Hindi na luma ang mga pamahiin sa ating mga Pilipino, magmula pa sa ating mga ninuno at magpahanggang ngayon ay kay dami pa ring naniniwala dito. Naghanap ako sa Google kung ano ba ang mga iyon, mayroong mukhang makatotohanan , meron din namang halatang ginawan lang ng kuwento.

Hindi ko alam kung bakit napakahihilig ng Pinoy sa sabi sabi, kung sa bagay karamihan sa populasyon ng mga Pilipino, mayaman, dukha o may kaya man ay mga tsismoso at tsismosa. Mga kuwentong nagpasalin salin sa henerasyon, mga pamahiing kinatatakutan ng iba at tila sinusunod pa rin.

Bakit kaya sila nagkalat? Kahit anong selebrasyon mapa birthday, kasal, pasko, araw ng patay, sakit, ewan ko andami dami nilang pinauso na nakapagtataka at pinaniwalaan naman nitong mga Pilipinong uto-uto :) .

Hindi naman sa nilalait ko ang sarili kong lahj pero ganito talaga, tayo ay mga uto-uto, mga taong nagpapaloko at higit sa lahat mga taong nanloloko ng kapwa rin nila. Pasa pasahan lang yan, kapag nauto ka manloko ka rin ng iba, kapag wala kang naloko maghanap ka ng iba, ganoon lang iyon pero masamang gawain ito na dapat na ring talikuran ng mga Pilipino.

Ilan sa mga nakita ko ay talagang nakakatuwa.

 

1. Wag kakanta habang nagluluto at baka Dirty Old Man o Virgin Old Woman ang mapang-asawa mo.

Sino kaya ang poncio pilato ang gumawa ng ganitong kuwento, naku mahilig pa naman ako kumanta lalo na habang naliligo sa banyo o kaya nagluluto at walang magawa haha. At hindi ito makatotohanan, sana maraming singer actress ngayon na nakapangasawa ng matatanda, merong iba pero hindi naman kadalasan at saka nasa sa atin naman iyan kung pipiliin natin makapangasawa ng matanda na mayaman pa.

2. Pag sinisinok, nagnakaw daw siya ng itlog sa kapitbahay

Aha, ganoon ba yon, kadali palang mahuli yung nagnakaw ng itlog ng manok namin. Haha nakakatawa, yung kapitbahay mo nanakawan ka na nga lang itlog pa!  Walang bisa katotohanan ito, paano kung nasinok ka edi ikaw na agad ang napagbintangan?.

3. Kapag nangangati ang ilong mo, may humahalik sa litrato mo.

Ay nako sana nga totoo , paano tuwing gabi bago ako matulog o kaya pag nasa biyahe na ako ay laging kumakati ang ilong ko , hindi naman ako sinisipon o mababahing man lang, pero walang matibay na basehan , siguro allergy effect lang kaya nangati ang ilong.

4. Wag magwalis pag gabi.

Dalawa ang alam kong version nito eh. Yung isa baka daw kasi mapuwing ang Virgin Mary, kasi sa gabi sya naglalakad ( Ayy ganon ba , kelan pa nakapaglakad ang rebulto o istatwa? . Yung isa naman kasi daw nung unang panahon (bibihira pa lang ang may PSP) eh walang ilaw kaya pag daw nagwawalis sila pag gabi, nawawalis nila yung ari-arian nila, hahaha grabe.

5.Pag napanaginipan mong mamamatay o namatay ka, kagatin ang katawan na puno para lumipat dun ang malas.

Grabe naman to madalas pa naman ako managinip na mamamatay ako lalo na kapag sobra ang pagod ko. Kakagatin ang puno? Niyee pano kung may gumapang na uod diyan o langgam eh andumi nun kadiri puwede bang pagkain na lang ang kagatin ko?

6. Sa halip na unan, libro ang gamitin, pampatalino.

Sinabi rin sa akin ito ng nanay at lola ko pero sa ibang bersiyon, ipailalim ko daw yung aklat na binasa ko sa ilalim ng unan o higaan ko para matandaan ko lahat ng nabasa ko ( So far, effective sa akin hahaha ewan ko lang sa iba).Pero kung libro ang gagamitin mong unan, mag-isip ka muna, di ka kaya mapuyat niyan? ang tigas ng unan mo at baka lalo pang pumurol ang kukote mo.

7. Magsabit ng bawang sa bahay para walang mumu o aswang.

Usong uso ito lalo na kapag araw ng mga patay, may makikita ng na may nakakuwintas pa ng kung ano-ano, minsan may nakikita ako halos lahat na yata ng rosaryo sinabit sa leeg pati ang krus na malaki hindi nakalimutang dalhin, pero ang mas malala, imbes na bulaklak ng sampaguita ang isabit sa katawan o pinto ng bahay, eh bawang pa , di ka kaya mangamoy bawang nito ambaho kaya!.

8. Wag huhugasan ang lalagyan ng pagkain na binigay sayo ng kapitbahay, baka hindi ka na niya dalhan ng pagkain

Hahaha, grabe ang isang ito, biruin mo binigyan ka na ng pagkain hindi mo pa hinugasan, para namang napaka walang modo mo dito. Magdadala pa rin iyon ng pagkain sigurado kahit hugasan mo as long as friends pa rin kayo ng kapitbahay mo.

9. Wag maninilip! Magkakaroon ng kuliti.

Bentang benta ito hanggang ngayon ahh?. Teka totoo kaya ito, hindi pa ako nagkaganito eh, pero nakakapagtaka bakit si Padre Damaso hindi nagkakuliti, balita ko mahilig mamboso ng babae yun eh!.

10. Mga suhi lang ang nakapagpapagaling ng tinik sa lalamunan.

Ano na naman to, bakit ang suhi lang? ganoon ba sila kaspesyal at sila lang ang Anak ng Diyos? , madaya to!

11. Bawal maligo pag may (mens), tataas ang blood pressure.

Ha? bakit bawal maligo? Buti na lang hindi ako babae .

12. Hindi magandang pakasalan ang mga may nunal sa mukha na nadadaanan ng luha.

Ha, paano ito iyakin ako noong bata pa ako kaya nagkaroon ako ng nunal sa ilalim ng ilong ko na dinadaanan din ng luha, grabe naman to , kailan pa nawalan ng karapatan ang mga katulad kong may nunal sa mukha?.

13. Bawal maligo pag may patay.

May sabi sabi daw na kapag mabaho ka eh yun ang magiging dahilan kung bakit aakyat ang kaluluwa sa langit. Grabe, sigurado ako isang pari ang gumawa nito, bakit siya nagkuwento ng ganito?, andami tuloy naniniwala eh isa lang naman ang daan ng kaluluwa para makapasok sa langit – Kay Hesus!

14. Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, o balo. Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin mo muna ang dulo ng suklay.

Naman , bakit ang nanay ko palagian yatang nagsusuklay ng buhok yun kapag gabi hindi naman naulila o nakalbo, at buti na lang hindi ako nagsusuklay.

15. Ang mga nalabhang damit ay dapat kuhanin mula sa sampayan sa gabi, upang ang mga ito ay hindi kunin at isuot ng mga dwende.

Ambabaw nito, bakit sa dinami dami pa ng pagkakainteresan ng duwende eh damit pa!, eh anlaki sa kanila yon. Hindi totoo ito barbero siguro ang gumawa nito.

16. Pag nagpatuli/nagkaregla ang isang bata ay agad tatangkad.

Grabe, ito ba ang factor eh may kilala ako nagpatuli eh grade 4 pa lang at ngayon highschool na pandak pa rin! Teka si dagul tuli na yun ah pero hindi naman tumangkad!

At ang favorite ko:

17. dwende, tiyanak, kapre, tiktik, manananggal, aswang, bampira, lamang lupa etc.

Walang katotohanan, kasi hindi pa ako nakakita, nung araw ng patay nga naghamon ako sabi ko magpakita kayong mga lamang lupa, walang nagpakita.. hays bakit kaya?.

At marami pang iba, ang sarap basahin kasi talagang matatawa ka, eto yung iba oh:

Kapag sa iyong pagkain o kung kumakain ay may nalaglag na kutsara, may panauhing babae na darating at kapag tinidor ay panauhing lalaki.

Huwag tatayo o aalis sa hapag-kainan samantalang mayroon pang kumakain dahil baka ma aksidente sila.

Huwag tatapakan ang mga mumo ng kanin sa sahig upang hindi maghirap.

Kung kayo ay kumakain at ang ibang kasalo o kasamahan ay magbibiyahe, kailangang paikutin ninyo ang inyong pinggan upang malayo sa kapahamakan ang aalis.

Huwag kang pabagu-bago ng upuan sa pagkain upang hindi ka maging mababaluhin o upang hindi maging pabagu-bago ang isip.
Huwag mong huhugasan ang anumang pinaglagyan ng pagkain na ibinigay sa iyo sapagka’t ang nagbigay ay magiging maramot.

Huwag matutulog nang busog na busog upang hindi bangungutin.
PANINIWALA TUNGKOL SA PAGWAWALIS.

Grabe, mga pinoy talaga hindi papatalo sa kalokohan ano? Hahaha :) aminin loko loko ka rin. Pero ang higit sa lahat , lokohin mo na ang lahat wag lang ang nararamdaman mo, dahil mas matalas pa ang pakiramdam o “instinct” kumpara sa ating mga mata.

Peace lang there sa mga taong naniniwala sa mga pamahiin, we still respect your beliefs but Christians do not believe in it anymore . Well its our culture, kulturang halo halo, mayroong mula sa tsina, mula sa espanya atbp.

Pero sana bago po tayo magturo sa iba ay alamin muna natin kung may katotohanan po ba ang mga ito.

At sa mga lalake at babae, huwag maging manloloko, kapag niloko ka wag kang gaganti masama yon!