Beauty “VS” the Beast
Sa panahon natin ngayon, sobrang importante na ng panlabas na itsura ng tao. Ito kasi ang unang nakikita ng ibang tao sa’yo. Hindi nila alam kung mabait or masamang tao ka ba so nagbe-base na lang sila sa physical appearance mo. At sa bansang tulad ng Pilipinas, sobrang laking advantage kung maganda ang itsura mo.
Sa kasalukuyan, sobrang importansya na ang binibigay ng tao sa kanilang mga itsura. Makikita yan sa mga cosmetic products na binebenta sa market. Nagsulputan ang mga beauty boutiques at stores na may kinalaman sa beauty and aesthetics. Sa medicine naman, meron ding tungkol sa pagpapaganda. Andyan ang mga cosmetic surgeons at dermatologists. Kung dati eh babae lang ang mga vain, ngayon ay pati na rin mga lalake eh banidoso. Metrosexual, ika nga.
Malaki ding impluwensya ng media sa importance ng beauty sa tao. Tignan mo na lang ang mga artista, lahat sila mapuputi, makikinis, at talaga namang exceptional ang itsura. For sure merong magbabanggit na meron din namang mga artistang pangit. Pero guys, lahat sila puro comedy ang genre. Kung hindi man comedy eh puro support lang ang role. Hindi nagbibida.
Sa ngayon, sobrang laking advantage kung maganda ka. Andyan ang personal fulfilment dahil sa mga praises at attention na binbigay sayo ng ibang tao. Kung babae ka, andyan yung hihihingan ka ng number, at siyempre, madami kang suitors. Kung lalake ka naman, andyan yung heartthrob ka sa school niyo, and ofcourse, hindi ka masyadong mahihirapang manligaw dahil nga gwapo ka.
Malaking advantage din ang maganda itsura maski sa trabaho. Naalala ko nang magsagawa ng survey ang “Imbestigador” ng channel 7. Nagkaroon sila ng social experiment kung sino ang unang matatanggap sa trabaho bilang secretary. Dalawa ang participant, isang maganda, at isang hindi masyadong kagandahan. Gaya ng inaasahan, natanggap iyong maganda. Sabi ng interviewer, mas may dating daw yung maganda kesa dun sa hindi kagandahan. Mas mukha daw may alam yung maganda kesa dun sa isa.
Para sa akin, parang mali naman na mas pinapaboran nila yung maganda kesa pangit dahil lang sa itsura nito. Na bakit nila i-ugnay ang talino ng tao sa kanilang mga itsura. Di ba sobrang discrimination naman nun? Hindi naman porket pangit ka eh bobo ka at walang alam. Hindi ko naman din sinasabi na bobo ang mga magaganda, pero ang sa akin lang ay fair treatment. Na kung anong privilege na nakukuha ng mga may itsura ay ganun din sa mga hindi kagandahan. Tulad na lang sa mga public transportation. I’m sure nakita niyo na sa LRT or MRT one time na pinapaupo ng mga lalake ang mga magaganda kesa dun sa mga panget.
Ang sa akin lang, wag sana nating i-base lahat sa panlabas na itsura ang kakayahan ng isang tao. Totoong mas importante pa rin ang kalooban ng isang tao at ang nilalaman ng kanyang puso. Dahil gaya nga ng sabi ni Bob Ong, kahit ang crush ng bayan ay magmumukha ring pandesal pagdating ng araw.
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
Author: liby21
a frustrated novel writer, current blogger. you can contact me directly by sending an email to my yahoo account : [email protected] thank you!
You may also like:
living like a clock
photo credit: pixxelhu...
Cory Quirino vs. Vicky Belo
Physical beauty is fleeti...
Too Sexy?
What's wrong with wea...
Maganda Ka Na 'Te!
"Beauty doesn't need...
Salamat, Doktor Kim!
Koreans are naturally bea...
The Wolf in A Sheep's Clothing
We all know about the b...



ngayon pnahon hinde mh tlga malalam kung cnoh tlga mganda kng ito’y galing sa slamat DOK lalo ng mga artista ms mganda pa dati nuon kc hinde pa uso slamat DOK hehhhe.Sa atin kc kailanga mngada, maputi at matangkad lalo pg ng apply ka ng trabaho.lalo pg hinde ka porma hinde lhat nka porma my pera at hinde lahat wla porma wla pera bka ms mayaman pa sau kaya wag maglait kng ang isa tao ito’y hinde mganda at hindenka dmit mganda.
Yes we’re affected by commercialism. It sort of shapes what we want to see, but ultimately they also show us what we want to see (They are after all, trying to get our attention because they want ratings or sales, and they know what gets our attention.) It’s not a one sided affair. Our penchant for judging people by appearance is innate in us. No one is immune to this. If the author believes she doesn’t do it herself, then she has some honesty and soul searching to go through.
The thing is that what we should do is be aware of this innate prejudice that we have towards beautiful people and consciously try to look beyond that.