Home » 1-RECURRING, MISCELLANEOUS » Kaming mga OFWs

Kaming mga OFWs

Marami sa mga mahal natin sa buhay ang hindi o marahil ay walang alam tungkol sa buhay nating mga OFW sa ating host country. Hindi nila alam ang lahat ng mga paghihirap, pasakit at kalungkutan na dinaranas natin at ang nakakalungkot pa dito ay marami sa mga mahal natin sa buhay ang halos walang pakialam sa kung ano ang pinag dadaanan natin at paano natin naitatawid ang buhay abroad. Dahil kung me pakialam sila sa atin at kung alam nila ang nangyayari sa tin saan bansa man tayo nag tratrabaho ay marahil maiintindihan nila kung gaano kasakit sa ating mga OFW ang mabalewala.

Di ba nga kadalasan makaka receive lang tayo ng text mula sa mga mahal natin sa buhay isang linggo bago ang sahod. Maaaring nangangamusta silang talaga, pero kasunod noon ang pag papaalala sa atin ng ating regular at monthly remittance sa kanila gamit ang mga paalalang “alam mo naman na mahirap ang buhay dito sa atin ngayon, nag sisipag taasan ang halos lahat ng bagay, etc.” At oras na maipadala mo na ang kailangang pera ay sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kumbakit ni isang text na confirmation na natanggap na nila ang remittance natin sa kanila na me kasamang thank you, ay tila nakakalimutan nila? Kaya tuloy ikaw pa ang tatawag sa kanila upang makumpirma kung natanggap nila ang padala natin saka pa lang sila aligagang mag sosori at nakaligtaan nilang sabihan tayo.

Kadalasan ang ganitong eksena ang siyang pinag mumulan ng tampuhan between sa OFW at sa mga mahal sa buhay. Pero hindi ko naman nilalahat. In fact, me mga kakilala akong regular naman na nakikipag usap sa kanilang mga mahal sa buhay me padala man o wala, ontime man ang remittance o nadedelay. Ngunit tila kaya kong bilangin sa aking mga daliri ang ganitong mga halimbawa. Kasi karamihan sa mga kamag anak ng OFWs ay nagiging makakalimutin na oras matanggap ang pera o padala ng mga OFW. Ang masaklap pa, me mga tagpo sa buhay OFW na hindi nahahawakan ng maayos o hindi na ilalagak sa tamang gastahan ang salaping natanggap nila kaya ang ending ay wala halos naiipon ang mga mahal sa buhay ng OFW.

Kung hindi man zero balance pag uwi o kaya ay nag luko si misis at napunta lahat sa kanyang kulasisi o lalake ang perang dugo’t pawis na pinag hirapan ng kanyang esposo sa malayong bansa masunod lamang nito ang kapritso ng kanyang kabiyak ngunit sa kasamaang palad pala ay nagpapakasasa sa kandungan ng iba.

O kaya naman ay napupunta ang kani-kanilang anak sa hindi tamang landas. Ang iba ay nalululong sa droga dulo’t ng puro barkada at lakwatsa dahil sa kaluwagan sa pera. Tuloy ay napababayaan ang pag aaral at huli na kung ito’y matuklasan kalimitan.

Sa ganitong mga problema, kaming mga OFWs ay labis na nalulungkot, nababahala at nasasadlak sa malalim na emosyunal na suliranin. Kadalasan ay wala kaming makitang kakampi upang kahit paano’y maibsan ang aming labis na pighating nadarama sa mga ganitong problema.

Mahirap talaga ang buhay OFW. Una, malayo sa pamilya! Kaya sa maraming pagkakataon ay hindi nagiging maayos ang relasyon sa mga anak at maging sa asawa. Dahil maaaring nagiging abala ang OFW sa kanilang trabaho upang kahit paano’y maka takas sa kalungkutan o “homesickness” na bumabalot sa aming pagkatao o kaya naman ay nasasadlak sa ibang bagay.

Pangalawa, marami sa mga mahal sa buhay ang hindi nakakaalam sa trabahong kinasasapitan naming mga OFWs. Karamihan sa amin lalo na yaong nasa mababang level ng pag gawa ay naaabuso ng aming mga employer one way or another ika nga!

Ngunit ano ang magagawa? Andidito na, at nakakahiya namang bumalik sa pinas lalo’t katakut-takot na utang ang ginawa makarating lang sa bansang inaakalang mag bibigay sa kanila ng kaginhawahan.

Kaya nakakalungkot talaga para sa aming mga OFWs ang “malimutan” o “mabalewala” kaming mga OFWs n gaming mga mahal sa buhay oras na matanggap nila ang aming perang padala para sa kanilang kaginhawahan.

Hindi sa nanunumbat o anu pa man, ang hangarin ko sa artikulong ito ay maliwanagan ang aming mga mahal sa buhay na ma aapreciate kaming mga OFWs at patuloy na ipakita ang kanilang pagmamahal sa lahat ng panahon ng sa ganun ay lalo pang lumakas at tumatag ang kalooban namin.

Ang isang simpleng text na kamusta, ok ka lang ba diyan, we miss you ng mga bata? Ay hindi malirip na kaligayahan na ito sa aming mga damdamin o kaya ay message sa FB na punung-puno ng pagmamahal.

Sa makabagong panahon ngayon kung saan ay mas madali na nating naipapaabot ang ating mga saloobin sa mga kamag anak, ka opisina, at iba pa ay higit nating itong iaalay sa mga katulad naming OFWs na labis na nangangailangan ng pang unawa, suporta at pagmamahal mula sa aming mga pinakamamahal sa buhay. Higit kailanman sana po ay huwag natin ipakita na naalala lang natin ang mga mahal na ting OFW kapag malapit na ang padalahan ng pera at makakalimutan oras na matanggap na ito.

Salamat po!


©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.


Author: ednun2775

4 Responses to Kaming mga OFWs

  1. On my side naman luckily sila pa yung lage nakakaalala sa akin. May padala man o wala and mabibilang mo sila kung magsabi ng padala unless ako ung mag offer. I know na need nila ang pera kaya by myself ako nagbibigay. Kala ko ganyan sila before, but i am wrong, ngaun all the time kami magkausap at kung minsan ako ung nag aadjust para bigyan sila ng time lage sila OL to speak with me. thank you mother and my sister talagng nagpupuyat kau just to speak and to see me.. miss you all…

  2. tama ka at isa rin akong ofw at nanyari sa akin ang ganito pero hindi sa aking asawa kung di sa aking kapatid na ganitong ganito at sabi pa utang daw utang na walng bayaran at ilang taon ang lumipas, malapit na akong magretire di pa rin nababayaran kayat di ko na iaasahan buti sana kung minsang lang kala kasi nila pinopolot ang pera d2 sa gitnang silangan.minsan nag kita kami at nabanggit ko siya pa ang galit so wala buti sana kung wala akong asawat mga anak.sabi ko sa sarili ko at least naka2long ako kaya ngaun di na sila lumalapit or nangungumusta man lang.

  3. all of that tama po.naka relate din po ako.sad to say ganun dn po mga parents ko,ni wala nga akong savings dahl sa knila.kaht mag txt man o mangamusta wala.txt lng cla pag maghingi kailangan ko pa 2mawag pag natakgap nla,kaht masakt kailangan tanggapn.kc magulang cla.pero hnd xa lahat ng oras maging ok ang lahat.bka magsawa na mag 2long kung ganyan lng parati.share q lng po kc alam ko na maganda pag open mo o share ang nasa loobin,pa uwi na nga ako kunti lng na ipon q para lng makta ko cla.thank u po.god bless us

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>