal na. Nakakataba ng puso sa tuwing maaabutan ko ang programang ito. Kitang kita mo sa mga mata nila ang tuwa at pananabik sa bago nilang tsinelas. Gusto kong makadaupang palad ang tao sa likod ng proyektong ito.
May naalala akong ale. Minsan kasi na sakay ako ng jeepney papuntang trabaho, may nakasabay ako sa sasakyan na isang ale. Hindi naman siya kapansin-pansin kasi wala namang kakaiba sa mukha niya at sa gayak niya. Sa tsinelas na suot lang niya napatuon ang aking pansin. Akala ko nung una ay di lang tlga niya sinuot ng maayos base sa kanyang pagkakaupo. Napagtanto ko na maliit talaga sa kanya yung suot niyang tsinelas. Napasisip tuloy ako at nagtanung. “Bakit?” Siguro, bigay lang yun sa kanya. Kaya sa halip na palitan niya ay pinagtiyagaan na lang niyang isuot ang tsinelas. Pwede din naman na wala talaga siyang tsinelas na kanya kaya nanghiram na lang siya. Inisip ko tuloy kung papaano siya lalakad ng maayos gayong sobrang init ng panahon. Alam ko at sigurado ako na sobra ang naging pagtitiis niya sa tuwing isusuot niya ang tsinelas na yon. Ngali-ngali ko nang samahan siya sa palengke at ibili ng tsinelas na tama sa sukat ng paa niya. Pero hindi ko ginawa. It’s not a good escape or an excuse if I will tell you that I’m already late for work, so I have no enough time to do that. I pitied her but I did nothing to help her. Some of us are like me in that aspect of life and it really is a shame. But I learned from it. Since I have no chance of meeting that person again, I always buy a pair of slippers and give it to my cuz or tito or mudra, or to anyone who happens to have a damaged slippers. =)
Tsinelas, simpleng bagay pero malaki ang nagagawa. =)
When will I buy another pair?
Para kanino naman kaya ang sunod?
Sana saken?! Hahahaha! =)
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.




remember ko spartan ang tibat nun
cool. alam nyo po ba un rap na, “tsinelas, tsinelas, di ka madudulas” hehe
sorry.. havent heard of it.. baka pede mo kumpletuhin ung rap? hehehe
tsinelas, di lang pampaa pampuwet rin … pampalo sa puwet noong tayo’y mga bata pa kapag nagpapasaway kay nanay at kay tatay!
agree =) check check!
hi
hello po.. =)
salamat po sa mga naglike at nagshare.. =)