Noong tayo ay mga bata pa, ang sarap ng pakiramdam kapag inlababo. Kaya nga naniwala tayo sa kapangyarihan ng F.L.A.M.E.S. dahil gusto nating malaman ang kapalaran natin sa ating mga crushes (take note, naka-plural form). May isa pa akong bagay na alam para malaman kung may pag-asa ka sa taong napupusuan mo. Sikat na sikat ang paraang ito – ang makiusyoso sa mga nilalaman ng SLAMBOOK.

Ano nga ba ito? Para sa mga kabataang namumuhay ngayon sa mundo ng internet, ito ay hindi kilala dahil natabunan na ito ng mga social networking sites tulad ng Facebook at Google Plus. Pero para sa aming mga gurang at oldies, isa itong sikat na sikat at pinagkakaabalahang bagay noong kami ay nasa elementary at highschool.

Isa itong “autograph book” na ipinapahiram sa isang tao para sagutin ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanyang pagkatao. Karaniwang mga kababaihan ang meron nito at sila ang nagpapapirma sa mga kaibigan sa loob ng klase. Maganda ang layunin nitong malaman mo ang mga bagay tungkol sa iyong kaibigan pero ang mas malalim na dahilan dito ay ang malaman mo ang sagot sa tanong na “WHO IS YOUR CRUSH?“. Pansin na pansin mo ang kilig sa mga grupo ng gerls kapag binabasa na nila ang part na ito.

Ang mga slambooks ay karaniwang nabibili sa mga novelty at school supplies stores. Taena ang mga designs nito dahil pang “love” at “friendship” ang makikita mong image sa cover. Mabango rin ito kaya ang sarap amuyin. Ang quality ng paper ay maganda at nakakapanghinayang sulatan. Medyo may kamahalan ito kaya sosi ang dating mo kapag ganito ang klase ng meron ka. Kung medyo kapos ka sa budget at nagkukuripot, puwede ka namang bumili ng mumurahing notebook sa National Bookstore at isa-isa mong isususlat sa bawat pahina ang mga tanong na gusto mo!

Kapag may nagpasa sa’yo ng slambook at sinabihan ka ng “pa-autograph naman“, magpasalamat ka na dahil isa ka sa mga mapalad. Pili lang kasi ang binibigyan ng pagkakataong makapagsulat sa ganito. Madalas ay close friends lang. May mga nag-aaway ngang mga magkakaibigan kapag nalaman ng isa na hindi siya pinapirma o mas huli siyang pinapirma kaysa sa iba. Ang babaw ‘di ba? Sa totoo lang, malaking isyu ito noong bata pa kami. Isipin mo nalang kung ‘di ka inaalok na pumirma ng slambook – ibig sabihin ba nito ay pangit ka at walang nagkakakras sa’yo kaya hindi sila interesado sa buhay mo?

Kapag pinapirma ka sa slambook, dapat ay may effort ka. Una ay sa pagsusulat. Dapat ay maayos at pantay-pantay ang penmanship mo at hindi puwedeng parang kinahig ng manok. Magagalit sa iyo ang may-ari kapag isinauli mo ito na parang binaboy! Sobrang effort ng iba, inaabot ng overnight sa kanila ang lintek na slambook. Pangalawa, dapat ay may effort ka lalo sa pagsagot ng mga tanong. Dapat ay pinag-iisipang mabuti. Bawal manghula. Bawal magpatawa kung ‘di naman kalbo. Bawal ang pa-cute kung ‘di naman kagandahan o kagwapuhan.

Para malaman mo ang kababawan namin noong kami ay bata pa, heto ang ilan sa mga malulufet na questions and answers…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “…NARANASAN KONG PUMIRMA SA SLAMBOOK

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 33-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.