by
on
under
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author bettyad

“Psstt… duwag lang ang sumusuko!”

Binary Brokers Sites

http://tapahont.info/?p=How-Much-Money-Can-You-Make-Off-Online-Surveys How Much Money Can You Make Off Online Surveys

http://automotorblog.com/?option=Stock-Exchange-Game-For-Ipad Stock Exchange Game For Ipad

http://fromvalskitchen.com/?p=Formation-Of-Models-Forex Formation Of Models Forex

http://minuevohogar.cl/?p=Moneybookers-Binary-Option-Brokers-808 Moneybookers Binary Option Brokers 808

Sa simpleng ligaw na post sa Facebook nagmula ang madaming tugon.
Nasa abroad man o nasa Pilipinas, walang nagdamot at madami ang malugod na nag-alay ng panahon, dasal, tulong pinansyal at serbisyo.
Madami ang mga hindi pa nagkikita at sa Facebook lang nagkakilala.
Sadyang mahiwaga nga naman ang buhay ng tao.

Eto ngayon ang sanggol na si Liam sa bisig ng kanyang ina.
Bilog, masigla ang mga mata at talaga naman nakakatuwang makita.
Napakalayo sa sanggol na nasa incubator na itinakda kong masilayan, mahigit isang buwan lang ang nakaraan. Payat, malamlam ang mga mata at naka-oxygen at swero pa.

Hindi naman ako magtataka kung saan nakuha ni Liam ang kanyang angking katapangan.Si Lola ay isang bagong bayani na nasa Hong Kong, na pilit nilalabanan ang pangungulila para lang sa kinabukasan ng kanyang pamilya. Si Nanay maski bata pa at nag-iisa sa pagtaguyod ng kanilang kinabukasan, isinulong ang kapakanan ng kanyang anak gamit ang angking talino at lakas ng batas.

Mula sa bagong sibol na buhay, madami ang nagkusa.
Pwede naman magpatalo at sumuko.
Pwede naman di pansinin.
Pero taliwas ang nangyari.

Bakit magpapadala sa hirap ng buhay kung may paraan?
Bakit tatalikuran ang mga taong, bukas matang lumalaban?
Bakit susuko kung kakayanin naman?

Ang daming magagandang intensyon at plano para sa batang ito, madalas gusto namin sadyain pero mas mabuting umayon at sumalimbay sa nais ng Diyos. Sabi nga, kung ukol, bubukol at eto na nga.

Sa tulong ng isang abugadong ayaw magpapakilala, nakaluwas ang mag-ina sa Maynila at nakadulog sa PCSO para sa tulong pinansyal at pangkalusugan.

Sa tulong ng Fund Allocation Fund Manager na si Mr. Ruben Magno ng PCSO, makakapagpakonsulta si Liam sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC). Nakatakda na ang medical work out (X-rays, EENT, EEG at BAER tests) ni Liam sa unang linggo ng Setyembre. Ito ay kailangan upang masigurado ang kanyang kalusugan, lumaking siyang normal at maliksi.

Kasama po ang pamilya ni Baby Liam, kami po ay lubos na nagpapasalamat kay

Dr. Cristan Cabanilla na unang tumingin kay Liam sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC),
kay Dra Bambi Gesite na magiging Pedia-Optha ni Liam,
kay Dr. Norman Fajardo at lalong lalo na kay Dra. Myrna Cruz na tutulong sa mga ilang gamot na kakailanganin.
At kay Dra. Amparo Agrava, Pedia-Neuro na sinisiguro na masasa-ayos lahat para lumaking normal na bata si Liam. Damay na natin dito ang mga assistants na mga duktor na gumagabay sa mag-ina habang sila nasa PCMC.

Sa mga estudayante ng UP Law School na umako ng tutuluyan ng mag-ina habang nasa Maynila.

Sa lahat po nang nagpadala ng tulong pinansyal para mabuno ng pamilya ni Liam ang kulang kulang sa PhP 500,000.00 na bayarin sa hospital at sa lahat ng mga nagdasal para kay Liam,
MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

Patuloy pa din po kaming dumudulog ng inyong dasal at tulong para sa lubusang pagsulong ng buhay ni Liam.

Sana po ay maging ka-isa namin kayo sa Piso mula sa Puso. Ang piso ay malaking halaga kapag lahat tayo magkaka-isa sa pagtaguyod ng isang bagong sibol na buhay.

Ipadala lang po sa ina ni Liam sa pamamagitan ng:

Money transfer (e.g. • Western Union • LBC • Cebuana • GCash)

• Acct details:
Name: LEVIRIZZA MARIE S. MENDILLO
Address: 148, 3rd Ave., Bernardo Dist., Cabanatuan City
Contact No.: +63906 344 9801

O sa pamamagitan ng BDO ACCOUNT
Acct. Name: LEVIRIZZA MARIE S. MENDILLO
Savings Acct. No. : 005720137379

Madaming may problema, madaming mahihirap pero kung may magagawa tayo para sa 1 tao o para sa 1 komunidad, bakit di natin gawin. Sandali lang ang buhay na ipinagkaloob sa atin, ang sarap mabuhay na alam natin nabigyan natin ito ng saysay.


Posted in |



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author bettyad



36 Comments |