by
on
under , , , , , ,
tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author EDAIII

Ang Huling Pag-Asa Ng Pilipinas

Ang mga tanging paraan sa Pilipinas para bumangon mula sa Third World to First World sa loob ng anim hanggang walong taon lang! (Sa tagalog at layman o pangmasang salita para sa lahat. Tumulong na ipakalat ang mensaheng ito, ipaskil sa bawat sulok ng bansa.)

1. Paganahin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Papano? Kung gusto may paraan.

Ito lang ang pag-asa gumaan ang bayarin sa kuryente at mapagkunan ng enerhiya para sa malalaking pagawaan at industriya na sasabihin ko sa ibaba. Ang mga industriya at pagawaan na ito ay mahihirapang patakbuhin ng enerhiya mula sa mga deotermal o hydro power lalo na hinding-hindi ang MERALCO maaasahan dahil sa mahal ang kuryente nila.

Ang BNPP ang magiging sentro, dito magmumula ang puwersa sa chain reaction pababa sa ibat ibang sangay ng industriya, sa mga pagawaan at kabuhayan ng buong bansa.

Dagdagan pa ang Nuclear Power Plant sa ibang parte ng bansa kung kakayahin pa.(Iba po ang Nuclear “Bomb” sa Nuclear “Power”, hindi ito Weapon for Mass Destruction na pagkaka alam ng karamihan na papatay ng tao. Ang nangyari sa Japan? Ibang usapin po iyon. May nuclear power plants po ang mga bansang US, France, Japan, Korea at mga pangunahing bansa sa mundo at may mga makabagong safety procedures na sa mga planta dito)

“Ang kabilin-bilinan ko kay Mrs. Corazon Aquino na ipatuloy ang Bataan Nuclear Plant kung maaari. Sapagkat, this is the solution in meeting the country’s energy demands and decreasing dependence on imported oil. Ngunit ayaw niyang tanggapin ang aking mongkahe dahil maaalala daw ng taong bayan si Marcos habang nandyaan ang Nuclear Power Plant. Anong klaseng pag iisip yan? Iyan ay paghihigante, huwag natin idamay ang sambayanang Pilipino. Balang araw makikita ninyo, 20 years from now bagsak na ang Pilipinas.” ~ Ferdinand Marcos, Hawaii, 1987.

2. Unemployment/Jobless is a crime! Bawal at isang krimen ang walang trabaho na nasa tamang gulang maliban sa may malalang kapansanan. Ang pagiging walang trabaho ay isang krimen o kasalanan sa bansa. Halimbawa sa isang grupo, may limang miyembro, ang isa kain ng kain, tulog ng tulog hindi nag tatrabaho, siyempre unfair sa apat na kasama. Kung hindi madala sa pakikiusap, dapat parusahan o ikulong ang mga ganitong klase para matuto. Sila ang mga sira at may diperensyang piyesa ng makinarya kaya dapat nang linisin. Kung walang utak o tinapusan, gamitin ang katawan sa pagtatrabaho. Magsaka, mag bungkal ng lupa, mag banat ng buto! Galaw –galaw!

3. Tanggalin na ang provincial rate. Bakit may Provincial Rate pa? Halos pareho lang naman ang presyo ng mga bilihin sa buong bansa. Ito ang dahilan kaya nagsisiksikan sa Manila, dahil sa pera, mataas “daw” na sahod.

Walang bahay sa Metro Manila kaya mag iiskwater. Walang kasiguraduhan luluwas ng Manila at makikipagsapalaran baka swertehin. Maling kaisipan.  Ito lang ang paraan para ma balanse ang lumolobong papulasyon ng bansa sa mga probinsya at sa mga syudad, hindi na magsisiksikan sa Manila. Malawak ang buong Pilipinas para sa mga Pilipino!

4. Isang bansa isang Armed Forces! Walang private army, walang rebelde, walang Islamic Army, bandidos etc. Tanggalin ito sa isang bagsakan, sa marahas na paraan kung hindi madadala sa diplomasya. Sagabal ang mga ito sa pag unlad.

5. Sariling Industriya. Ang tagal nang naimbento ng eroplano, kotse at barko sa mundo, wala pa tayong sariling pagawaan. Magtayo at/o sumuporta ang gobyerno at ikalat sa buong bansa, sa mga probinsya, ang sariling industriya tulad ng pagawaan ng mga mahahalagang pangunahing pangangailangan mula sa pagkain at damit hanggang sa mga makina, sasakyan, bahay, tulay, kalsada,etc.. Ito ang pupuno sa mga walang trabaho sa number 2 sa itaas. Mapapagaan at mapapadali ito kapag may nuclear power ang bansa. Wala nang dahilan para mag OFW pa at mahiwalay pa sa pamilya.

Gagawa ang mga Pilipino ng mga produkto at ang pangunahing makikinabang nito ay ang bansa. Hindi babayaran ang Pilipino ng mga dayuhan ng mababang halaga sa pag-gawa at ang produkto ay para sa kanila, sa Pilipino lang ang lakas-pagawa o labor ngunit ang produkto ay para sa ibang bansa. Mali po ito. Ang ganitong sistema ay isang uri ng makabagong pag aalipin o modern slavery.

Ulitin natin, kung walang tinapusan hindi iyon dahilan ng kawalan ng trabaho at mag istambay na lamang. Magsaka, mag bungkal ng lupa, mag banat ng buto! Galaw –galaw! Bahagi ka ng makinarya ng ekonomiya.

Huwag bumili ng sandata at barkong pandigma sa ibang bansa, sayang ang pera! Kaya naman dito gawin yan.

Gawang Pilipino, Produkto ng Pilipino para sa mga Pilipino.

6. Tamang edukasyon. Tigilan ang pagtutunganga sa telebisyon buong maghapon, sa mga maling sinasaksak ng mga media sa utak ng mga Pilipino.

Babala: Nakakabobo at nakakabulag ang mga Istasyon ng Telebisyon sa Pilipinas! Mag basa nalang kayo ng libro!
Edukasyon para sa lahat na bata. Paaralan sa bawat baranggay.Bawal ang bata na hindi nag aaral.
Ituro sa susunod na henerasyon na banal at napakahalagang bagay ang edukasyon para sa isang tao, na ang walang pinag aralan ay isang malaking kasalanan sa Dios at sa bayan.

Isaksak sa utak ng bawat Pilipino, lalo na sa kabataan na mas mataas silang uri at mas matalino kaysa sa mga Hapon, mga Koreano, sa mga Amerikano at sa mga German. Ito ay magbibigay gana at motibasyon para sa kanilang pagpapayaman at pagpapaunlad ng sarili.

Ituro ng maigi ang kabayanihan, talino at mga ginawa ni Rizal, Bonifacio at Luna. Ito ang magiging implowensya nila sa pag aaral at pagpayaman ng sariling kakayahan.
Isulong ang kampanya ng pagiging makabayan sa bawat paaralan hanggang sa “fanatic” level kung kakayahin.

Ituro na mahalin ang Pilipinas, ito ang pinakamabisang paraan para magkaisa, magtulungan, panatilihin ang sariling atin at manilbihan sa bayan ng tapat.
Dagdag sahod sa mga guro at gawin ang guro na isa sa pinakamataas at kagalang-galang na propesyon sa bansa. Susunod nalang dito ang pagpapayaman sa siyensya, teknolohiya at pagsaliksik, at sa ibat-ibang larangan ng edukasyon tulad ng kalusugan,tamang paguugali, agraryo, sining at kultura.

7. Reporma sa Lupa! Gawing bahayan, pagawaan at sakahan ang mga nakatungangang malalawak na lupain at mga hacienda na pag aari lamang ng isang pamilya! Ulitin ko, Malawak ang buong Pilipinas para sa mga Pilipino! Wakasan ang pyudalismo!

Sa mga working class na may average income, kailangan muna magtrabaho at bayaran ng 25 years para lang mapasakanya ang kapirangot ng lupang may maliit na bahay, samantalang nakatiwangwang ang malalawak na lupain at hacienda sa buong bansa.

8. Ibalik sa mala-pasismo ang uri ng gobyerno. Kamay na bakal kumbaga.Isang boses, boses ng batas. Wala tayong napala, lalo tayong bumagsak sa huwad na demokrasya sa lumipas na higit dalawampung taon. Lalo lang umabuso sa kalayaan ang mga tao. Lumala ang kurapsyon mula sa baranggay tanod hanggang sa presidente ng bansa. Mabilis na naiwanan tayo sa pandaigdigang pag unlad. “Demokrasya daw”

Sa klase ng gobyernong mala-pasismo, ang hindi sumunod, ang kumontra sa patakaran ng batas gobyerno ay paparusahan lalo na ang mga kurakot! Walang pinipiling tao, bulag ang batas walang nakikita, tinitimbang lang, kapag napatunayang nagkasala ka sigurado swak ka na sa kulungan.

Mahirap ba? Hinde. Posible? Oo! Kailan? Ngayon na, sana.

May iilang masasaktan lalo na sa hanay ng mga elit, may dadanak na dugo ngunit mas marami ang giginhawa at maliligtas na buhay habang panahon. Ganoon talaga ang batas ng kalikasan. Sakripisyo ng iilan para sa nakararami, hinde sakripisyo ng nakararami para sa iilan!

Ang ibang pag unlad ay susunod nalang kapag nagawa ang mga nasa itaas. Wala nang lilimos sa kalsada at wala nang mga iskwater.

Ito lang ang tanging paraan, wala nang iba. Ito lang ang tanging paraan, wala nang ibang paraan mga mahal kong kababayan. Hindi dilaw ang kulay ng kaligtasan mula sa pagkakalugmok sa kahirapan, hindi kayo nila ililigtas mula sa pagkakabusabos. Nakita na natin ang lahat, sana matuto na tayo.

Kung hindi ito magagawa, lalong mababaon ang karamihan sa kahirapan, lalong maiiwanan ang bansa sa pandaigdigang pag unlad, habang panahon kakapit ang karamihan sa patalim. Ngunit kapag sinimulan natin ngayon, sinisigurado sa ganitong paraan, sa anim hanggang walong taon lang (6 to 8 years only!) babangon ang Pilipinas tulad ng Japan o Singapore o mas higit pa.

“This nation can be great again. This I have said over and over. It is my articles of faith, and Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith into deeds.” ~  Ferdinand Marcos, SONA, January 24, 1966.


You may also like these articles:

  • hehHxC

    Agree we need a mala fascist goverment. Actually we need a national socialist/fascist leader na kayang labanan ang mga komunistang nag ppahirap sa bansa natin.

  • Raymund M

    trabaho ang solusyon…good news for job seekers.. want to work online at the comforts of your home ..try this site if your still searching online jobs …

    BUILD YOUR CAREER ONLINE WHILE BEING A FREEMAN

    Start working at home and visit us at http://www.unemployedpinoys.com

  • Pilar Solomon

    ang monopolya sa buong daigdig ang sistemang naninikil sa mga mahihirap, ang pag-asang makaahon ang pinoy ay parang panaginip lamang hangga`t walang totoong lider na tatayo para ipag-laban ang karapatan ng bawa`t pilipino!! ang totoong demokrasya ay hinding-hindi mananaig sa isang bansa na ang nag-hahari ay mga mayayaman lamang!!

  • Ronald Rey Gaviloria Ranoa

    Agree po ako… dd2 po ako nyayon sa Saudi Arabia..maganda talaga ang reporma nyo… ganito ang systema dd2 sa Saudi… 1 to 8 na reforma yan ang sinusunod nla…mayaman sana ang philipinas kung ang lahat ng leader sa atin may pagmamahal sa bayan… sa atin dyan sa pinas ang mga OLIGARCH lng ang hindi nagugutom… monopoly na ang systima dyan … kung isipin nyo ang mga may ari ng malaking company tulod ng energy, entertainment, water, sugarmill, communication, rifinaries, alak,cigarilyo…. ay may ari ng mga LOPEZ… yan ang monopoly… Ang mga Lopez ky tulad lng yan ng J.P MORGAN sa America…cla ang nagcontrol ng services ng mga tao…kaya nla e control ang govermnt natin mula sa president, senators, congressman, AFP papunta na sa Barangay capitan na corrupt… kaya ang mga magaling na inventor , scientest, engr, architect, teacher, nurse, Safety practetioners…nag Abroad na lng .. sino ang nakinabang ngayon sa talent nla? …. ang ibang bansa ang nakinabang sa mga talent nla kasi sa atin pinopromote nla sa media ang mga politiko walang talaga supporta sa kanila….

  • It’s not my first time to visit this web page, i am visiting this website dailly and obtain nice facts from here every day.

  • carlo

    good article…

  • Jesusa

    Bow. You are able to write down what I’m thinking. Nuclear Power plants also produces radioisotopes used to treat and diagnose diseases like different kinds of cancer, heart ailments etc. This branch is called nuclear medicine. I should know because I work for Nordion (google it up). Look it up yourself especially our new product Therasphere to treat liver cancer. Nuclear Power Plants (besides electricity) produces cobalt60 used by large industries for dry sterilization of disposable medical products, food, cosmetics. I should know because its my job.

  • Mga Nuclear Plant sa bawat bansa ayon sa Wikipedia. Yari tayo sa Vietnam, by 2014 naka nuclear power na sila. Tayo, de uling parin at monopolyo parin ng Meralco. Hindi tayo makagawa ng Eroplano, Barko at mga Sasakyan dahil mahal ang kuryente.

    Gumagana Ginagawa Planong Gawin

    Argentina Argentina 2 1 2
    Armenia Armenia 1 0 1
    Bangladesh 0 0 1
    Belarus 0 0 2
    Belgium Belgium 7 0 0
    Brazil Brazil 2 1 0
    Bulgaria Bulgaria 2 0 2
    Canada Canada 18 2 4
    China China 13 27 50
    Croatia 1 0 0
    Czech Republic Czech Republic 6 0 2
    Egypt Egypt 0 0 1
    Finland Finland 4 1 0
    France France 58 1 1
    Germany Germany 17 0 0
    Hungary Hungary 4 0 0
    India India 20 4 20
    Indonesia Indonesia 0 0 2
    Iran 0 1 2
    Japan Japan 55 2 12
    Kazakhstan 0 0 2
    South Korea Korea, South (ROK) 21 7 4
    Mexico Mexico 2 0 0
    Netherlands Netherlands 1 0 0
    Pakistan Pakistan 3 1 2
    Poland Poland 0 0 6
    Romania Romania 2 0 2
    Russia Russia 32 10 14
    Slovakia Slovakia 4 2 0
    Slovenia Slovenia 1 0 0
    South Africa South Africa 2 0 3
    Spain Spain 8 0 0
    Sweden Sweden 10 0 0
    Switzerland Switzerland 5 0 0
    Republic of China Taiwan (ROC) 6 2 1
    Thailand 0 0 2
    Turkey Turkey 0 0 4
    Ukraine Ukraine 15 0 2
    United Arab Emirates United Arab Emirates 0 0 4
    United Kingdom United Kingdom 19 0 4
    United States United States 104 1 9
    Vietnam Vietnam 0 0 4
    World 441 60 150