PiNOY VeRSioN: Who Took the Cookie from the Cookie Jar?
Not me. Not you?
Then Who?
Naaalala ko pa ang larong pangbatang ito sabay hampas pataas pababa ng mga kamay kong maliliit, pero ang hindi ko lang matandaan ay kung paano ba tinatapos ang larong ito, wala naman akong nare-rember na may nagiging taya pagkatapos sambitin ang mga linya, basta patuloy lang sa pagtuturuan kung sino talagang kumuha sa lintik na cookie na yan….
Ang nakakatuwa nito eh may pinoy bersyon nyan, ugaling pinoy bersyon.
Naaalala mo pa ba ang mga panahong kumakain kayong magbabarkada nang pizza, nakain nyo na ang kanya-kanya nyong shares, may naiwang isang slice…tinitigan nyo lang, natapos na kayong magkwentuhan tapos may nagsalita “uy may isa pang slice oh, kainin mo na Gina.” Biglang sasagot si Gina, “ah busog na ako kay Karen na lang” sabay usog sa slice ng pizza kay Karen. Sasagot naman si Karen “huwag nah, diet ako, sayo na lang Jing-jing”. Hanggang mapunta na kay Len-len, Pen-pen, Popoy, Momoy, Nene, Toto, Chito hanggang babalik uli kay Gina. Hay naku “Pinoy talaga”, sabay nyong masasabi, sabay ngiti. Sa huli “Hatiin na lang natin”at yan na ang magiging hatol sa naiwang kakarampot na slice ng pizza. =)
Isa pa, boardmates kayo at may common food. Isang pack na lang ng canton ang natira. Sabay kayong kumain, konti-konti lang kinukuha mo kasi baka maubusan kayo at sa hanggang huminto ka nang kumuha ng pancit canton mula sa plato at tinapos na din ang natira mong kanin. Napansin mo din palapit na ding matapos ang kaboardmate mo. Bigla kayong magtitinginan, “oi kaw nang kumuha nyan”sabay nguso sa canton na naiwan. “Hindi ikaw na, busog na ako”, “ako din busog nah, kaya sayo na lang”…Matagal-taga din kayong magpapaikot-ikot hanggang sa “ah sige hati na lang tayo”.
Meron pa, kumakain kayo ng pandesal nila lolo at lola, ate at kuya, inay at itay pati si bunso. Napakasarap ng pandesal, kuha ka lang ng kuha hanggang pag napansin mo nang paubos nah, bibilangin mo yung naiwan at magdedesisyon kang “ah last ko na ito”. Hindi pa rin sila tumigil kumuha ng pandesal sa papel na lalagyan, patuloy pa rin ang kwentuhan hanggang nung naubos na lahat ng kwento nyo, naubos na lahat ng tawa nyo at hanggang sa naubos na ang mga kayabangan nyo, ang pandesal nyo may naka-survive paring isa!
Hay naku! “Pinoy talaga”, bentang-benta talaga ang mga pamagat na ito pag may kainang pinoy. Ito ang dessert ng handaan. Nagtutulakan sa naiwang isang piraso ng kung anumang pagkain. Depende na lang siguro kung may kasama talaga kayong walang konsensya na hab-hab lang ng hab-hab at hindi na naghihintay sa magic word nah “Oi may isa pa oh, kanino na ‘to?”. Pero rare talaga yang mangyayari sa isang kainang pinoy. Extinct talaga ang mga taong hindi naghihintay sa magic word. Endangered species sila.
Oh diba ugaling Pinoy talaga. Nakarelate ka ba?
Pero alam nyo may konting facts ang fiction ang ugaling ito eh. Read the following
#1. Ang taong unang magsasalita ng magic word ay ang totoo may pinakagustong kainin na ang natitirang piraso. Naglalaway na yan, kaya kung tatanungin ka niya kung gusto mong kainin ang huling piraso, maawa ka na, ibigay mo na sa kanya.
#2. Hindi ka talaga busog o nag dye-dyeta, gusto mo ring kainin ang huling piraso pero para di rin mahalata ibibigay mo din sa katabi mo.
#3.Dahil gusto mo ding matikman muli ang masarap na piraso ng mozzarella pizza, at wala namang mag-vovolunteer na “akin na lang to ha”…magsu-suggest ka na “hatiin na lang natin.” =)
Hmm ewan ko, pero parang tradition na talaga ng pinoy na ibigay na lang sa katabi ang matitirang piraso, kahit gaano niya kagusto at naglalaway nah, mapipigilan pa rin niya ang sarili at ibibigay pa rin niya ang huling piraso na ‘yan sa iba.
Sadya bang mapagbigay, mabait, at mapagpaubaya ang pinoy?
Hmm siguro, baka, parang, mukha nga, ang tanging alam ko lang eh hindi talaga ako ang kumuha ng cookie sa cookie jar. ^^
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.




haha..parang yung video ni lourd de veyra
ang DYAHE PIECE
haha…parang yung vido ni lourd de veyra…
ang DYAHE PIECE…
hahahah lahat tayo guilty nito. my friend says etiquite daw.hahah
hahahah lahat tayo guilty nito. my friend says etiquite daw.hahah
hahahah lahat tayo guilty nito. my friend says etiquite daw.hahah
natawa ako sa katotohanang ito.
natawa ako sa katotohanang ito.
natawa ako sa katotohanang ito.
parang mmda at dpwh nagtuturuan…
parang mmda at dpwh nagtuturuan…
parang mmda at dpwh nagtuturuan…
Somebody stole the cookie in the cookie jar
Somebody stole the cookie in the cookie jar
Somebody stole the cookie in the cookie jar
First
First
First