by
on
under , , , , ,
tagged , , , , , , ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Chaz

Bayan naming OBANDO, bakit niyo gina-gago?! (NO TO OBANDO LANDFILL!)

About Charlie Dela Cruz

Mr. Charlie R. Dela Cruz is 21-years old Registered Nurse and a High School Science Teacher who loves writing based on his idealistic views and from his own observations in life. To know more about him you can SUBSCRIBE him at, http://facebook.com/delacruzcharlie or you may FOLLOW him on twitter, http://twitter.com/delacruzcharlie .. Thank you and God Bless! Stay inspired!

Ang Obando ay isang bayan na matatagpuan sa probinsiya ng Bulacan na 16 kilometro lang mula sa Maynila. Katabi lang nito ang mga Lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela. Isang tahimik na bayan na may mahigit limampu’t walong libong (58,000) populasyon at pinagkakaisa ng tatlong Santo na sinaSan PascualSanta Clara, at ng Birhen ng Salambao. Dinarayo ito ng mga deboto mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa mga araw ng fiesta rito.

 

Kinilala ang bayan ng Obando dahil sa ‘di umano’y milagrong hatid nito sa mga mag-asawang hindi magkaanak.

Payag ka bang maging ganito ang bayan nating Obando?

  • Papayag ka ba na kilalanin din ang bayan natin bilang isang malaking BASURAHAN?
  • Papayag ka ba na isa alang-alang ang kalusugan nating mga mamamayan ng Obando?
  • At papayag ka ba na unti-unting mamatay ang mga isda o hayop na siyang kinabubuhay ng ilan nating mga kababayan?

 

-Taga saan ka ba?

>Obando po.

-Ah, sa tapunan basura.

(ganito ba ang gusto mo?)

‘Wag kang tumunganga! Makiisa ka Obandenyo!

Isang malaking kalokohan ang ginagawa ng Pamahalaan ng Obando kung saan napaghahalatang hindi nito iniisip ang kapakanan ng kanyang nasasakupan. Kung sabagay, may berde nga pala siyang card. Isang malaking NEGOSYO lang ang Obando para sa kanya. Daig pa nito ang isang Hari na hindi man lamang hiningi ang pahintulot ng mga mamamayan. Paalala lang Ser! DEMOCRATIC PO ANG URI NG GOBYERNO NATIN! Daig mo pa si Pangulong Noynoy na nagsabing “Kayo ang boss ko.”, pasaring sa taong bayan. Kung ganon, IKAW NAMAN BA ANG BOSS NAMIN?!

 

 

Nasira tuloy ang Obando Hymn natin, “Taong baya’t pinuno sama-sama sa pag-unlad ng aming bayang pinagpala.” 

 Nasaan na pinuno na kasama sa pagpapa-unlad?

 

Kulang ba ang kaban ng bayan OBANDO para mabawi ang pinuhunan mo sa eleksyon? Kaya’t isang malaking pagkakakitaan ang naisip mo para mabawi ito. Hanep Buhay! ISA KANG ALAMAT!!! Biruin mo pinatunayan mo na totoo ngang MAY PERA SA BASURA!

 

Halatang hindi mo iniisip ang ginagawa mo! Ang paglalagay ng landfill ay hindi talaga masama KUNG nasa tamang lugar at tamang sistema. Alam mo bang hindi katanggap tanggap ang paglalagay ng landfill sa isang lugar na napapaligiran ng tubig o di kaya katubigan na tinambakan lang ng lupa!

Hihintayin mo pa ba na mangyari 'to sayo o sa pamilya mo?

Ang konsepto ng landfill ay ang pagbaon ng basura sa ilalim ng lupa upang hindi humalo sa hangin ang likha nitong “METHANE GAS” na siyang maaaring makaapekto sa kalusugan ng LAHAT NG URI NG NABUBUHAY na maaring magdulot ng sakit sa balat at paghinga. HINDI RIN DAPAT MABASA AT HUMALO SA MALINIS NA TUBIG AT KALIKASAN ang mga basura dahil magsasanhi ito ng isang matinding lason na tinatawag na “LEACHATE” na sadyang napakadelikado sa hayop at tao sa oras na ma-expose dito o mainom, at makakaapekto rin ito sa ating likas na yaman.

Ayon din sa Republic Act 9003, Labag talaga sa batas ng Pilipinas ang pagtatayo ng landfill sa bayan natin dahil direkta ang ilog natin sa Manila Bay.

         .

.

  • Paano kaya mapipigilan ang “Proyekto” na iyan?

Naalala ko lang sa isang subject ko noon tungkol sa mga batas na pwede pala ipatanggal ang isang opisyal ng Gobyerno kung magkakaisa ang mga botante sa pagpetisyon. Ang tawag dito ay ‘RECALL ELECTION’.


“A recall election (also called a recall referendum or representative recall) is a procedure by which voters can remove an elected official from office through a direct vote (plebiscite), initiated when sufficient voters sign a petition.”(wikipedia.org)

 NO TO LANDFILL! YES TO RECALL!

 

Kung magkakaisa lang ang mga taga Obando ay siguradong mapipigilan ang landfill na yan.

Sana lang ay may maglakas loob na abogado ang tumulong sa atin sa pagsupil sa taong utak ng proyektong yan upang mapigilan na ang kagaguhang landfill na yan.

 

Walang ding saysay ang sigaw natin kung tayo mismo ay hindi marunong magpahalaga sa kalinisan ng ating bayan. Ipakita natin ang pagmamahal natin sa ating bayang pinagpala nang ating makamit ang tunay na biyaya…

 

ipagmalaki mong…

BAYAN MO AY OBANDO!

 Mag-RECYCLE ka kabayan!

Gawin mo ang dapat!

 

OBANDENYO TAYO! BAYAN NATIN ITO! MAY KARAPATAN TAYO! MAGKAISA TAYO!

IPAGLABAN NATIN ‘TO!

 

MAKIISA KA! NO TO OBANDO LANDFILL!

DON’T JUST ‘SAY’ NO TO OBANDO BULACAN LANDFILL!

DO SOMETHING TO REMOVE OBANDO BULACAN LANDFILL!

 —————————————————————————————————

OBANDO NO TO LANDFILL MASS AND PROCESSION

 

Kakampi natin ang Diyos!

 

Pagkakaisa ng mga Obandenyo.

 

Isang banal na pagkilos.

 

Ipakitang my pakialam ka! May magagawa ka!

 

Isang bayan, isang sigaw! NO TO LANDFILL!

 

Mga matang naghahanap ng pag-asa at magandang kinabukasan.

 

Kahit hindi ka taga-Obando may pakialam ka! Dahil basura mo itatapon dito!

Ano pang hinihintay mo?

MAKI-ISA KA NA! BAYAN MO, IPAGLABAN MO!

 

 

– – –

Some photos by Mr. Mark Louie Gonzales

and

Article written by Charlie Dela Cruz

August 21, 2011


You may also like these articles:

  • Eddie dela cruz

    Ano na ang mangyayari sa Obando? Ang kaisa-isang ospital na nasa Lawa ay nagsara dahil sa kadahilanang masamang pamamalakd ng lokal na pamahalaan, kawalan ng trabaho ng mga mamamayan,, paglipat bahay sa ibang lugar na walang baha at kapabayaan sa inprastraktura para sa maayos at disenteng buhay. At ngayon isa pang naka-ambang parusa!

  • larry dans rafael

    napakadelikado na itabi sa river system ang landfill dahil sa toxic leakage, dapat niyan ay ilagay sa isang solid na lugar inland malayo sa mga ilog, lugar na hindi matao sa gitnang bukid na medyo mababa para double purpose na tataas pa lalo na at ang mga inspector natin ng basura ay hindi naman mapagkakatiwalaan at puro appointed lang ng mga ninong na politico,,,

  • Noel dela Cruz

    maawa kau sa taumbayan iniluklok kayo sa inyong knallagyan tapos pahhirapan m lng sila mahabag k sa kaawa awa mong kbbayan NO TO OBANDO LANDFILL

    • Yes, you’re right po. I hope maraming tumulong para hindi matuloy ang approved landfill.

  • we are on the opposite side of obando, valenzuela area, wala pa ang landfill apektado na kami ng amoy galing sa ibang basurahan, lalo na siguro pag sa obando, no to obando landfill…..

    • rolando lazaro

      maraming sasama sa iyo sa balak mo!

  • Isang napakalaking political conspiracy…