Baybayin – Ang Pagsulong ng Primitibong Pagsulat sa Modernong Panahon

Baybayin ”aka” Alibata - Isang sistema ng sinaunang
Marahil huli na kami nang mabalitaan namin ang tungkol sa Baybayin. Kakatapos lang ng buwan ng Wika nang mapukaw ang atensyon namin tungkol dito. Ano nga ba ang baybayin? At bakit madami ang nagsusulong nito kahit na sa modernong panahon?
Ang baybayin o mas kilala sa tawag na Alibata ay ginagamit na ng mga sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga Espanyol. Subalit unti-unti itong nakalimutan dahil sa impluwensya ng mga dayuhan at pagpapakila ng Roman Alphabet. Sa ngayon, karaniwan na lang natin itong makikita sa mga mahilig magpatatoo o kaya naman sa mga panakanakang pelikula o programa sa telebisyon na tumatalakay sa pamumuhay at kultura ng ating mga ninuno.
Ngunit sa isang banda, marami pa ring mga tao at mga organisasyon ang nagsusulong upang mapalawig at mabuhay ang ganitong sistema ng pagsulat. Isa na rito ang Taklobo Baybayin Inc at www.baybayin.com. Isa sila sa mga organisasyong gumagawa ng paraan upang maibalik at mapag-aralang muli ang Baybayin. Isa itong magandang adhikain upang mapalawig pa ang ating kaalaman tungkol sa ating mga ninuno. Isa rin itong hakbang upang mapakilala sa mundo ang sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino pagdating sa pagsulat.
©Copyright 2011, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.




Very informative site.. Thanks!
Agree ako dito. Mas maganda talaga na may sarili tayong identity dahil isa yan sa mga nagpapatunay ng mayamang kultura ng Pilipinas. Kahit ba sabihin nating modern era na ngayon at madami nang iba’t ibang klase ng language o paraan ng pagsulat ang
nagsulputan, kailangan pa rin natin ‘to. Kung yung mga salitang banyaga mabilis nating niyayakap, siguro ngayon naman yakapin natin kung ano yung sariling atin.
nakakatawa basahin ang mga reaksyon ng bawat isa at naiintindihan ko rin ang bawat isa…ang sa akin lang e, malaman ng buong mundo na tayo ay mga literado at edukado bago pa dumating ang mga kastila at malamn din ng buong mundo na tayo ay hindi mga indio kahit noong una pa.
i love alibata
para sa bagong henerasyon. para maipagmalaki na may sarili tayong alpabeto na hindi hiram.
Salamat sa link na ito. Aaralin ko ang Baybayin sa weekend.
Ibalik para magamit ninu.. ?? This is 20th cent. Na..
And so what kung 20th century na???!
it is about preserving our history and having our own identity, and not 20th cent, 21st cent na po actually, at tulad ng sabi nung author alin ang mas gusto mo Jejemon? or Alibata?
Kaya nga ibinabalik para magamit….mga Hindi lang siguro interesado ung iba….mga walang Pakialam, signature din natin yan kung saan tayo lang nakakaalam na basahin yang mga yan….mahina ang catch up kaya nahihirapan.
Kaya nga ibinabalik para magamit….mga Hindi lang siguro interesado ung iba….mga walang Pakialam, signature din natin yan kung saan tayo lang nakakaalam na basahin yang mga yan….mahina ang catch up kaya nahihirapan.
hay di na mahalaga baybayin …..espanyol na lang mas mainam p!
tanong……..bakit kailangan pang isali lahat ng subjects sa pagsusulit???unlike other countries,yes they are learning pero di na sinasama sa exam nila,pero bat t u kailangan pang lahat lahat di nmn ngagamit
(
isali
sana pati spanish…
nuong grade 5 ako sa mga textbooks may baybayin…ngayon wala na….
http://www.mts.net/~pmorrow/baybay2.htm
Madali itong matutunan. Mahirap basahin ang sinaunang pagbaybay dahil sa nawawalang katinig, ngunit ang makabago na may krus kudlit o virama ay mas madaling basahin.
ang hirap pag aralan to lalo n kung hindi naman gngamit…konti magkakainteres.. Spanish unti unti pa lang ulit sinasali sa curriculum… Ang dami nating namiss nkkpanghinayang… Sana marami magkainteres..
May dalawa pang mas nauna diyan sa Taklobo at baybayin.com na nagpasimuno at tumutulong sa pagpapalaganap ng kaalaman at paggamit ng Baybayin sa Internet. Ito ay ang website nina Paul Morrow at Nordenx:
http://www.mts.net/~pmorrow/
http://nordenx.blogspot.com/
Sila ang mga naunang gumawa ng fonts na madaling gamitin sa word processing, photoshop, at mga websites.
Wow! At last! Naalala ko si Boni at Leah na mga advocates nito!Sana nga ay matuto tayo nito.
kaw lang may gmit nyan wag mong idamay ang iba na hindi…
??? ???? ???? ??? ??????? ?? ??? ??????? <—- baybayin yan
) yan gamit namin dito sa FB, gusto niyo matuto?