GUSTO MO PA BANG MAGING PILIPINO?

Kung bibigyan ka ng pagkakataong mamili ng nasyonalidad, gugustuhin mo pa bang maging Pilipino? Wag na tayong magplastikan at maging impokrita pa, siguradong karamihan sa inyo eh isang malutong na HINDI ang sagot. Pero sa maniwala kayo’t sa hindi, ako  eh OO ang isasagot ko. Gugustuhin ko pa ring maging isang Pilipino. Kung bakit? Hayaan mo kong magbanggit nang ilan.

Masayang maging Pilipino. Makulay ang ating kultura. Maraming piyesta tulad ng Panagbengga, Ati-atihan, at marami pang iba na talaga namang sobrang masaya. Pati na rin ang mga holidays tulad ng pasko. Sabi nga nila, ang Pasko sa Pilipinas ang pinakamasaya sa buong mundo. Sa sobrang saya nga, pinahaba pa nila ang pagse-celebrate ng pasko. Simula September, hanggang sa Three Kings eh pasko pa rin!

Andyan din ang mga pagkain tulad ng adobo at sinigang na talaga namang sa Pilipinas lang makikita. Pati na rin ang mga awitin natin ay talagang bukod-tangi. May harana, at may kundiman.

Proud din ako sa jeep, rice terraces, kay Manny Pacquiao at Lea Salonga, sa narra, sa kalabaw, at marami pang iba. Kung babanggitin ko nga lang ang lahat ng mga katangiang gusto ko sa Pilipinas eh baka abutin ang article na ito ng isang libong pahina.

Magandang maging Pilipino, pero sadyang hindi lang nakikita ng ilan ang kagandahan nito. Ang mga iba kasi, laging sa kamalian at kapangitan ng Pilipinas tumitingin. Kung baga, they are looking at the glass half-empty imbes na half-full. Laging ang kakulangan ng mga bagay ang pinapansin, imbes na kung anong meron ito.

Siguro kung matututo lang tayong yakapin ang mga pagkukulang ng Pilipinas, at pagyamanin ang kung anong meron ito, siguradong uunlad tayo.


©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.


Author: liby21

a frustrated novel writer, current blogger. you can contact me directly by sending an email to my yahoo account : [email protected] thank you!

Twitter - Facebook - More Posts

61 Responses to GUSTO MO PA BANG MAGING PILIPINO?

  1. oo syempre..’ dahil yon ngang ilang taga ibang bansa dito pa gusto anirahan dahil sa maganda nating kalikasan,mga pasyalan, at iba pang magagandang katangian ng pilipinas…’

  2. meron naman dark and bright sides ang pinas…hindi naman ibig sabihin sa akin personal na opinyon sa pagpili o pagbabago ng nacionalidad maliban sa ganap na Filipino ay isang pagtangi sa kulturang pamana at maging epokrito na o tawagin natin “magpag pa imbabaw”.

    Tingnan natin ang mga lahi Intsik. Nationalistik ang mga yan..pero iba sa kanila nililisan ang bansang Tsina at lumilipat na naninirahan at nagiging mamamayan sila ng ibang bansa. Dala padin nila ang kanilang tradisyon at mayaman na kultura. Kaya nagiging malakas na impluwensiya nila sa ibang lahi na gumagaya na rin sa kultura nila.

    Ang paglisan sa ibang bansa at naging mamamayan sa bansa na yun,,hindi ibig sabihin na naging plastik na. Dala pa rin ang pagiging pagkapusong pinoy sa isip, salita at sa gawa.

    Bumuboo pa ng tinatawag na “Filipino Community” sa ibang bansa kahit na iba na ang nacionalidad. Tumutulong pa din sa mga Pinoy na nangangailangan ng tulong sa ibang bansa.

    Kaya ang mga Pinoy na binago ang kanilang nacionalidad,,sila’y lahing pinoy pa din at hindi mapag paimbabaw.

  3. eh kung bibigyan nga lang nang pagkakataon lubusin mo na!!!Pilipino parin pero matangkad,tama lang ang kulay, matangos ang ilong,maraming pera o mayaman gaya nang ibang bansa,matalino,all good things y not!!!ahahaha!!! Pero PILIPINO parin!!!ILOCANO/BISAYA!!! Pero sa ngayon kontento na ako kung anong ibinigay sakin nang Dios!!! ganito lang nmn yan,i dont hav to wish for…,ginagawa ko nlang kung ano ang kaya ko kahit sa pinaka simpling bagay lang!ex.kahit wraper ng kendi ey hindi ko basta-basta itinapon kung saan!Gusto kung maging malinis ang pilipinas!!!diba may kontribusyon na!!!Maging proud kana lang,este walng “lang”tapos sabayan mo ng gawa nang hindi kana mag-iisip pang maging forener o alien!!!ahahaha!!!

  4. Ipakita niyo ito kay Angie Lingot. Kasi naman ang daming haters, porket nakikita na iba sa ibang lupa. Kung gusto mo maging ganun, bakit hindi mo umpisahan sa sarili mo? Kesa turo ka ng turo sa mga taong nagbabalik ng Pilipinas sa mapa, bakit hindi mo umpisahang gawin yung mga bagay na kailangan mo gawin? Shet. Mas madali talaga para sakanila na manghusga kesa gumawa ng aksyon.

  5. Tuloy ‘lang Te. Ganyan talaga ang manunulat kabi-kabila ang batikos. Ang mahalaga ay sumusubok kang ipahayag sa madlang pipol ang iyong saloobin at pananaw.

  6. Sir, I beg to differ.

    You write badly.
    You use a lot of words that are unnecessary.
    You put your ideas in vague sentences.

    That is why some people dont understand what you have been writing.

    No offense.

    PS: I agree with you that the writer of the article has generalized or assumed the stand of people wanting to change their nationality.

  7. You missed my point. I tried to correct your grammar because I think you can’t. Refer back to my comment and compare with yours.

    If you can dish it out PLEASE be sure you can take it. I’ll leave you alone now. Regards

    • i think heber you dont even understand what you did. You are not correcting my grammar rather you are commenting. In the first place, i dont need to unsolicited advise knowing that you may not have that expertise in languages. if i may have errors if i may say in some of the words or punctuations that i placed, it does not mean that i did a great grammatical error. it is your understanding that requires extreme overhauling in order to grasp the knowledge and idea that i wanted to impart. good luck wherever you may be… as if i care… ciao

  8. What a non sense blog post. You are one of the many people you have mentioned as “hypocrites” for saying YES. Just a piece of advise, if you want to prove something using series of reasoning, do not start with an assumption which you don’t have any bases at all and much worst is that you will be caught to be belong to your assumed “generalization”. What a waste of time!

    • Ha? Di ko naintindihan

      Ang ibig mo bang sabihin ay

      “What a non sense blog post. You are one of those you referred to as “hypocrites” for saying YES. Just a piece of advice: if you want to prove something using a series of reasons(?), do not start with an assumption for which you don’t have any basis at all (period here?) as you will be caught to be belong to your assumed “generalization” (ano daw?). What a waste of time!”

      I agree this article is shallow and is somewhat a waste of time — pero ang comment mo spongey waste of time din kung hindi maiintindihan. Mag-tagalog ka na lang kaya?

      My take: yung article puro porma walang sustansya, yung comment may laman ata pero di maintindihan, parehong ‘waste of time’

      • i think heber, i dont need to convey my message in tagalog in order for you to understand what i wanted to impart… you probably need to widen your understanding or perhaps, you need to learn more vocabulary terms in english to further enhance your comprehension skills… ciao

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>