Nakapagtataka lang… ano ang silbi nang POEA?

Taga monitor lang ba silang nang mga taong lalabas nang bansa?

Taga pangalaga nang mga OFW kung ganun naman bakit sila nang gigipit?

May bago na bang patakaran ang POEA na limitahan lang ang mga Direct hire sa mga companya?

Halimbawa sa isang company ay 10 ang mga pilipino na (direct hire) or yung mga taong di na nag daan sa agency. Yung pang 11 ay di na papayagang mag trabaho sa companyang yun kasi limitado lang sa 10?

Kahit na meron ka nang kaukulang documento, ticket at visa, unless na dumaan ka sa agency para makag trabaho ka sa companya na yun kahit na may employment visa at ticket, ano ang gagawin nang agency kung sakali? Di tumangap lang sila nang pera nang walang ginawa? Makatarungan ba eto?  Ano pa ang silbi rin nang mga kamag anak mo na nasa ibang bansa kung dadaan rin pala sa agency halos lahat?

Kaya nga direct hire para maiwasan na ang malaking bayaran sa mga agency at dahil na rin sa mga kamag anak na mag papasok sa yo at ang kompanya na ang gagastos at mag aasikaso nang papeles mo kung saan ka man pupunta. Bakit kailangan maging ganun ang patakaran nang gobyerno natin? Meron bang maiibibigay na trabaho ang gobyerno sa lahat nang mga naghahanap nang trabaho?  Bakit hindi nila luwagan ang systema?  Seguridad ba ang inaalala nila?

Aminin natin sa mga sarili natin na kahit anong gawin natin ay pag oras mo na ay oras mo kahit na tulog ka ay naaaksidente tayo.  Alam naman lahat nang OFW ang panganib nang pangingibang bansa pero sinusuung parin nila yan para sa mga pamilya nila.  Pano na yung mga di kayang mag bayad nang placement fee?,  di wala na silang magagawa at tangapin na ganun na lang kahit na mayroon gustong tumulong pero wala ka ring magawa dahil sa polisiya na to? Ano na ang mangyayari sa mga Pilipino na gustong mag abroad?  Pano narin ang mga kompanya na gustong mag hire nang Pilipino?  Mapipilitan silang dumaan sa agency?  Kung ako ang may ari nang kompanya ay mag hahanap na lang ako nang ibang lahi kesa sa Pilipino na napakaraming hassle.  I kumpara natin ang mga Indiano, basta may visa na sila, wala nang tanong pinapaalis na dahil trabaho yun kesa naman mag stay sila sa india na walang ginagawa.

Umiinit lang ang ulo ko kasi ganito ang sitwasyon nang pinsan ko.  Kumpleto na lahat, OIC na lang nang POEA ang kailangan ay hinarang pa sya at gustong idaan pa sa agency… anong klaseng systema to?