Goin Bulilit: Programang For Adults Only
Ang programa na Goin Bulilit ay isang gag show na pinapalabas tuwing Linggo ng gabi sa ABS-CBN. Natatangi ito dahil mga bata ang mga aktor at aktres ang gumaganap sa show. Ang tanging matanda (adult) sa show ay si Dagul, isang comidianteng may dwarfism, o simpleng ‘unano’. Dahil sa kakaibang konsepto nito, pumatok ang palabas sa madla. Ilang ‘batches’ na nga ang meron dahil hanggang 12 years old lang sila pwede sa show saka sila ‘ga-graduate’. Karamihan sa mga batang aktor dito ay dumideretso na sa mga ‘mas mature’ na roles tulad ng sa drama.
Nagbubukas ang palabas sa isang gimik; isang babala na nagsasabi na ‘the following program is for adults…also.’ Umpisa palang napapangiti ka na. Pero totoo nga ba ito? Maraming di-derektang idinudulot ang palabas na Goin Bulilit na hindi makikita sa unang tingin.
-0-
Merong dalawang konsepto kailangan unawain sa pagtalakay sa Goin Bulilit, ito ang socialization at mass media.
Ang proseso ng socialization ay kung saan nalalaman at natutunan ng isang indibidual kung paano maging kasapi o kabilang sa isang partikular na lipunan sa isang partikular na panahon. Ang bawat lipunan ay merong mga norms (naaangkop na ugali), values (konsepto ng tama at mali), beliefs (mga paniniwala tungkol sa mundo), laws (mga batas, nakasulat na norms), at pati na rin mga taboo (mga bagay na hindi kanais-nais pag-usapan o gawain). Merong mga agents of socialization kung saan malaking amount ng socialization ang nangyayari. Kabilang na sa mga agents ay pamilya, pamahalaan, eskwelahan, simbahan, at ang pinakabago pero unti-unti nagiging pinakamakapangyarihan: ang mass media.
Kapag sinabihan ka ng nanay mo na magmano sa lola mo, yan ay socialization. Kapag sinabihan ka ng pulis na bawal tumawid sa daan, yan ay socialization. Kapag sinabihan ka ng teacher na namatay si Rizal para sa bayan, yan ay socialization. Kapag sinabihan ka ng pari na masama ang magsinungaling, yan ay socialization. Madalas ang mga agents na to ay nagtutulungan para mapanatiling payapa at maayos ang lipunan.
Pero ibang usapan ang mass media. Ang mass media ay tumutukoy sa maraming paraan ng komunikasyon na nakakaabot sa maraming tao o audience na wala naming personal na kontak sa pagitan ng mga ‘senders’ at mga ‘receivers’. Ang mass media ay pwedeng nakasulat (e.g. newspapers, magazines), naririnig (radio), naririnig at nakikita (TV, pelikula) o di kaya pinaghalo-halo na (Internet). Ang mass media ay importante dahil convenient itong paraan ng pagkalat ng impormasyon tulad ng balita. Nakikita ng mga tao ang mundo gamit ang mass media. O di kaya gumagawa ng mundo ang mass media?
Merong kakayahan ang media na baguhin ang mga norms at beliefs sa mabilis na paraan. Ito ay delikado dahil madalas ang media ang instrumento ng mga partikular na tao o partikular na social class.
-0-
Ang palabas na Goin Bulilit ay, bilang isang uri ng mass media, isang agent ng socialization. Bilang isang gag show, ginagamit nito ang humor para makapaglibang. Isang paliwanag ng humor ay paraan ito ng lipunan na pag-usapan ang mga taboo o mga masyadong seryosong bagay. Magandang halimbawa ang sex at pulitika na madalas ginagamit sa jokes. Ayos lang, kasi joke nga lang.
Ano ang mangyayari kapag gumagamit ka ng mga bata para magbiroan tungkol sa maraming isyu sa lipunan? Nakakatuwa para sa matatanda pero para sa bata, nadadala nila ang mga ugali na nakikita nila sa TV(na pinapakita ng mga bata rin). Hindi nakakatawa ang Goin Bulilit dahil nakakatawa ang jokes, kundi dahil mga bata ang nagde-deliver. Ang mga matatanda ang nalilibang habang ang mga bata ay hindi lang nalilibang kundi natututo rin. Nakakaalarma pa ang mga isyu na tinatalakay nila: pulitika, pamilya, trabaho, kasal, edukasyon, rehiliyon, kasaysayan, homosekswalidad, pag-ibig, at pati na konsepto ng kagandahan.
Meron nga dati isang artista, si Kiray, na halos puro jokes tungkol sa kagandahan lang ang binibigay. Sya ay pandak, maitim, kulot, mababa ang ilong, samakatuwid, ‘pangit’. Si Dagul naman ay puro jokes tungkol sa laki o tangkad ang binabanat. Ang pagiging unano ay hindi na karamdaman kundi nagiging isang nakakatawang katangian ng tao. Ilang beses din sinu-spoof ang mga pulitiko tulad ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo. Meron din mga batang lalaki ang nagbibihis babae na may kasama pang makukulay na mga wig. At ano ang ginagawa ng mga ‘batang bakla’? Nagtsi-chismis.
-0-
Kailangan buwagin ang Goin Bulilit kung di man ilipat sa timeslot na matatanda na lang ang gising. Ang programang tulad nito ay for adults only dahil tanging sila lang ang may kapasidad para ipagkaiba ang biro sa realidad. Ironic kung tutuusin na ayaw ng mga tao manood ng mga programang tumatalakay ng kahirapan o kurapsyon at iba pang social ills, pero tinatangkilik pa ang mga programang tulad ng Goin Bulilit.
Hindi man natin namamalayan, pero humuhubog tayo ng isang henerasyon ng mga mamayan na biro ang turing sa mga importanteng isyu tulad ng pulitika at kasarian. Ginagawa natin ito habang nasa harap ng TV, katabi ang mga anak, at tumatawa.
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.



i believe that it all depends on the viewers of how will they interpret things. Para sakin, lahat ng bagay ay may “mali” or we can say may negative interpretation, even if was really made/meant for the good. kuha niyo? haha. All we have to do is to look on these things on the positive aspect. wag kayong kj
And of course parents should explain this to their children.
..ibalik ang BATIBOT..!! Kkmiz aman. Yn ang d’best sken
salamat at my kakampi ako,
di ka nag-iisa. Yes, this show is truly misguided. I even banned my niece and nephews not to watch this show. They better watch K Channel or Nat Geo.
kaya nga may babala na parental guidance para ma sabi nlng parents nila kng ano ang tama at mali..
ano problema nyo? wala namang masama sa palabas ng going bulilit ah.. matalino na rin ang mga bata ngayon kung tama at d tamang sundin ang ginagawa ng mga kids dun.. alam namang nilang nagpapatawa lamang sila.
ang daming nagmamalinis dito…pwe! kung kagaya ng pag-iisip nyo pag-iisip ng mga anak nyo tama lang na wag nyong panoorin ang mga anak nyo ng ganitong show…kuha nyo!?!
reklamador kyong lahat,sbhin nyo nga kng anung tv station n may mgndang concept???wala!!!!!!not only in the philippines but all over the world thats why we accept the reality of our todays generation!!!
well tama nga naman…
nakakatuwa naman ang mga jokes nila sa mata ng matatanda dahil alam nila ang kaibahan ng ‘joke’ sa ‘realidad’ ngunit sa mata ng mga bata ang isang ‘joke’ ay maaari rin maging isang ‘katotohanan’ dahil hindi naman nila masyadong naiintindihan ang pinag kaiba ng isang ‘joke’ sa ‘realidad’ kaya ginagawa na nilang katatawanan ang mga dapat sana ay seryosong usapin tulad ng korapsyon na minsan ay isa sa mga scene ng goin’ bulilit ^^
Ok lang to imitate adults. Kaya lang me section sila dun ginawang full story of adults. What’s the point?
besides from Bubble Gang of GMA this is also one of the funniest shows on TV
Production
The show was created by Edgar Mortiz, who co-directs with his son, Frasco Mortiz. Roderick Victoria serves as Creative Manager. The creative/writing team is led by headwriter Sherwin Buenvenida and includes writers Rolf Mahilom, Josel Garlitos, Toffie Runas, Yani Yuzon and Badjie Mortiz.
Di ko rin talaga gusto ang konsepto ng TV show na yan. Funny tingnan when a child imitate an adult pero di tama na ipagawa sa mga bata ang mga bagay na ginagawa ng matanda such as, womanizing, drinking, stereotyping,bribing, etc. Kaya it’s a no no na in our home. Ok yung mga activities and play ng mga kids sana gawin na lang educational instead of a gag show.
“For Adults Only” yan tlga dapat nilalagay nila sa intro..
.. or dapat lagyan nila ng malaking PARENTAL GUIDANCE sa baba ..
d wag kayong manood,magising n kyo sa katotohanan n gnito na ang hererasyon ngayon!!!
there was this 1 time yung scene nasa bar then nagpapatayan daw u 2 b0ys for a girl.. I ws lyk “WTF?”
Mga bata yun na sa show pero yun joke nila d pang bata… Yun kids ko bawal sila mag watch ng going bulilit.
Also di ba…..
“for adullts only” kase hindi dapat panoorin ng bata…
A direct attack on a TV show.
Hmmm. Interesting.
parang ganito yata ‘yun – Goin’ Bulilit: Programang For Adults Also
Mali ang pnapalabas nla kz ang mga character nla don ay pang adults n, panget s paningin ng bata. . . Dapat mag act n lng cla as age nla ung may kabutihang asal . . . .
Npakalaki talaga ng impluwensya ng media sa kaisipan ng mga tao lalo na sa mga kabataan. Sana ay mga mabubuting ehemplo ang ipinapalabas sa TV kasi lahat ng napapanood sa TV ay madaling gayahin ng mga kabataan natin.
the writer called kiray “pangit”? good looking s’ya cguro ahaha! don’t let your kids watch tv if it alarms you… dont let them watch Dora ang lakwatsera and barney ang baklang dinosaur… cartoons today have different meanings too…
Oo nga…hehehe
Hindi po ba: “For adults Also”?