“ring ring ring” Hello Good Morning…

Agad na masasalubong pagpasok mo pa lang ng opisina. Telepono na walang tigil na tunog samahan pa ng tawag mula sa iyong mga ktrabaho.

” please do this and  i have inquiry can you make it and then and then” I need the copy of this and that” where are like those and that” How to do these? Can you make a favor to edit”.

Yan ang mga eksena sa opisina kung company secretary ka. Lahat na lang asa sa’iyo na para bang wala silang alam sa trabahong opisina.

” Call this, check this, follow up this” Walang sawang magsabi ng kung ano-ano na kaiiritahan mo.

Anyway normal lang yan para sa mga secretary kase porte yan ng kanilang trabaho. Pero ang isang masaklap para sa company secretary dala mo na ang pagiging office girl at kung minsan ay cleaner ng opisina. Paano nga ba nangyayare ang ganitong sistema ng buhay?

Maraming reason yan at kung minsan hindi maiiwasan ang ganyang sitwasyon lalo na at ikaw lamang ang maaring gumawa  at kalimitan pa nangyayare  sa personal secretary.

Sabi nila ang secretary daw Multi ibig sabihin anything is for secretary. Siguro nga dahil mostly yan ang paniniwala natin dahil nangyare din sa akin yan. Nagtitimpla ng tea/kape tapos bigay ng tubig sa bisita. hasytt kaysaklap naman. Ngunit yan ay pansamantala lamang sapagkat may isang kaibigan ang nagbigay ng tapang sa akin na humindi sa bagay na hindi na sa akin. Sa una nahirapan kami at kung ano-anong step ang ginawa namin. Talaga namang parang bagyo at araw-araw ay may kaba sa dibdib ngunit ang lahat ng yan ay napaglabanan at nakamit ang hustisya.

Isang araw nagkaroon daw ng emergency at ako lamang ang maaring gumawa subalit dahil sa nabago na ang aking kaisipan humindi ako. Umabot ang diskusyunan at napagdesisyunang bawasan ang aking sweldo dahilan sa aking ugali. Kung inakala nilang iiyakan ko ang pagbawas sa aking sweldo ay  hinayaan ko na lamang at nanindigan ako sa aking natutunan. Secretary ako at hindi office girl.

Dahil sa pangyayareng iyon natigil na ang umutos o magsabi sa pagagawa ng kape/ tea sa mga bisita. Laking tuwa ko dahil sa nabago ang kanilang ugali sa ganitong bagay.

Totoo nga naman na kung simula pa lamang ay lilinawin ang ganitong sistema ng pagiging secretary ay maiiwasan mo ang ganitong uri ng sitwasyon na bagay na kung secretary ka ay secretary na pang paper works at hindi pang kitchen o ano pa man.

Hindi ko po minamaliit ang pagiging office girl o cleaner  nais ko lang i-share ang aking karanasan at salamat po sapagkat naging malinaw na secretary ako at hindi office girl.