Usok-Hamog
Sa gulod na yaon pinagmamasdan kita.
Doon sinasariwa masasayang ala-ala.
Ikaw at ako kapwa masaya, nagtatawanan puno ng ligaya.
Masaya akong tumakbo palapit sa iyo.
Sa likod ng usok-hamog sa umagang iyon.
Hinihintay mo ang aking pag dating.
Habol ang hininga sinuong ko ang nadidimlan pang paligid.
Sa likod ng usok-hamog ikaw ay makikitang muli.
Puso’y nadurog nang sa aking pagdating,
Ikaw ay inangkin na ng iba at sya na ang kapiling.
Sino ang nagkasala, ako ba’y natagalan sa pagdating.
At ka’y bilis mong nawala sa akin.
Gusto kong kunin kang muli sa kanya,
Sapagkat puso mo’y sa akin naman talaga.
Ngunit sa batas ng tao ito’y bawal na.
Sapagkat ikaw ay nakatali na.
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.



galing mo!
galing mo!
Thanks guys 4 liking
Thanks guys 4 liking