by
on
under , , , , , , ,
tagged , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author NoBenta

Balik-Tanaw: Ang Sakit na A.I.D.S. Noong Dekada NoBenta

link 1 Minute Automated Binary Options Trading Signals

http://danstasiewski.org/?option=Binary-Options-4-Aes-Yes-Or-No Binary Options 4 Aes Yes Or No

http://danstasiewski.org/?option=How-To-Earn-Money-On-The-Android-Of-Video-Off How To Earn Money On The Android Of Video Off

Strategiiya Of Trade On Forex

Hong Kong Stock Exchange Live

Ang unang kaso ng AIDS sa bansa ni Uncle Sam ay noong June 5, 1981 na kinasasangkutan ng limang binabae. Noong una ay GRID ang itinawag dito o “gay-related immnune defieciency“. Tinawag din ito ng Center for Disease Control (CDC) na “the 4H disesase” dahil ang mga karaniwang nagkakaroon nito ay ang mga Haitians, homosexuals, hemophiliacs, at heroin-users. September 1982 unang ginamit ng CDC ang medical term na AIDS.

Sa unang taon ng nineties, ginulat ang mundo ng musika sa pagpanaw ni FREDDIE MERCURY ng bandang Queen noong November 24, 1991. Kahit na noong 1987 pa siya na-diagnose sa pagiging HIV+, nalaman lang ng madla ang kanyang karamdaman isang araw bago siya pumanaw. Siya ang kauna-unahang “sikat” at tinitinigalang homosexual celebrity na yumao sa pagputok ng Dekada NoBenta. Ang “The Freddie Mercury Tribute Concert for AIDS Awareness” na ginanap noong April 20, 1992, ay ang isa sa mga benefit concerts na nagmulat sa mundo pagdating sa sakit na ito.

Ang kauna-unahang high profile heterosexual na yumao sa sakit na ito noong nineties ay si ARTHUR ASHE, isang African American tennis player na nanalo ng tatlong Grand Slam titles noong kanyang kalakasan. Ayon sa mga kuwento, nalaman niyang siya ay HIV+ noong August 31, 1988 at nakuha niya raw ito sa pamamagitan ng blood transfusions na ginawa noong siya ay dumaan sa isang operasyon para sa kanyang puso early 80’s. Dahil ang sakit na ito ay kinatatakutan ng lahat, inilihim niya ito sa madla hanggang April 1992. Pumanaw siya sa sakit na AIDS-related pneumonia noong February 6, 1993.

Ang isa sa mga ‘di ko rin malilimutang balita na pumukaw sa atensyon ng buong mundo noong mga unang taon ng dekada ay ang pasabog ni EARVIN “MAGIC” JOHNSON, ang sikat na sikat na point guard ng L.A. Lakers na naglalaro para sa National Basketball Association o NBA. Nasa first year highschool ako noong mapanood namin sa teevee ng lola ko ang news flash ng GMA7 na nagpalabas ng anunsiyo ng malufet na basketball player. November 7, 1991 nang ibalita ni Magic na magreretiro na siya dahil sa pagiging HIV+. Nooong una ay sinabi niyang hindi niya alam kung paano at saan niya nakuha ang sakit pero nang lumaon ay inamin niya rin ang pagkakaroon ng multiple sexual partners. Noong mga panahong iyon ay bihira pa ang makakuha ng sakit na ito sa pamamagitan ng heterosexual intercourse kaya nagkaroon ng tsismis na siya ay bading o bisexual. Itinuro niya si Isiah Thomas na nagkakalat ng paninirang-puri na matindi namang pinabulaanan ng huli. Nakapaglaro pa siya sa 1992 NBA All-Star Game kahit na marami sa mga players ang maglaro siya sa court sa pangambang baka masugatan siya. May isa namang tsismis na wala naman daw talagang sakit si Magic. Na-Mafia lang daw siya at ang sakit ay isang palabas lang para hindi na siya makapaglaro sa NBA.

Maraming taong takot sa sakit na AIDS. Ang problema nga lang noon ay hindi naman alam ng karamihan kung ano ang dapat katakutan. Sa Pilipinas nga lang ay nagkaroon ng AIDS scare kung kailan takot ang mga taong magpunta sa mga malls dahil sa balitang may nagtuturok daw ng virus sa mga pampublikong lugar. Isang urban legend na hindi malilimutan ng mga batang nineties…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “A.I.D.S. DOES(N’T) MATTER

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 32-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.


  • NoyNoy

    Di ba nga yung sakit nagkanda hawa-hawa dahil rin sa blood transfusion (specifically sa red cross)dito sa Pinas.

  • Crikki Vin Xi Sumanpan (Reaction via Facebook)

    fredie mercury…idol!!!

  • Crikki Vin Xi Sumanpan (Reaction via Facebook)

    fredie mercury…idol!!!

  • Crikki Vin Xi Sumanpan (Reaction via Facebook)

    fredie mercury…idol!!!

  • Crikki Vin Xi Sumanpan (Reaction via Facebook)

    fredie mercury…idol!!!