Disiplina
Noong nakaraang Linggo, pumasok ako sa ATM booth ng Metro Bank para mag-withdraw ng aking kayamanan.
Actually hindi naman talaga Metro bank ang Atm card ko, RCBC. Pero dahil bancnet kahit anong bangko pwede. Pinili at trip kung mag-withdraw sa Metro Bank kahit may kaltas na Php 10.00 dahil bukod sa aircon karamihan ang ATM booth nila naaaliw din ako sa ATM nilang may babaeng nagsasalita.
Kaya nun, pumasok ako sa ATM booth. Sumalubong sa akin pagbukas ko sa pinto ang mga kalat. Mga papel, resibo sa pinagwithdrawhan o cash receipt. Kala mo may baboy na nagwala sa loob. Napailing ako.Hindi lang yun ang unang beses nakakita ako ng ganun. Maraming beses na.
Seguro kung ikaw yung tipong tao na may kunting pagmamalasakit sa kapaligiran, makaramdam ka ng pagkabuwisit.At talaga namang nakakabuwisit. May basurahan naman sa tabi bakit hindi pa magawang itapon dun. Para bang napakahirap gawin ang ilagay ang kalat sa loob ng trash can.
Ikaw na nagbasa ngayon, malamang isa ka sa mga hindi marunong magtapon ng resibo sa tamang tapunan. Kung ganun ka man, sana pagkatapos mong mabasa to magbago kana. Simpleng disiplina lang kaibigan!
Paglabas ko sa ATM booth hindi lang pera ang bitbit ko kundi ang isang katotohanan. Masakit mang tanggapin pero tayong mga Pilipino, edukado man o hindi, walang disiplina.
Ayon sa Republic Act 9003, mahigpit na ipinagbabawal ang pagtapon ng basura sa mga pribado at pampublikong lugar. Ang sino mang lumabag ay magmulta ng 1500 o parusahan sa pamamagitan ng pagawa ng community service sa loob ng 15 days. Pero….
PERO! Normal lang na tanawin sa Pilipinas ang basura na nagkalat. Normal lang rin para sa mamamayan ang magkalat. Katwiran natin, “meron namang tagalinis.” Isipin mo nalang kung ilang daan ang magkalat tapos dalawa hanggang lima ang maglilinis at plus, hindi ma maayos ang pagkalinis. Patuloy talagang dumadami ang basura.
Ano nga ba ang nangyari sa batas natin? Ayon hanggang sa papel nalang at hindi napatupad.Tingnan mo ang mga mauunlad na bansa, ang Japan, ang America, ang Singapore. Diba ang linis ng bansa nila.
Balita ko bawal sa Singapore ang bubble gum at bawal din ang manigarilyo kung saan-saan. Pero kahit mahirap gawin kaya nilang naipatupad. Yun ay dahil sa disiplina.
Kung kaya ng iba, ba’t hindi natin kaya? Kung hangad natin ang maunlad na bansa, ba’t hindi natin simulan sa disiplina. Ano kaya kung itapon natin sa tamang tapunan ang ating basura? Kung nasa sasakyan ka, ibulsa mo muna. Diba mas maayos tingnan ang malinis na lugar? Diba mas masarap ang pakiramdam kung tayo ay nakatira sa isang disiplinadong bansa?
Pero mas masarap kung ikaw at ako ay nagtutulungan. Simulan natin ang disiplina sa ating sarili. Mas maganda kung ngayon na!
Ang edukasyon ay hindi edukasyon kung hindi ginagamit sa tamang paraan. Ang pagiging edukado ay wala sa diploma kundi sa nasa kilos. Ang karunungan ay kamangmangan kung ito’y hindi ginagamit sa kabutihan….Ang edukasyon, ang pagiging edukado at ang karunungan ay mawalan ng kabuluhan kung sa DISIPLINA ay magkulang.
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.



Mga ipokrito much naman kayo magpaka totoo nlng kayo sa sarili. Ang ganyang scenario hindi na bino-blog yan, nililinis nalang yan. Dami pa sinasabi.
mayroon tayo but we dont use it properly
SA IBANG BANSA MASIPAG TYO SUMUSUNOD SA BATAS, PAG SA PINAS MSA SIGA AMO BOSSING TYO LAHAT, MGA SPOILED BRAT!
Ang disiplina ay nagsisimula sa bahay. Ano ang nangyari sa ating mga magulang at mga teachers na dapat magturo ng kalinisan at kaayusan? Siguro matututo rin ang mga iyan pag nadampot ng mga masamang elemento ang kanilag bank accounts at kayamanan – at inubos! Hindi ako isa sa mga taong sinasabi mo. Ang Tatay ko ang nagturo sa akin ng kaayusan at kalinisan.
@Johnny anung mali sa sinabi ko? Isang pagpuna yan sa mga Pilipinong hindi marunong sumunod sa mga batas natin. Pag sila pa ang pinagalitan mo sila pa ang magagalit. Minsan talaga kailangan nang batukan ang isang tao pag hindi pa rin natuto nung pinitik mo siya sa tenga.
Eto na naman po kami! Paano ba matatangal sa ating lipunan ang mga perhuwisyo at bad eggs na pinoy? Kung pwede lang sana na ibaon silang lahat sa lupa para mapa-kinabangan na lang as fertilizer! Hehehe!
@justine jalobar. saan tayo magaling? sa kalokohan? siguro diyan nga tayo magaling kaya walang asenso ang ating bansa.
@Johnny kasi nga daw magagaling daw tayong mga pinoy. Kaya pag nagsama-sama ang mga magagaling, walang hindi marunong. Ganyan sa ‘Pinas
adik
yan ang dapat baguhin ng mga pinoy, madali lang naman dahil d2 sa japan nagagawa ng mga kababayan natin sumunod at maging disiplinado so kaya rin sa pinas, kelangan lang talaga ipatupad. d2 di uso ang street sweeper dahil nagkukusa ang mga tao
Tayong mga Pinoy marunong tayong sundin ang batas ng ibang bansa pag napupunta tayo sa mga bansang iyan. Pero pag dating sa atin ay hindi natin sinusunod ang sarili nating batas. Diyan natin makikita kung anong klaseng disiplina ang meron sa ating mga Pilipino.
kaya hindi umuunlad ang Pilipinas ay dahil sa mga taong walang disiplina. mapa-taong gobyerno or simpleng mamamayan. MASAKIT TANGGAPIN ANG KATOTOHANAN NA WALANG DISIPLINA TAYONG MGA PILIPINO.
edi sana winalis mo. pinansin mo mali ng iba di mo naman inayos hinayaan mo lng nkakalat. edit mo blog mo sabihin mo winalis mo lhat. true gentleman could preach what he practices till he practices what he preach!
@kupal kupalin. YOU ARE AN IDIOT.
ano ngayun ??
like it soooo much
yan ang pinoy…definitely
tangina lhat na pinansin mo mamatay ka na nga please
hahahaha:))))))))))))))