Mamang Jeepney Driver
Ang jeepney ang isa sa mga major transportations natin sa Metro Manila. Kung may jeepney dapat may driver at sila ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay.
Tuwing tayo ay papasok sa school, office, mall o kung saan man traffic ang ating katunggali sa kalsada. Kailangan na maglaan ng allowance para di mahuli sa ating pupuntahan. Kaya lang may mga pagkakataon na tayo ay napapasok sa sitwasyon na buzzer beater (late nagising o inasikaso muna ang mga anak bago pumasok sa opisina). Kung kailan naman nagmamadali doon ka pa makakasakay sa jeepney na walang pakialam ang driver sa mga pasahero nila. Naranasan nyo na ba ang mga ganitong sitwasyon?
Tuwing umaga ay siguradong nagmamadali tayo na makasakay ng jeepney para di ma-late sa school o trabaho. Pero may ilang driver (di ko nilalahat) na pasaway at walang pakialam sa mga pasahero. Traffic na nga sa kalye dumadagdag pa si mamang driver sa pag-init ng ulo. Bakit kung kailan ka nagmamadali atska doon pa lamang sila mag-papakarga ng gasolina sa kanilang minamaneho? Kung minsan naman ang bilis ng andar ay mabilis lang ng konti sa mga “karo”. Hay naku anak ng pitong kuba talaga naman oo! May mga driver din naman na sobrang takaw sa pasahero, isa o dalawang kulang na lang gusto pa yata lahat ng madadaanan ay isasakay nito kahit di naman siya pinapara ng mga ito. Kung minsan naman ay lahat na yata ng kanto ay hihinto ito at mag-aantay ng mga pasahero yong tumigil sila ng 3 minuto ay malaking kawalan na sa oras ng pasahero.
Alam naman natin na hanap-buhay nila ang pag-drive ng jeepney. Kaya lang sana naman ay may konsiderasyon din sila sa kanilang mga pasahero. Kung umaga asahan ng mga jeepney drivers na may hinahabol na oras ang kanilang pasahero.
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
Author: marissa reyes navarro
a wife and a mother of three daughters. I'm a woman with plenty of emotional strength because.... “I know God will not give me anything I can't handle."



So true (sa ilan). Sadyang walang ginawang perpekto sa mundo.
Tama, pero marami rin naman mapagsamantalang jipni drayber.