“We are livin’ in a material world and I am a material girl!” kanta ni Madonna noong 80s. Maraming tao na ngayon ang napakamaterialistic. Importante sa kanila ang magkaroon ng madaming madaming pera, at wala ng iba pang hangad kundi ang yumaman. Siyempre, hindi ko ipagkakait na isa ako sa mga taong ito, gusto kong maging MAYAMAN, sino bang ayaw? Sino bang tao ang magsasabi ng “Ayoko maging mayaman, gusto ko maging MAHIRAP”! Sometimes, I found myself daydreaming, what would be my life if I was born from a family of business tycoons, who own multi-billion dollar companies, and be an heiress for the throne (Make way Paris Hilton!). What if I am famous and graduated from a prestige University abroad (Okspord? Harbard? Good luck naman kung kaya ng utak ko diba)? What if I could just slap anyone’s face with my platinum credit cards (yung tipong mala-teleserye, na ang mga dating inaapi nagiging palaban na!)? What if I drive luxurious cars (I love to drive a Perari and a Maserati)? What if I have a Universal Citizenship (Kahit outerspace kaya kong iexplore). What if I live a life of a princess, marry a handsome prince and live happily ever after in a Castle in London (Bakingham to be exact, hindi man si Prince William dahil alam ko may Kate Middleton na siya, si Prince Harry nalang sana… Prince Harry Potter, why not gwaping kaya yun!)? What if I am the lucky one to star on a movie franchise that will win the World and will claim a spot in the History of Movies (Sana may Harry Potter 8! Baka pwede na nila ako isali, Asian Version naman, kakasawa din ang all British cast… Puro Asians ang gaganap, I volunteer to be Hermione!)? What if I just won a Billion dollar prize from a lottery, be an instant billionaire? What if? What if? What if?” But no, I am not.

And that’s when I’ll wake up from reality! Wala ako lahat ng pinapangarap ko, impossible it seems…Imposible nga.

Masarap mag-daydream? Tara ipagpatuloy pa natin ang pangarap! (Dito lang naman eh, habang binabasa mo ang article na ito. Pag tapos nito gigising ka na sa katotohanan…) Game?

Gusto kong maexperience kahit man lang maging 2nd cousin ni Manny Pacquiao (kaya lang kahit i-trace ko pa sa pinakadulo ng hibla ng roots ng family tree namin, walang “Pacquiao” ang naligaw sumanga. Sayang!) Ikaw? Gusto mo nun? Dream mo makahawak ng Hermes and Louis Vuitton bags, sosyal bayong mo lang yan sa pamamalengke. Makasuot ng Jimmy Choo , makadamit araw araw ng Chanel at Burberry, oo pambahay mo lang yang mga brands na yan, gusto mo din ba mag tour around the world na walang inaalalang mauubos ang pera kasi you’ve got more of it? Magshopping ng bonggang-bongga sa Hongkong, magpakasawa ng pagpa-spa sa Indonesia, makaattend at mainvite sa mga super sosyal na parties, makipagtagisan ng luxurious brands at iparinig ang husay mong makipagtalastasan sa Ingles, Pranses at Espanyol! You’re too proud of your wealth, too proud of yourself. Magkaroon ng charity to help the less fortunate, or better magtayo ng sarili mong foundation for those in need. Sa sobrang dami mong pera mabaliw-baliw ka na dahil hindi mo na malaman kung paano mo gagamitin at gagastusin ang mga ito, kaya kesa naman sa walang kwentang bagay mo ito ilaan, why not doon nalang sa madaming pwedeng makinabang (yan ang takbo ng utak mo sa mga oras na yan) ANG SARAP NA MAGING MAYAMAN.

Gusto mo MAGTAGUMPAY (lahat naman diba)! Equivalent ng “tagumpay” sa’yo “kayamanan”, masasabi mo lang na SUCCESSFUL ka kung MAYAMAN ka na at kaya mo ng maipamaypay ang limpak limpak mong PERA, higaan ang banig-banig mong credit cards. Yun nga ba talaga ang kahulugan ng tagumpay? Yun nga ba? YOU WANT MORE! MORE! MORE! Yun ang successful sayo? Ang hirap makuntento noh? Sabi nga ng isang taong madalas kong pinakikinggan, “Ang mga tao kasi ngayon, kapag SIMPLE naman ang buhay nila, ang tingin nila MAHIRAP na sila. Hindi na nila alam ang tunay na description ng MAHIRAP. Para kasi sa kanila, kung hindi natutugunan ang kanilang mga kagustuhan, mga damit, sapatos mga material na bagay na luho lamang, mahirap na sila ng lagay na yun, hindi na nila naiisip yung mga bagay na kailangan nila nasa kanila naman na. kaya ang pagiging SIMPLE nila sa estado ng buhay katumbas na ng pagiging MAHIRAP“. Ang tinitingnan kasi yung kulang, pano yung sobra? Hindi mo nakikita, kaya ayan yung sobra umaapaw nalang ng hindi mo namamalayan, hindi mo man lang nalaman na meron ka.

Hindi man business tycoons ang magulang mo, at kahit banana cue lamang ang business niyo, maswerte ka dahil sa banana cue na yan, naipapadama ng mga magulang mo sayo ang umaapaw na pagmamahal nila, bawat tuhog sa stick at pag prito ng saging sa asukal, ikaw ang inaalala nila, kung paano nila matutugunan ang mga pangagailangan mo, ilang paso narin ang natamo nila, ilang pawis narin ang pumatak sa noo nila, ilang mga personal na pangarap narin ang kinalimutan nila para sayo, you may not have the richest parents but you have the most wonderful parents in the world, who always support you and guide you to live your life the way God wants you to live it, they never fail to be loving parents. Kahit na hindi ka heiress sa isang multi-billion dollar company, “Heiress” ka sa hindi mababayarang values and principles na tinuro ng pamilya mo sa’yo. Wala ka mang Universal Citizenship or any citizenship other than Philippines, no mansions all over the world, yet, you have a simple home, where you and your family share the most beautiful moments of your lives, it’s never empty, and a home full of life and happiness. Hindi ka man nagmamaneho ng fancy cars, nakakasakay ka naman sa isang sasakyang kumportable at nadadala ka sa paroroonan mo ng ligtas. Though you are not a Princess who’ll marry a handsome Prince, yet, together with your family, you treat each other like VIP and royalty and that’s because of Love. You may not yet be with a Prince, but someday, God will give you the one, who is worth of your Love and likewise you are, of his Love. Kahit na hindi ka isang movie star, your life actually is a movie, and you’ll always be the lead star, kung mapapanood mo nga sa movies ang laging kwento ay ang mga buhay ng ordinaryong tao tulad natin, how colorful it is to be like you, parang movie din ang buhay mo. Tama?

Siguro sometimes, you want to be glorified that bad, taking yourself away far from God. Well, the truth is God is the one that must and only be glorified, He’s the one who gave us life, the one who gave us graces to be inspired and write the most endearing stories of what we are in this world. Like Jesus, we should be humble. He is humble when He was crucified on the cross, He is The King of Heaven, yet He let mankind persecute Him to save us from sin.

Ang batayan ng pagiging “MATAGUMPAY” ay hindi lamang sa kung gaanong “PERA” ang kaya mong maisampal sa pagmumukha ng taong kinaiinisan mo dahil nalalamangan ka niya at isinumpa mong lalagpasan mo balang araw at kung gaano ka katanyag, kung gaano kadami ang connections mo, affiliations mo at kung gaano ka napupuri ng mga tao. Pinakaimportante sa lahat na na”eenjoy” mo ang kung anong meron ka, hindi lamang sa kuntento ka dahil no choice wala ka magawa kaya ganun nalang. Kuntento ka kasi every second of you living your life sobrang nagenjoy ka, mahal mo ang ginagawa mo, at hindi ito nagiging burden sa’yo, hindi ka lang nagsisikap at nagsisipag dahil may gusto kang maapakan at upang may maipagyabang ka, nagsisikap ka, nagtitiyaga at nagsisipag dahil you’re desiring of that immeasurable fulfillment, and that’s you stepping on the capital letters of HAPPINESS, paano ka magiging MASAYA? Wag kang maging uhaw sa katanyagan at sa pagkapanalo, maging uhaw ka sa kalooban ng Diyos sa’yo, dahil yoon ang “THE BEST” sa lahat ng mga ninanais mo. Ano gising na ba tayo sa reyalidad? Gumising ka na, ang mga materyal na bagay na akala mong siyang makakapagpasaya sayo ng buong-buo, yun nga ba talaga?