Bago pa man napasailalim ang Pilipinas sa Imperyal Espanya meron nang natatanging mga kultura at mga wika ang bansa. Este, wala pa pala ‘Pilipinas’ noon. Pero madalas ang interaksyon ng mga tao di lang sa kapwa Filipino kundi pati sa mga banyaga. Madalas silang nagkakalakal pero minsan nakikipagdigma din sila. Meron ding mga epiko, alamat, kaalamang bayan, paniniwalang espiritwal. Meron ding sistema ng pagsusulat, ang Alibata. Nakasulat ito sa mga dahon, kawayan, o bato. Ayon sa mga historians kung medyo natagalan lang ang mga Kastila sa pagdating, maaring nakabuo ang mga ninuno natin ng sariling nasyon at wika.

Noong nasakop na ang mga ninuno natin, malaki ang kampanya na ginawa ng mga Kastila para burahin ang sinangunang kultura. Pinagsusunog nila ang karamihan sa mga ‘documents’ sa Alibata. Notable na instrument siempre ang relihiyon. Isa sa mga polisiya ng mga Kastila para mapanatiling watak-watak ang mga Filipino ay ang hindi pagturo ng wikang Espanyol. Sa halip, sila ang nag-aral ng mga wika sa kapuluan. Natakot sila na dahil sa isang common na wika, maaring magorganisa ang mga Indio laban sa kanila.

Pero siempre meron ding natuto ng Espanyol sa pagitan ng pag-aaral. Ang sistema ng edukasyon noon ay kontrolado ng mga prayle at eksklusibo lang sa mga mayayaman. Noong patapos na ang 19th na daantaon ay may mga pagbabago sa polisya ng Espanya. Nangibabaw ang liberalism at nagkaroon ng pagkakataon ang mga mayayamang Pilipino na mag-aral sa Europa. Doon ay na expose sila sa mga modernong ideya lalo na kina Locke at Rousseau.

Kabilang sa mga ilustrado sina Rizal, Lopez-Jaena, Del Pilar, atbp. Tinatag nila ang Kilusang Propaganda na ang layunin ay gawing probinsya ng Espanya ang Pilipinas. Kapag nangyari na ito, magiging mamayang Kastila ang mga Filipino at kasama na dito ang mga karapatan at representasyon sa Cortez. Binuo nila ang La Solaridaridad, ang peryodiko na naglalaman ng mga artikulong tumatalakay sa reporma sa Pilipinas. Espanyol ang wikang ginamit nila. Hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda sa maraming dahilan kabilang na ang kakulangan ng kasangkapan at pagaaway-away ng mga ilustrado.

Dahil walang nangyari sa mapayapang reporma, inorganisa ni Bonifacio ang Katipunan na ang layunin ay ang ganap na kasarinlan sa pamamagitan ng armadong paraan. Malaki ang papel na ginapanan ng wika, particular ang Tagalog, sa rebolusyon. Merong revolutionary organ ang Katipunan, ang Kalayaan. Meron itong mga artikulo ni Emilio Jacinto at iba pa. Pinakita ng Kalayaan ang plano ng Katipunan. Kinalat ito sa iba’t ibang kalapit na probinsya at nakatulong ito sa paglaki ng pwersa ng Katipunan mula 300 naging 3000 (Agoncillo, 1977). Pinakita lang nito na nagkakaintindihan ang mga tao sa sariling wika at pwede ito gamitin para isulong ang interes ng mga tao. Yun nga lang, isang copya lang ng Kalayaan ang na imprenta at nakalat. Nalaman agad ng mga Kastila ito at nagpasya ang Katipunan na tigilin na ang proyekto.

Naging matagumpay ang rebolusyon pero saka naman dumating ang mga Amerikano. Ang mga bagong layang mga Filipino ay may bago namang kaaway. Binenta pala ng mga Kastila ang Pilipinas sa US sa pagitan ng Treaty of Paris. Bakbakan ulit. Natalo ang mga Filipino dahil mas armado at may angkop na pagsasanay ang pwersa ng Kano. Para tuluyang na sakop ang mga Filipino, gumamit ang mga Kano ng psychological tactic na pagbigay ng bagay na ipinagkait sa mga Filipino, edukasyon. Nagtatag ng secular public system of education ang mga Kano. Pero ang ginamit sa mga paaralan na ito ay Ingles bilang medium of instruction. Tumaas nga ang literacy ng mga Filipino, pero tuluyan din silang na pacify.

Ang mga Kano ay nagpatupad ng mga hakbang para sugpuin ang mkabayang dyornalismo at panitikan. Ayon sa Sedition Law ng 1902, sino man ang magsabi o magsulat ng mga bagay laban sa US at Insular Government ay pwedeng ikulong sa mahabang panahon at pagbabayarin ng malaking multa. Marami ang nakulong na mga manunulat sa dyaryo, mandudula, atbp. Dito na nagsimula ang proseso ng ‘miseducation’. Dahil  nga Ingles ang medium og instruction, kailangan ng mga Ingles din na mga kasangkapan. Ang mga Filipino ay natuto tungkol kina Lincoln at Washington kesa kina Rizal at Bonifacio. Dahan-dahan naging mataas ang pagtingin nila sa kulturang Amerikano.

“They had to be disoriented form their nationalist goals because they had to become good colonials. The ideal colonial was the carbon copy of his conqueror, the conformist follower of the new dispensation. He had to forget his past and unlearn the nationalist virtues in order to live peacefully, if not comfortably, under the colonial order. The new Filipino generation learned of the lives of American heroes, sang American songs, and dreamt of snow and Santa Claus.” (Constantino, 1966) Yung mga promising na estudyante, pinadala pa sa US para mag-aral o para tuluyang ma-immerse sa kulturang Amerikano.

Tinatag noong 1935 ang Commonwealth of the Philippines na si Manuel L. Quezon ang pangulo at Sergio Osmena bilang bise. Ang Pilipinas ay magkakaruon ng transition period ng sampung taon bago ganap na maging malayang bansa. Ayon sa mga delegado ng 1935 Constitutional Convention kailangan ng wikang pambansa na sariling atin. Dagdag pa ni Quezon, magiging instrument ito para mapagkaisa ang mga Filipino. November 13 1936 nang tinatag ang Institute of National Language. Ang pinakalayunin nito ay manaliksik at tukuyin ang pinakaangkop na wika sa bansa na pwedeng gawing basehan ng wikang pambansa.

Ang napili ay Tagalog. Marami ang nagsasabi na Tagalog ang napili dahil Tagalog si Quezon. Isa sa mga prominenteng kritiko ay si Osmena, isang Bisaya. Bakit Tagalog e magkasing dami naman ang nagsasalita ng Bisaya at Tagalog (at ibang major dialects tulad ng Hiligaynon at Ilocano). Ang sagot ay nasa tanong na mismo. Kahit anong dialect pa ang mapili, kokontrahin pa rin ito. Isa pa ang Tagalog ay isang basehan lamang. Iba ang Tagalog sa Filipino. Ang Filipino ay naghihiram ng mga salita mula sa ibang dialect para lalo itong mapayaman.

Magandang halimbawa ang mga salitang ‘bana’(husband), ‘kawatan’(thief), ‘palawig’ (extend). Ito ay mga salitang Hiligaynon pero dahil na rin sa convenience, ginamit na ito sa Filipino. Isa pa, ang mga dialect sa bansa ay galing lang sa isang pangkat ng mga wika. Ibig sabihinm magkakahawig lang ang mga ito at medaling pag-aralan. Meron ding mga salita na pareho ang kahulugan sa iba’t ibang dialect. Halimbawa ang ‘mata’. Kahit saan ka sa Pilipinas, ang ‘mata’ ay ‘mata’.

Balik sa kasaysayan. Hindi natapos ang ten-year transition period ng Commonwealth dahil sa World War Two. Ang mga Hapon ay may sariling agenda. Nagtatag sila ng sistema ng edukasyon para burahin ang impluwensya ng mga Amerikano sa mga Filipino. Ginamit ang Filipino bilang medium of instruction, pero at the same time, ang Niponggo. Ang layunin ng mga Hapon ay diumano ipakita na lahat ng mga Asyano ay magkakapatid at mga salot ang mga Kano. Promising di ba? Pero tulad ng US, may imperial interests din ang mga Hapon. May hawig sa taktika ng mga Kano. Pero hindi ito naging matagumpay kasi siempre digmaan, halos wala na nga makain ang mga tao, mag-aaral pa sila.  Yung malala pa, pagkatapos ng digmaan, ang tingin ng mga Filipino sa mga Kano ay mga tagapagligtas. Lalo pang tumibay ang attachment ng mga Filipino sa mga Kano at sa kanilang kultura.

Pagkatapos ng digmaan, naging malaya na ang bansa. Paherong mabuti at masama ang pagtuto ng mga Filipino ng banyagang wika (Agoncillo, 1977). Nakapaginterak ang mga Filipino sa buong mundo, perong naging mababa ang tingin nila sa sariling kultura. Ang polisiya ay hindi nagbago, Ingles pa rin ang medium of instruction, at official language sa business, governmental, at legal proceedings.

 

“A foreign tongue as a medium of instruction constitutes an impediment to learning and to thinking because a student first has to master new sounds, new inflections, and new sentence constructions. His innermost thoughts find difficulty of expression, and lack of expression in turn prevents the further development of thought. Thus we find in our society a deplorable lack of serious thinking among great sections of the population. We half understand books and periodicals written in English. We find it an ordeal to communicate with each other through a foreign medium, and yet we have so neglected our native language that we find ourselves at a loss expressing ourselves in this language.” (Constantino, 1966)

 

Noon, konti lang ang may access sa impormasyon sa pagitan man ng media o edukasyon.pero ngayon, kahit sino na ang makakabili ng dyaryo o radio o TV o Internet pa nga. Nakatulong din ang mass media para lumago ang Filipino, pero mas malaki ang epekto ng ipinasok ng mass media sa bansa, mga kanta, pelikula, palabas, libro. Hindi na limitado sa US o Western na kultura, pati na Hapon at Koreano na media (at kultura) ay tinatangkilik na rin.

 

Malinaw na sa bawat importanteng nangyayari sa bansa, parating may bagay na may kinalaman ang wika. Hindi ito nakakagulat, sabi nga ni Jacob Burckhart, ang wika ang kaluluwa ng isang nasyon. Kung gusto talaga natin baguhin ang sitwasyon ng bansa, hindi sapat ang pagsisi ng lahat ng problema sa mga kurap na pulitiko. Kailangan matuto sa kasaysayan. Ang wikang pambansa ay binuo hindi para mag away-away tayo o para maging mababa ang tingin natin sa atin sarili. Ang wikang pambansa ay para magkaisa tayo at magkaroon tayo ng pagkatao lalo na ngayon sa panahon ng globalisasyon.