Bigas at Buhay
Hanggang saan ang sapat? hanggang kailan ang bukas? hanggang ilan ang may buhay? Bigas na ang turing ay biyaya at sana ay sapat para sa buhay na may pangarap na abutin ang bukas. Bigas, pagkain, nakakagutom. Kilala ang mga Pilipino sa handaaan na may kainan, pyestahan at kainan, patay at kainan, binyagan at kainan lahat may kainan. Maraming pagkain, pero kanin ang higit na inaasam. Hindi mawawala ang kanin sa hapag, almusal, pananggahalian at hapunan ang iba nga kahit merienda gusto may kanin pa. Ayaw na, busog na may tira pa, sayang. Sinong busog? sinong gutom? Ang daming tanung na hindi kayang sagutin, takot na makita ang katotohanan na sa bigas na sinayang may buhay na kapalit. Sa buhay na puno ng pangangailangan hangad na ang bawat butil ng bigas ay may nakikinabang. Bigas ang pangunahing pangngailangan ng mga Pilipino ngunit paano ang karamihan kung ang nakakalamang ay sinasayang ang lahat?
Marami ang umiiyak at kunti ang nagsayaya, marami daw ang bigas ngunit kunti ang nabibiyayaan. Gutom ang pumapantay sa karamihan ng mga Pilipino. Sa taas ng bilihin hindi kakayanin ang magpakain ng tatlong beses sa isang araw at ang iba, na puno ang pagkain sa mesa, sinasayang lang ang bigas na hinahanggad ng iba. Eto na naman tayo sa pagharap sa katotohanan, isang sampal na dapat harapin. Kung busog ka na at may tira ka pa wag mong itapon na lang dahil buhay ng iba ay maaaring masagip ng iyong tira. Ilang milyong butil man ang isang platong kanin hindi sapat para pakainin ang sampung anak. Kung walang sayang na bigas ano kaya ang maaaring nangyari ngayon? Mahirap kung ituring ang ating bansa lalo na ng mga bansang nakakahigit sa atin, mahirap dahil maraming nagugutum at kahit agrikultura ang pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino ay sadyang kapos parin sa bigas. Nag aangkat tayo ng bigas dahil kulang na kulang ang nakukuha sa ating palayan para pakainin ang milyong milyong Pilipino, ang masaklap ang bigas na inaangkat nabubulok lang pala sa bodega, marami na sana ang napakain. Kung dahilan lamang ang hinahanap, tumingin ka sa salamin at itanungin mo “anong nagawa mo?”.
Kahit sinong Pilipino nanaising may bigas na lulutuin, at ang ulam ay may kanin, ngunit sa buhay na salat ito’y pangarap na ang hirap abutin. Karamihan sa atin nagsayasayang lang ng kanin, kung bakit naman kasi kukuha ng higit sa kayang kainin. Konsensya ay nasasakadal. Hindi man sila nabubusog kapag inubus mo ang pagkain ngunit kahit papaano ay alam mo sa sarili mo na pinapahalagahan mo ang kahuli-hulihang butil ng bigas na sana ay kanilang natitikman. Hindi naman ganun kahirap ang wag magsayang na bigas, ang mas mahirap ay ang maghanap ng bigas. Pilipino ka, Pilipino tayo bigas ang kailangan natin, sa bigas dapat tayo ay mayaman ngunit dahil sa kapabayaan at sa mga walang pakialam, ang Pilipinas na dapat ay nabubusog ay unti-unting namamatay. Saan ka nabibilang? Hindi importante ang estado mo sa buhay dahil tao ka at tayong lahat ay nagugutom, tayong lahat ay may pangangailangan, ngunit sana buksan natin ang ating mga mata na sa bayan natin hindi ka nagiisa maraming nagugutom dahil sa sinayang na bigas, nabubulok at walang nakikinabang. Biyaya kung ituring ang bigas sa hapag kaya abot langit ang pasasalamat wag nating hayaan na mabulok at masayng ang pagkaing pinaghirapan.
Wag nating sayangin ang bigas na pinaghirapang itanim, ang bigas na pinaghirapang bilhin dahil sa mahirap ang mabuhay ng gutom. Sana wala ng bigas ang masayang, dahil sayang din ang buhay na maaring masagip.
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.



sana magbabago rin ang epokritong mentalidad na mag order ng maraming pagkain sa restaurant ay may iniiwan sa plato para di magmukhang gutom na gutom daw.
ana lalim tEh!
ana lalim tEh!
ana lalim tEh!