by
on
under
tagged , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author wallei

LIHAM NG ISANG INA PARA SA ANAK

Alay ito para sa mga kaibigan kong nakipagsapalaran sa ibang bansa, iniwan ang mga anak sa Pilipinas para mabigyan sila ng magandang buhay… Inilagay ko ang sarili ko sa kanilang sitwasyon at nabuo ko ang isang sulat. Paglalarawan ng totoong pangyayari at sitwasyon. Ilan pa ba ang nakakaranas ng ganito? Ilang mga ina ang kailangang makipagsapalaran para sa mga naiwang anak sa bansa?

Dear Anak,

Sa aking pag-iisa ay wala akong ibang inisip kundi ang iyong kapakanan. Iniisip ko kung kumain ka na ba at natutulog ka ba sa oras. Sa boong maghapong paghahanap-buhay ko ay ikaw ang laman ng isip ko. Minsan, ang bigat ng aking mga dalahin sa aking puso. Mabigat ang aking pakiramdam at pilit na pinipigil ang pagpatak ng aking luha.

Minsan, dumarating ang pagkakataong pinagsisihan ko ang pagkawalay ko sa iyo ngunit maninimbang naman ang pagsisi kung hindi ko gagawin ito. Mas mahihirapan ang kalooban kong hindi man lang kita mabigyan ng sapat na pagkain at magandang edukasyon.

Mas mararapatin kong tiisin ang hirap na dinaranas ko dito at lungkot ng pag-iisa kay sa makita kitang pinanonood ang iba at naiinggit sa mga kapwa mo bata. Wala akong ibang hinangad kundi ang mapasaya ka at magkaroon ng magandang bukas kapalit ang hindi ko paggabay sa iyo sa araw-araw.

Mahal kong anak, pagpasensiyahan mo na ang Nanay mo kung hindi mo ako kasama sa lahat ng oras. Wala ako sa tabi mo para paliguan ka bago pumasok sa eskuwela, hindi ako ang naglaba ng iyong mga damit at hindi ko man lang nagawa ang mga assignments mo at hindi man lang kita nagabayan sa pagbilang at pagbasa.

Ilang birthday na nga ba at ilang Pasko na hindi man lang tayo nagkasama? Pagpasensiyahn mo na ako kung ang ating family picture ay kulang at idinikit lang ang aking mukha para lang makitang may pamilya ka.

Anak, darating ang oras at maiintindihan mo ako. Huwag kang magdamdam at huwag magtanim ng sama ng loob sa akin. Minsan kailangan nating gumawa ng paraan para mairaos ang buhay na ating inaasam.

Mahal na mahal kita anak. Hindi ko pinagsisihan na isilang kita sa mundong ito. Hayaan mo, konting tiis na lang at makakasama mo na ako. Huwag kang manibago sa aking pagdating. Alam kong alam mo na ang lahat. Ang aking pagtitiis dito ay para sa iyo at para sa ating dalawa.

Huwag mo na lang itanong kung bakit wala kang Tatay. Dahil kung nandiyan ang tatay mo ay hindi mo na rin mararamdaman ang lahat at hindi mararanasang mawalan ng isang Ina sa lahat ng pagkakataon at marahil nga hindi ka na rin magtatanong.

Pilitin mo na lang intindihin ang lahat. Nandito pa ako, anak. Mahal na mahal kita.

Nagmamahal,

Mommy


You may also like these articles:

Posted in | Tagged , , |



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author wallei



197 Comments |
  • mama nday

    nakaka touch 2 namiz q lalo baby q

  • mama nday

    nakaka touch 2 namiz q lalo baby q

  • red

    gusto mong kumita para sa iyong anak na walang ama, pwes magtiis ka!!!

    • Jeffrey

      Lalake yung writer. Pero nangangarap syang maging isang ina.

  • anthema

    Syet!!! Nakakahomesick ang article mo! Pero angaling, may puso! Sana sa susunod naman e “Liham ng Isang Ama sa Para sa Anak”.

  • elan21

    You’re piece touch my heart so much. Masakit man na hindi ko nasusubaybayan ang pag laki ng aking anak pero ang lahat ng pagud at sacrifices ko bilang isang OFW ay patunay na lang kung gano ko kamahal at gano ka importante sakin ang mabigyan sya ng magandang buhay at magandang educasyon…

  • Leunamme

    Sana naman yong mga anak na nag work ang Papa/Mama maintindihan nila d yong mas gusto pa daw nila ang maging mahirap basta daw nandito ang PaPa nila. Kaso ang Papa nila mula pa pagkabata nagpakahirap para lang makapag graduate ng College. Ngayon na na blessed ang Papa nila d na naghihirap mga anak full time student pero para sa kanila d nila gusto na nasa malayo ang Papa nila. ang tanong makapag tapos ba sila kung nandito lang ang Papa nila? mahal magpatayo ng bahay kailangan mag housing loan pa. marami pang kapatid na naghihirap din ang pera kailangan tipirin para din lang makapag bigay sa LoLa nila at kapatid ng Papa nila. Kaso d nila maintindihan ang situation nandyan na ang lahat para sa kanila. Ang gawin na lang nila maglinis ng room nila, maglaba ng damit nila.. at mag study sana ang gawain. kaso mas inuuna pa nila makipag boyfriend girlfriend kaya ayan bagsak sa isang subject d makapag work kasi walagn t.o.r. Sana naman makunsensya mga anak na nag work hard Papa/Mama nila para lang sa magandang kinabukasan nila. Para d nila maranasan ang bunay na napakahirap. Pero sadyang meron anak na d marunong umintindi ang gusto lang nila sila intindihin. Darating din ang araw na magsisisi din sila kung anong pasakit binigay nila sa magulang nila ganon din ang gawin ng mga anak nila sa kanila. Kung anong itinanim yon din aanhin. HE WHO IGNORES DISCIPLINE, COMES TO POVERTY AND SHAME. WHOEVER HEEDS CORRECTION IS HONORED.

  • Inspiring story…… I’m one of them…masakit man tanggapin na lumalaki ang mga anak ko na d ko nasusubaybayan ok Lang basta alam ko Ginagawa k e2 para sa kanila… Gusto ko cla bigyan ng magandang bukas tulad ng ibang inang namumuhay sa malayo para sa mga ank…. Mahirap talaga pero e2 Lang ang paraan para mabigyan k cla ng magandang kinabukasan… Sa mga in a na tulad ko saludo poh ako sainyu……

  • Wow nice article….

  • klynR02

    wow grav kaiyak naman ito..

  • ghengzkie

    Isa rin akong ina na malayo sa knyang anak.. Isang bwan palang sya nung iwan ko sa pinas ayoko nasa umalis nun pero pinilit kong tanggapin na mawalay ako sa knya. Inisip ko nlng na para saknya ang gagawin ko at gusto ko sya mabigyan ng maganda buhay although kahit pareho kami ng ama nya in abroad at hindi pa naman kami kayang buhayin dahil sa liit ng kinakita nya. Nagsakripisyo ko ng lubos para sa anak ko at para sa sariling pamilya ko na rin…

  • Leni

    nkaka-touched nman po ang article nyo…im one of the single moms out there na walng ibang hangad kundi ang maibigay ang lhat ng pangangailangan. Gusto ko din mangibang bansa para sa knyang kinabukasan ngunit ndi ko kya mangulila saknya…mas gusto ko mgkasama kami sa hirap at ginhawa..ndi ko kaya na wala ako sa tabi nya habang sya ay lumalaki..pero nang mabasa ko ang article na to, nkaramdam ako ng guilt..mas mahalaga ang kinabukasan nya kesa magkasama nga kami pero ndi ko nman sya mabigyan ng magandang buhay…make sense?