GALING DITO ANG PICTURE

Walang-duda na ang RECESS ang isa sa mga pinakaaabangang oras sa eskuwelahan. Sabi nga ng karamihan, ito ay sunod sa P.E. bilang “favorite subject” ng mga mag-aaral. Kapag pagkain na ang usapan, tapos na ang laban.

Sa pagsapit ng recess, naglalabasan sa mga lunch boxes ang mga snacks na paborito ng mga bata – mga pagkaing dahilan kung bakit mas magana silang pumasok. Sa kabila ng ganitong eksena ay mayroon din namang mga estudyanteng walang baong pagkain pero may mga bulsang puno ng perang galing sa kanilang mga tamad na nanay na hindi sila kayang asikasuhin.

Sa isang pampublikong paaralan tulad ng pinasukan kong Mababang Paaralan ng Kampo Krame, ang isa sa mga hindi malilimutang snack (kung ito ay matatawag ngang ganun) ay ang NUTRIBUN o mas kilala sa pagbikas na “nutriban“.

Konting flashback para sa ibang hindi nakakakilala sa tinapay na ito. Ang totoo, hindi ko alam kung may itinitinda pang mga nutriban ngayon sa mga paaralan. Wala akong makita sa internetz ng tiyak na kasaysayan ng pagkaing ito pero ayon sa mga nakatatanda, ang nutribans ay ang solusyon para matugunan ang pangangailangan sa maayos na nutrisyon sa mga paaralan noong mga unang taon ng dekada setenta kung kailan nagkaroon ng malaking krisis ang ating bansa sa pagkain. Ang mga tinapay na ito ay gawa sa mga sangkap na donasyon mula sa mga bansang USA, Canada, at Australia. Noong una ay libre itong ipinamimigay sa mga paaralan pero nang lumaon ay ibinenta rin sa mas murang halaga. Kasing-laki raw ito ng monay na kasing-laki naman daw ng apat na pandesal.

Hindi ko alam kung ang nutriban na naabutan ko noong ako ay bata pa ay ang nutriban ding natikman nina erpats at ermats noong administrasyon ni idol Makoy.

Ano ba ang memories ko sa tinapay na ito?

NAPAKARAMI. Ito lang naman ay naging parte ng buhay-estudyante ko mula Grade 1 hanggang sa ako ay makapagtapos sa elementarya. Araw-araw na ginawa ni Bro, hindi siya nawawala sa canteen tray na inilalako sa bawat classroom. Kahit na nakapiring ako ay alam ko kung papakainin ako ng potang tinapay na ito dahil alam na alam ko ang lasa nito.

Hindi kami pinapalabas ng silid kapag recess kaya may rasyong inihahatid ang canteen sa bawat section. Sa isang classroom, ang bilang na mag-aaral sa isang silid ay nasa kuwarenta noong panahon ko at sa isang canteen tray ay nandoon ang dalawampu’t apat na piraso ng nutriban (isang dosena kada plastic). Maraming tindang puwedeng bilhin tulad ng nilagang itlog, nilagang saba, mga kakanin at iba pang mga nutrilicious na pagkain. Malayang nakakabili ng kung ano ang gusto ng bawa’t isa pero panay ang paalala ni teacher na HINDI PUWEDENG MAY MATIRANG NUTRIBAN. Bawal. Isang kasalanan. Hindi ko alam kung bakit. Madali sigurong mapanis sa loob-loob ko.

Class, may natira pang mga nutribans dito, bilhin niyo na. Masarap ito...”

Kapag ganito na ang banat ni ma’am, dedma na ang lahat – may yumuyuko, may tumitingin sa bintana, may biglang nagsasabi ng “Ma’am, may I go out?“. Alam naman ng guro namin kung bakit ganito ang scenario. Alam niya kasing sawang-sawang-sawang-sawang-sawa na kami sa lasa ng walang kuwenta tinapay ng eskuwelahan…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “…PINAPAKAIN KAMI NG NUTRIBUN SA ESKWELAHAN

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 33-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, The Wonder Twins, and Frontispiece 2.0.