Dapit-hapon noon at walang magawa sa buhay kaya naisipan naming tumambay sa tabing daan at pagmasdan ang mga jeep na dumadaan na byaheng Balic-Balic to Quiapo..Isang puting balahibo na galing sa buntot ng isang tandang ang umagaw sa atensyon ko, dinampot ko ito at hinimas-himas ko habang nakatambay at nakatingin sa daan.. Parang may kulang sa pagtambay namin..Kinapa ko ang gilid ng shorts ko at kinuha ang natitirang limang piso na maghapon ng nakaipit sa tagiliran ko.. tinawag ko ang tropa ko at hinagis ko ang limang piso, nakangiti nyang sinalo ang barya..”Tol bili ka ng tatlong Marlboro yung sukli ibili mo ng burger tsaka softdrinks!!” sumagot xa ng nagtataka ang hitsura..” Ano?! Limang piso?! Burger tsaka softdrinks?! Sana sinabe mo na lang na magnakaw ako!!” Hindi na ko sumagot dahil abala ako sa pagsundot ng puting balahibo ng manok sa tenga ng isa kong tropa..Dumating na ang inutusan ko na umuusok na ang bibig at biglang naghamon ng…..”Tol trip lang oh.. kapag may dumaan na babae kelangan makipagkilala ka at makapag kwentuhan kayo basta kanya-kanya diskarte tayo.. Ano?! Pagalingan tayo ng diskarte sa chix!!”

Medyo kinabahan ako kasi di ako sanay sa mga ganun..Sa totoo lang mahiyain ako pero andito na to kelangan umisip ng matinding diskarte..Naunang dumiskarte ang tropa ko na naghamon..Tumayo sya at inayos ang damit at sinuklay ng kamay ang buhok hudyat na yon para sa dumiskarte ng babae..Namataan nya ang isang babaeng estujante na paparating..Lumapit sya para makipagkilala pero di pa sya nakakapagsalita ay biglang hinawakan ng babae ang bag nya na sobrang higpit at patakbong lumayo sa tropa namin..Humagalpak kame sa pagtawa at sinigawan namin syang “snatcher” hahaha!! Pero hindi sya sumuko at itinaas nya ang kamay at sumenyas ng “Isa pa” tumango kame para pagbigyan sya na dumiskarte ulit..Sa ngayon medyo natagalan sya sa pagpili at binabasang mabuti ang babaeng kikilalanin..Nilapitan nya ang isang babae at nagpakilala pero tinaas ng babae ang kanyang bag na akmang hahampasin sya nito.Mabilis sya na bumalik sa pwesto namin at nakatawa na umupo habang hinahampas ko ng puting balahibo ng manok.

“Ako naman!!” sabe ng isa ko pang tropa at biglang bumanat samin ng “watch and learn”.. Tumayo sya inayos ang damit at binasa ang labi..kinagat-kagat nya ito para daw pumula..Tumayo sya sa isang tabi at sumandal sa pader habang nakataas ang isang paa.. Ilang babae na ang dumaan sa harapan nya pero di pa din sya gumagalaw..Sinigawan namin sya na “Asan na ung watch and learn?!” at humagalpak kame sa pagtawa..Lumapit sya samin at sinabeng di nya daw kaya at natatakot sya..Tumawa kame ng malakas pero sa totoo lang natatakot din ako..Natatakot din akong mapahiya..

Tumayo na ko..At sa mga oras na ito ako naman ang didiskarte..Tinitigan ko ang hawak kong puting balahibo ng manok at naisip ko na kung ano ang gamit nito..Nakita ko ang isang babae na nakadamit pang nursing pinauna ko syang maglakad at nasa likuran nya ko..(at bigla akong nagsalita) “Miss! Miss! Sa inyo ba ‘to?” ( lumingon sya at sabay kong pinakita ang hawak kong puting balahibo sa kanya.) kumunot ang noo nya at nagtatakang nagsalita ng “Huh?! Aanhin ko naman yang balahibo na yan?! ( sumagot ako ng) “Ay sorry i thought ur an angel baka kasi nalaglag sa pak-pak mo..” ngumiti sya at nagsalita.. “Hhhmmm.. You got me…