by
on
under , ,
tagged , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author ragubalane

Mapalad pa rin ang ‘Pinas

About ragubalane

Walang pormal na edukasyon sa pagsusulat pero hindi ito naging handlang upang huminto sa pagsusulat ng kanyang mga saloobin. Nagbuhat sa isang tipikal na pamilya, nag-aral sa pampublikong paaralan mula elementarya hanggang sekondarya. Iginapang ng magulang ang kolehiyo at pinagtibay ito ng diploma at lisensya na iginawad halos dalawampung taon na ang nakararaan. Nag-aral, nagsikap hanggang marating ang destinasyong kanyang nilakbay. Umasam, umasa hanggang matupad ang ilang kanyang inaasam sa buhay. Sumubok, sumulong hanggang makamit ang ilang minimithing tagumpay. Nangangarap ng mabuti at magandang Pilipinas sa kabila ng kawalan ng pag-asa ng iilan. Katulad ng karaniwang tao pilit na binubuhay ang pag-asa kahit habol-hininga na lang ito, hindi bibitiw at susuko kahit batid na ang resulta ng pagkabigo. Hindi matalino pero naipasa ang anumang pagsusulit, hindi matino pero nagpupumilit na gumawa ng katinuan. Madalas na napuputikan dahil sa daigdig na kanyang kinabibilangan ngunit agad na naglilinis at naghuhugas gamit ang inuusal na dasal.

http://blog.xorn.org/?p=To-Earn-Money-To-Teenagers-In-The-Summer To Earn Money To Teenagers In The Summer

http://fromvalskitchen.com/?p=Ready-Intra-Day-Strategy-Forex-For-Trade-In-A-Nefteprombanka Ready Intra Day Strategy Forex For Trade In A Nefteprombanka

http://49ersfaithful.playitusa.com/?p=60-Second-How-To-Win-In-Binary-Options-911-Uk 60 Second How To Win In Binary Options 911 Uk

Stock Market For Dummies Free

Direct Fx Daily Binary Options Strategy

Maraming Pinoy ang nag-aalala at natatakot sa kaguluhang ihahatid ng mga rebelde, masasamang elemento ng lipunan at mga bandido dito sa atin kabilang na ang NPA, Abu-Sayaff, holdaper, tiwaling mga pulis at militar at iba pa subalit kung iisipin mo ‘di hamak na mas estabilisado pa tayo sa ibang mga bansa kung pag-uusapan ang ekonomiya at pulitika. Maraming bansa ang mas nakakatakot at mas mapanganib kaysa bansa natin dahil sa kahinaan ng kanilang ekonomiya, pulitika at sandatahang armas laban sa tunay na terorista; lingo-linggo ay daan-daang katao ang namamatay dahil sa iba’t ibang uri ng karahasan (terorismo, suicidal attacks, atbp). Mga karahasang walang mabuting dahilan at walang kongkretong kadahilanan na ang nais lamang ay ipalaganap ang takot sa mamamayan, kahit na ang simpleng paglabas ng bahay at pamamasyal ay parang isang misyong imposible. Kabilang dito ang mga bansang Teritoryo ng Palestinian, Zimbabwe, Lebanon, D.R. Congo, Sudan, Pakistan, Haiti, Afghanistan, Iraq at Somalia.

Nababalitaan at napapanood mo ba sa telebisyon ang kaguluhang nagaganap ngayon sa Libya, Turkey, Syria, Yemen, Afghanistan at Sudan? Balot ng takot at pangamba ang mga residente dito dahil sa digmaan ng gobyerno at ng kanyang nasasakupan. Bayolente na ang magkabilang panig at handang mamatay at pumatay para lamang maipagtanggol ang kani-kanilang ipinaglalaban. Mahimbing pa kaya ang tulog natin kung sa ating bansa ito mangyayari? Takot din ang umiiral sa mga Koreano dahil anumang oras ay maaaring sumiklab ang digmaan sa pagitan ng nagbabangayang North at South Korea, gayunding takot ang nararamdaman ng mga Israelitas at ng mga Palestino dahil sa hindi matapos-tapos na pag-aagawan ng teritoryo. Kaya’t ipagpasalamat natin na hindi pa humahantong sa ganyang antas ng kaguluhan ang ating bansang Pilipinas.

Sa tuwing may parating na bagyo sa atin marami na ang nag-aalala at natatakot, pa’no pa kaya ang patuloy na banta ng lindol at kung minsa’y tsunami? Ang maunlad na bansang Japan ay ito ang mabigat na suliranin sa halos araw-araw ‘wag nating sabihing sanay na sila dito dahil walang sinumang tao ang gustong masanay na may takot sa isipan. Noon lamang Marso 2011 tinatayang higit sa sampung libong katao ang namatay at labis sa tatlong daang milyong dolyar ang naging pinsala ng lindol at tsunami sa malaking bahagi ng Japan. Kung ang malalakas na bagyo sa atin kung dumating ay minsan sa isang taon; ang mga Hapon ay labis na nag-aalala, natu-trauma, balisa at may matinding takot sa tuwing lumilindol. Hindi ba’t may mas mabigat na problemang emosyonal at sikolohikal ang mga Hapon kaysa sa ating mga Pinoy?

Kung klima ang pag-uusapan ‘di hamak na napakaganda ng ating klima kumpara sa ibang bansa na may temperaturang napakalamig (below freezing point) kabilang dito ang mga lugar na Alaska, Greenland, ilang bahagi ng Russia, Canada at Antarctica kung dito ka nakatira malamang na hindi mo na ma-enjoy ang swimming tuwing summer (ang babaw). Sa dami ng mahihirap na Pinoy na nakatira lang sa ilalim ng tulay, kariton, kalsada at iba pang hindi kanais-nais na lugar; hindi nila kakayanin ang napakatinding lamig ng hatinggabi (sa umpisa lang nakakaaya ang napakalamig na klima) at malamang kabi-kabila din ang sakuna dahil sa dulas ng kalsada. Hindi na rin siguro matamis ang ‘yong ngiti kung sa panahon ng tag-init ang temperatura ng iyong bansa ay literal na nakakapaso ng balat (lampas 50C) ang mga bansang Libya, Greenland Ranch (USA), Tunisia, Mali, Israel at Iran ay ito ang nararanasan. Kaya’t higit na mapalad tayo dahil napakaganda ng ating klima sa halos buong taon.

Oo, mahirap ang Pilipinas at maraming pamilya dito ang kinokonsiderang nagugutom. Subalit maraming bansa sa East Africa ngayon ang higit na mahirap kaysa sa’tin at milyon-milyon dito ang literal na gumagapang sa gutom. Tinatayang higit sa labing-isang milyong katao ang walang makain sa mga bansang Ethiopia, Kenya, Uganda at Djibouti at libo-libo dito ang namatay na sa kawalan ng makain at ang bilang na ito ay patuloy na nadadagdagan sa bawat araw dahil ayon sa istatistika nakababahalang tatlo katao kada araw ang namamatay dito sa dahil gutom! Bagamat maraming bansa ang patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga bansang ito sa pamamagitan ng UN(WFP) lubhang hindi pa ito sapat sa nakasisindak na bilang ng tunay na nagugutom. Sa Pilipinas, kung hindi ka maselan at hindi tatamad-tamad ay ‘di ka magugutom dahil ‘di hamak na buhay ang ating ekonomiya at hindi pa naman dumadating sa puntong libo-libo ang literal na namatay dahil sa kawalan ng pagkain. Sa ngayon, may isda pa ang ating dagat, may puno pa ang ating gubat, may mga hayop pa tayong inaalagaan at pinapastol, may tanim pa ang ating bukid, may prutas pa ang ating puno at may biyaya pang ulan na dumarating. Kaya’t kung iisipin mas mapalad pa rin tayo ‘di ba?

May mamamayan sa mga bansang nabanggit sa huling bahagi ng artikulong ito ay hindi prayoridad ang maraming bagay tulad ng paglilibang baka nga hindi pa sila nakakapasok sa sine o hindi pa nakakahawak ng computer o ng simpleng celphone, marami dito ang madalas na pumapalya sa pagkain at walang malinis na tubig na maiinom, marami sa kanila ang walang pakialam kung may kasuotan man sila o wala at marami din dito ang hindi na nakuhang makapag-aral. Samantalang maraming Pinoy naman ang panay ang reklamo dahil luma ang mga gamit, outdated na celphone,  walang pakundangang nagsasayang ng pagkain, nag-iinarte dahil sa suot na mumurahing damit, panay ang mura sa mabagal na internet connection, sinasayang ang pagkakataong makapag-aral at winawaldas ang pera sa walang katuturang bagay (samantalang ang magulang ay nagpapakahirap sa abroad)… Nakakalungkot. Marami nang problema ang mundo ‘wag ka na sanang dumagdag.

Siguro’y makatutulong na huwag muna nating ihambing ang Pilipinas sa mga mauunlad na bansang tulad ng Amerika, Inglatera, Italya at iba pa dahil ‘di hamak na maliit na bansa pa lamang tayo kumpara sa kanila mas makabubuti sigurong isipin na mas angat tayo sa ibang mga bansa at magmula rito ay pagsumikapang abutin ang layuning maging mas maunlad. Hindi ko naman sinasabi na dapat tayong makuntento sa kalagayan at katayuan natin ngayon dahil alam kong mas may iuunlad pa tayo. Upang imbes na tayo ang tulungan ay tayo naman ang tumulong sa mga bansang higit na nangangailangan ng kalinga.

Kung maaari lang sanang itigil muna ang pulitika, kung maisasantabi lang sana ang pagiging ganid at makasarili, kung totoong kapakanan ng bayan lang sana ang nasa isip ng mga namumuno… mas maunlad at progresibong Pilipinas ang sasalubong sa ating bukas.
Bawasan ang reklamo isipin na lang natin mas mapalad pa rin ang ‘Pinas!

Tulad ng pagiging tao hindi natin mapipili ang ating mga magulang at hindi rin natin mapipili ang ating nasyonalidad; hindi ba natin pwedeng ipagpasalamat na pinanganak tayong Pilipino? Hindi Somalian, Kenyan o Ethiopian. Kung mahirap ang maging Pilipino ano na ang tawag sa kanilang kalagayan?


  • Mari

    further on how rich the filipinos in heart, and in spirit… tayu ay full of love for our family when the world wants materialism, lots of my friends do sacrifice for families abroad, our desire for a better life is what propells people to migrate and be OFW. People in SG and HK, the new managers and bosses have been nurtured by OFw DH’s thus they became better people thru the maids that helped them grow.. all over the world filipinas marry other nationalities because we love with our hearts and care for the men who becomes part of their families… old folks homes in canada have a more meaningful life becoz of the love in the hearts of the caregivers… we are blessed as a nation and race, piling pili-pinong pino( filipino) the sifted and chosen people… we must be the STEWARDS of this nation’s wealth and riches for the new generation… rise up and be of one heart Kababayans… we need to unite and have a common mindset to love our country, and have integrity in all levels of society… so that our inheritance as a nation will be harvested by all… a Rich, prosperous, happy loving nation and people! mabuhay ang BANSA natin, let those who have pure eyes and hearts read and pass on…. its time to love our nation PILIPINAS>

  • Blue_Pinay

    tama, iwasan na sana ng mga Pilipino ang pag sabi ng hindi mabuti sa sarili nating lahi, hindi man tayo isa sa mga first world countries, tayo ay pinag pala pa rin ng Diyos dahil ang mga Pilipino ay may takot sa Diyos at may pag mamahal sa kapwa. hindi man maiiwasan ang pag puna ng ibang nasyonalidad sa atin , na tayo ay mababa dahil hindi tayo first world country, at least tayo ay blessed at hindi nakakaranas ng tsunami kagaya sa Japan. mahalin mo ang sariling inang bayan mo. bago humanga sa mga banyaga.

  • prattle

    Bobo ka. Wala kang alam sa mga nangyayari sa Pilipinas. Puro lang magaganda nakikita mo. Mas maraming pangit!!

    • Blue_Pinay

      hindi po kabobohan ang isinulat nya, minsan ang pag tanaw ng mga positibong bagay sa likod ng mga pangit na pangyayari kaysa, mag mura kayo ng hindi mabuti.meron ngang hindi mabuti nangyayari sa Pinas pero mas mabuti pa rin isipin ang mas mabuti kaysa pangit.

  • Jieshak

    Sa wakas something positive about our country Pinas! sana madaming makabasa. It’s about mindset ng mga pinoy lagi na Lang tayo nagkukumpara sa mga mayayamang bansa, it’s about time na maging positive naman ang outlook natin sa sariling bayan natin. Imbis na gamutin natin ang sugat natin tayo pa ang lagay ng lagay ng calamnsi sa sugat natin.

  • jhojo

    PROUD TO BE PINOY!!! kung hindi naten mamahalin ang pilipinas na ating bansa, snu pa ang magmamahal?? tama!! mas mapalad pa din ang PILIPINAS kumpara sa ibang bansa, at kung pinanganak kang PILIPINO; baliktarin mo man ang mundo anu man ang gawin mo,magpalit ka man ng gusto mong nationality!!! PINOY pa din ang LAHI na pinang galingan MO!!sensya ka na lang kase pinanganak kang may lahing PINOY!! kya PROUD TO BE A PILIPINO!!!!

  • aianxian

    maraming salamat po sa insperasyong magpapatibay sa ating lahi !!!! mabuhay po tayong mga pilipino !!! salamat sa diyos na may likha!!

  • JR

    ganito talaga dapat ang maging mindset ng lahat ng pinoy. ung ninong ko ngang British tuwang tuwa s ating bansa e, napakayaman daw s lahat ng bagay though alam nyang s pulitika at ekonomiya e hindi p natin ganun kaabot na maunlad. pero kung maggugumikap tayong lahat kahit man lang para lang s ating mga sarili, cguro at the end lahat tayo e maunlan. Take note: mas matatalino ang pinoy kesa s ibang lahi, kahit sya e galing sa pinakamayamang bansa. tayo ay masipag at matyaga….

  • edwin javier

    big respect to you mr. ragubalane, mabuhay ang Pilipinas!

  • Ta3

    Wow, one of the best entry dito sa site na ito. 😀
    Ayos! Ganyan sana lagi. Marunong tumingin sa mga positibong angulo…
    Nice!

    Keep on writing…

    Regards!

  • Rose

    tama, mapalad pa rin ang ‘Pinas. ang mga unang dapat baguhin kasi nating mga Pilipino ay ang negative mindset at colonial mentality para ma-realize natin na marami pa rin tayong sariling yamang dapat ipagpasalamat at kakayanang dapat ipagmalaki. pero alam kong marami rin naman ang positibo ang pananaw, makabayan, at di nawawalan ng pag-asa sa kabila ng kahirapan, corruption, at kaguluhan dito sa ating bansa tulad na lang ng sumulat ng article na ito. salamat sa iyo. sana ay marami pang kababayan natin ang makabasa nito at mamulat ang mga mata sa katotohanang naipahayag mo nang payak at malinaw. ang katuparan nito ay kasagutan sa isang dasal ko para sa Pilipinas. mabuhay tayong lahat!

  • jow-jong ulo

    ang ganda. sana marami pang makabasang pilipino. 2 thumbs up.. 🙂

  • nak-ng-teteng

    prekoy lupit ng artikulo mo. Sana mabasa to ng mga kababayan natin na masyadong mababang pagtingin sa ating bansa. Kudos!

  • Lito Reyes

    pero totoong mas magiging mapalad sana ang Pinas kung mawawala na rin ang kinagawian ng maraming Pinoy na laging “nakalahad ang palad” lalo na sa mga ahensiya ng gobyerno.