Home
» CULTURE » Arts, Cultural Identity, CULTURE, FILIPINIANA, MISCELLANEOUS » Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School)
Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School)
Written by: razelFilipino
Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English?
Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School)
Lakandiwa:
Minamahal naming mga kamag-aral
Mga magulang, mga guro at prinsipal
Mga panauhing pinagpipitaganan
Naririto ngayon sa’ting paaralan.
Magandang umaga po, ang bating marangal
Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang
Ikalimang baitang ang amin pong alay
Ipagmamalaki, isang balagtasan.
Wikang Filipino ay sariling wika
At ang wikang English ay wikang banyaga
Kapwa ginagamit ng may pang-unawa
Higit na mahalaga, alin na nga kaya?
Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala
Dalawang mahusay, maganda at batikang makata
Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila
Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila.
Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran
Si Bb. Irish ng Grade V- Emerald
At sa wikang English ang makakalaban
Bb. Lariza ng Grade V- Section one.
Wikang Filipino:
Sa puso at diwa, ako’y Pilipino
Mgandang Pilipinas ito ang bayan ko
May sariling wika, wikang Filipino
Na s’yang nagbubuklod sa sambayanan ko.
Wikang Filipino ay wikang panlahat
Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas
Sa pagkakaisa naipahahayag
Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad.
Wikang English:
Alam nating itong English, isang wikang pandaigdig
Sa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamit
Ang mga asignaturang Science, English at Mathematics
Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip.
Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin
Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na
May computer, may internet, Facebook at may Google plus pa
Ito’y mga pagbabagong Wikang English ang simula.
Wikang Filipino:
Alam nating sa’ting mundo marami ng pagbabago
Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso
Mentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimuno
Ngunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino.
Sariling wika ay salamin nitong ating pagkatao
Matibay na pundasyon ng ating pagka-Pilipno
Isang wikang kinagisnan minana pa sa ninuno
Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago.
Wikang English:
Sapagkat itong English isang wikang unibersal
Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan
Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
Upang itong mga bansa ay magkaunawaan.
Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaral
Kung mahusay kang mag-English sa call center ka mag-apply
Siguradong matatanggap at kikita rin kaagad
Kaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa magdamag.
Wikang Filipino:
Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino
Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso
Itong wikang kinagisnan, ang Wikang Filipino
Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.
Wikang English:
Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino
Mahalaga rin ang English at ‘yan ay nababatid mo
Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo
Ang pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo.
Lakandiwa:
Tama na, sukat na, mahuhusay na makata
Ang pagtatalo n’yo ay h’wag nang palawigin pa
Sa madlang nanonood kayo na po ang magpasiya
Alin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga?
Kaming tatlo ay narito, sa inyo’y nagpapasalamat
Mahal naming kamag-aral, mga guro at magulang
Taos pusong bumabati, maligayang pagdiriwang
Ang hiling po namin, masigabong palakpakan.
©Copyright 2011, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.




Maraming salamat…
At nakita ko rin ang hinahanap ko . Thank you Very Much..
Maraming salamat…
At nakita ko rin ang hinahanap ko . Thank you Very Much..
50-50
Batid Kong napakahalaga ng Wikang English sa panahon ngayon. Sapagkat ito ang itinuturing na “International Language” kumbaga sandata ng bawat Isa sa pakikipag-ugnayan sa kapwa anumang lahi ito.
Bagamat ako’y labis na nasisiyahan sa Wikang Filipno. Liban sa ito’y kaaya-ayang pakingkinggan, batid natin na ito ang nagbubuklod
Sa ating mga Pilipino anumang Tribo galing tayo.
Kung ihalintulad natin sa hagdanan, ang Wikang Filipino ang unang hakbang tungo sa pakikipagkapwa Tao para sa lahat na mga Pilipino. Kung kaya ito’y higit na mahalaga sa aking sapantaha.
Maraming salamat at magandang araw sa lahat!
Both. And if we have time, we can start learning other languages as well. Nothing hinders learning except bad attitude.
both!
English ALL the way! Screw the filipino language!! It only hinders learning!
both na mahalaga,,,mahusay tayo sa sariling wika natin, at dapat mahalin at pahalagahan natin ito,,pero dapat marunong dn tau ng salitang banyaga,,lalo na kung magtattbho tau sa ibang bansa.
ahhmmm… for me ahmm… my on langauge .. but sometimes i use english language for my study… taas noo pilipino aq,,, heheheheh sa katu nayan yan ang paboritong subject ko… …pero kyeso pareho silang mahalaga eii nsa lahi nman yan kung san sila kumportable,,, basta aq pilipino aq,,
Wikang Pilipino at Ingles ay parehong importante sa ating nasyon. At hindi unusual na ang bansa ay nakapagsasalita ng multiple languages. Sa Europe, hindi unusual na ang mga tao ay nakapagsasalita ng at least three languages. Sariling wika nila, plus Ingles at iba pang wika. Ito rin ay necessario para sa kaunlaran ng ating nasion. Ang kinasarapan ng ating tourism economy is dahil sa it’s easy to get around dahil marunong mag Ingles ang mga Pilipino. Kapag ang Pilipino ay gustong bumisita or mag migrate sa U.S., madali tayong makahanap ng trabaho dahil marunong tayong mag Ingles. So hindi tayo nahihirapan mag assimilate sa U.S. Importante an ating wikang bansa. Iyan ang pagka Pilipino natin. Iyan ang ating pride, ang ating kultura. Pero importante din sa ating bansa na tayo ay marunong mag Ingles, at importanteng tuluyan nating i pasa ang karunungan sa ating mga bata. There is no harm in being a bi-lingual country. It would not hurt us to also be taught Spanish. As half the world speaks Spanish – as we once did decades ago. I think it will open up opportunities for Filipinos and our country. We’ve already got half the battle – our Tagalog is already composed of many Spanish words so learning is a breeze.
toinks!!!!!!!!!!!!!!
hahahahaha tamsss
70% phil. And 30% englsh.. Pra skn
pilipino or tagalog sa bansang pilipinas lang magamit at kapwa pinoy ang makausap. sa english magamit sa us, england or anywhere that speaks n uses english. May mga iba pa dyan na trying hard to speak English eh tagalog na ang kausap!!! so parehong kailangan!!! walang mas higit
Mahalaga ang filipino language kasi it express your culture and on the other hand mahalaga rin ang english kasi internation language ito, kahit pa sabihing “action speaks louder than words” mahalaga pa rin ang “words” pagdating sa communication, gusto mo kahit paano ma express ang sarili mo in the same manner magka intindihan kayo ng kausap mo..di batayan ng pagiging intelihente ang pag iingles, batayan ito ng pakikipag kapwa tao, ano mang kulay o lahi ang kaharap mo.. Opinion ko ito
ano ba? anong ikauunlad natin sa balagtasan na ito? walang kwenta. parehong mahalaga…pag lumabas ka na ng bansa sige magsalita ka ng sariling wika kung maintindihan ka…lost filipino ego wouldn’t help us…
go n tyo sa spanish language pr makarating tyo ng spain or sa mga bansang latino…english din para makarating ng US at canada.
Both siyempre!!!
Wikang Filipino and second language English Im a cebuano and I will never forget my own salita!
pareho!!!!!!!!!!!
Wikang pilipino! English pag kausap mo ibang lahi!
mabuhay kayo!! ang aking alma mater na eskwelahan (NEES)
for me wikang english.
Wikang Pilipino! BOW!
syempre ang wikang pilipino…