June 19, 2011 nag stat ako sa facebook ng “happy birth day Pepe” imbis na happy Fathers ito nalang para maiba, wala lang trip ko lang papansin ganun. Pero sa hindi sinasadyang pagkakataon nasapawan kaagad ako ng moment. My bigla ba namang nag comment ng “hus pepe?? manaloto?” Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa taong nag tanung ng hus pepe??. Pero…. sa tingin ko, mas nakakaawa si Pepe.

Sa panahon na uso ang txt ang dota ang facebook ang tweeter at ang pornograpiya (pasensyana friendster hindi ka na uso) kilala pa ba natin kung sino si pepe o sa mas kilala natin sa pangalang Dr Jose Rizal. Inaamin ko na hindi ko alam ang totong pangalan niPepe hindi ko rin alam kung sino ang mga magulang nya basta ang alam ko wala akung kasalanan hindi ako ang traidor hindi ako ang pumatay.

José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ito ang totoong pangalan ni Pepe, ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. My nag tanung sakin. Manong A, kung nabubuhay si Rizal ngayun anu kaya ang ginagawa nya magiging bayani kaya siya? Sabi ko sakanya, OO naman!! isa siya sa bayani natin ngayun walang duda!! malamang nasa Taiwan, Singapore, at Dubai na siya ngayun. Siguro kung makakapag salita si Rizal ngayun, siguro mas nanaisin nya pang sana wala na sanang rebulosyon, wala na sanang mga katipuneros na nag-aklas, sana wala na ng mga bayani, at sana nasakop na nalang tayu ng ibang bansa. Sabi ng iba naipanganak daw si rizal sa maling panahon. nasayang lang ang kanyang ginawa na uwi lang daw sa wala.Kung titignan nyu ang bansa natin ngayun sa tingin nyu ba masisiyahan si Pepe?. Magiging proud ba siya sa pinaglaban niya? Masasabi nya bang, The Land of My Birth, The home of My People masasabi niya kaya yan??.

Ika-isang daan at limampung kaarawan ng ating Bambansang Bayani sa piso sa libro sa t-shirt sa mga rebulto lang ba natin kilala si José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Sa kaarawan niya lang ba natin siya naaalala my mga iba nga satin na hindi pa alam kung anung meron sa June 19 sa mga studyante pag tinanung kung anung meron sa June 19 basta na move sa monday wala daw pasok ni hindi alam kung anung dahilan sa mga iba naman end of the world daw, hanep eh noh. kawawa naman si pepe si pepeng nag sabing ang kabataan ang pag asa ng bayan.

Tinanong ko ang isang bata kung anung tunay na panagalan ni Pepe sinagut niya naman ng tama José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda hindi ko alam kung paano at kung sa anung paraan niya nasagot ung tanong pero sa oras na yun ay bumalik ang tiwala kung ang kabataan ang pag asa ng bayan pero ngunit subalit at datapwat my isang pam pam na umentra nanaman sa moment kung yun may nagsalita ng “apay sino akin birth day apay sino ni pepe ni pepe smith?? ” 2wung wung wung wung wung nosebleed wala na, siya na! siya na talaga! siya na ang pag asa ng bayan :(( #!@#$%!!!!