Ang Buhay Ko
Ako ay simpleng tao,nakatira sa hindi naman ganung sikat na subdivision o village sa Maynila,nakatira ako sa isang lugar sa Taguig.
Tulad ng marami may pangarap din katulad ng iba,ang maging isang pulis o sundalo yung tagapagligtas pero dahil sa kahirapan mas ninais ko pang kumita ng pera kaysa mag-aral muna.
Nung kumikita na ng pera nawili na ako sa trabaho masarap pala kumita ng PERA, nakalimutan ko na ang aking pangarap hanggang sa nawala na ang pagkakataon mag-aral. Hanggang nakita ko ulit ang babaeng gusto ko, nabuhay ulit ang aking pangarap na mag-aral para sa kanya at para din sa akin ngunit hindi ganun kadali. Napansin ko ang aking nanay na nahihirapan na naman sa pagpapa-aral sa akin, kaya ayun naghanap ulit ng trabaho, ganito karamihan ang buhay ng tao sa Pilipinas.
Mahirap talaga maging mahirap dahil mas kaylangan mo magtrabaho para buhayin ang pamilya at ang sarili mo. total naman magtratrabaho ka rin pagkatapos mo mag-aral bakit hindi mo pa gawin ngayon di ba.
Nagtrabaho ako bilang isang factory worker, repacker ng bigas sa NFA at construction worker at buti naman naintindihan ng aking nanay at ng babaeng gusto ko na magtrabaho nalang kaysa mag-aral, minsan napaisip ako kasi marami ako nakikita na mga binatilyo noon, na nasa kanila na ang lahat para makapag-aral ngunit sa halip nasa billaran pala kundi nasa mall o beerhouse.
Sayang sabi ko sa sarili ko kung ako lang sana ay katulad nila, pagbubutihan ko ang pag-aaral ko para makatapos, magkaron ng magandang trabaho at magkaron ng magandang buhay pero THIS IS WHAT I AM.
Nagkaron na ako ng sariling pamilya, may tatlong anak na mababait, masisigla at mapagmahal na asawa wala na akong mahihiling pa sa Diyos kundi mabigyan sila ng magandang buhay.
Dumating ang araw na hindi na sapat ang aking kinikita buti nalang ay nagkaron ako ng pagkakataon na magtrabaho sa ibang bansa at ito na ako 4,822 miles from Manila. Hindi ko inakala na mas mahirap pala magtrabaho dito kaysa sa Pinas.
Napaisip ulit ako sa pangarap ko pero this time may period na, ang pangarap kong yun, dahil I have to work hard for my family pero mabait talaga ang Diyos dahil kahit sino ka pa, if could just pray and ask Him let him into your heart and he will completely make you a whole person ganun ang ginawa ko at isa ang pumasok sa isip ko, ang buhay ko ay ang pamilya ko ang asawa ko at ang mga anak namin, sila ang nagbibigay inspirasyon sa akin para magkaron ulit ng pangarap, pangarap na magkaron sila ng magandang buhay.
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.



galing mu idol…
ma swerte ang pamilya dhil syo nagagwa mo lahat para sa kanila bilang padre de pamilya…pag patuloy mo yan more bless!!!!
Hi po. Do you want to try VMobile Technologies Inc.? earn 30,000/day using your cellphone. One sim-one cp-LOAD ALL NETWORKS! kindly add me on facebook.. [email protected] or txt me @ 9493730969. GOd Bless. Looking forward to help you. GOd Bless
Nakaka impress! Please keep up the good work! Ikaw ang tipikal na Pilipino! I am so proud of you. I came from Pasig. Parang magkapitbahay tayo.