“Nang Umibig ang Bandido” (My Proposal)
Thursday, February 18, 2010 at 9:42am
Tumawag sakin ang girlfriend ko kanina at pinagusapan namin ang tungkol sa wedding ring sabe ko sa Pinas na lang kami papagawa para masunod ang design..Pero nagsimula na syang kiligin nung sinabe kong dito na ko bibili ng engagement ring na para sa kanya..Pero nagsimula na nman syang kabahan kasi binanggit ko sa kanya na abangan nya kung pano ako magpopropose sa kanya hehehe.. Alam na nya kasi ang ugali at style ko sabe nya sakin “Subukan mo lang magpropose sa karendirya o kaya sa kanto talagang iiwanan kita dun tatakbo talaga ako..!! Tawa kami ng tawa kasi naiimagine na nmin ang isat-isa pag ganun ang mangyayari..Alam nya kasi na anytime magpopropose ako kahit nasaang lugar man kami..hanggang ngayun wala syang clue sa proposal ko..Alam nya kasi na hindi ako sosyal at anytime pwede akong lumuhod kahit saan at isuot sa kanya ang singsing at sabihin ang magic words.. Pero mukhang mahihirapan ako kasi alam na nya ang mga style ko at alam na nya ang iniisip ko tulad ng mga ‘to..
1. Sa kalye sa may nagtitinda ng banana-q yayayain ko sya dun pero di nya alam na nakapaloob pala yung singsing sa saging na nakatusok sa stick..pag nakita kong nakagat na nya yung singsing bigla akong luluhod sa harapan nya..Ay mahahalata nya pala ako kasi kakain lang kami ng banana-q sa kalye naka long sleeve pa ko..
2. Sa bahay na lang..Susunduin ko sya sa work tapos pag-uwi namin sa bahay makikita nya sa mesa ang labin-tatlong baso na may laman na softdrinks..Labin-tatlo kasi yan ang petsa ng anniversary namin.. Sasabihin ko sa kanya na makikita mo ang singsing sa isa sa mga baso na yan pag ininom mo lahat yan.. Ay wag na pala yan kasi baka mamaya nakakadalawang baso pa lang sya mabadtrip na sya sakin at suntukin ako.
3. Labin-tatlong mga balbon na aso..Paggising nya pa lang sasabihin ko sa kanya na hanapin nya ang singsing sa mga balbon na aso na yan.. nakatago ang singsing sa isa sa mga aso na yan..timer starts now..!! ay wag na pala un..baka sapakin ako nun kasi bagong gising sya..
4.Sa karendirya..Oorder ako ng bulalo at ipapasok ko ung singsing sa loob ng buto dun sa may bone marrow ng baka..Gusto nya kasi un naiinggit sya sakin kapag tinataktak ko ung buto at kinakain ko ung bone marrow ng baka..Ang gagawin ko pababayaan ko syang itaktak ung buto at kasabay ng pagbagsak ng laman ay kasabay din ang singsing..Ay wag na pala yan..Mababadtrip lang sya at sakin nya pa din ipapasa ang buto at sasabihin na ako na lang ang magtaktak kasi di sya marunong.
5. Ipaloob ko na lang kaya sa CHIQUITO yung parang Nagaraya na tig pipiso..Kasi madalas kaming mag-agawan pag nanonood kami ng movie sa bahay..madalas aagawin nya sakin un tapos tatakbo sya sa kwarto at ilolock ang pinto at dun nya uubusin..Oo tama..!! ilalagay ko na lang sa loob ng Chiquito para pag inagaw nya sakin at tumakbo sya sa kwarto pagbukas nya ng plastic makikita nya un singsing..Ay wag na pala un..baka isipin nya na nafree lang sa chichirya ung singsing nya at bungangaan na nman ako nun..
6. Sa Commonwealth Market na lang kaya? Madalas kaming mamalengke ng madaling araw dun eh..yayayain ko sya dun..Tapos iiwanan ko muna sya sandali habang pumipili sya ng mga isda.. May videoke kasi dun..Magugulat sya maririnig nya ang boses ko sa mic at bago ako kumanta ituturo ko sya na para ko syang binabaril at sasabihin sa kanya sa seductive na boses na..”This song is for you Bang.! Bang.! Sabay bato ng flying kiss..!!..Syempre magsisigawan ang mga tao sa palengke at lahat nakatingin sa kanya..EEeeeeeeee..!! (nakakakilig)..Ay wag na pala yan macocornyhan at mababadtrip na nman yun at sasabihin na nakakahiya ang ginagawa ko baka mamaya paglumapit ako sa kanya baka di na nya ko kilala at sasabihin na hindi nya ko kasama..Sigurado iiwanan ako nun eh nasa kanya pa naman ung pamasahe..
Haaaay..Basta bahala na.. Ang importante muna makauwi ako ng Pinas at dun ko na paplanuhin ang binabalak kong proposal para sa kanya..napaka sosyal ng mga naiisp kong proposal no? Ikaw kung papipilin kita jan sa listahan ng proposal ko ano ang pinaka gusto mo at nakakakilig sa lahat? Bang.! Bang.!
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.
Author: prodigal_klown
Ay naniniwala sa sariling kasabihan na... "Hindi porke wala nakakaintindi sayo ay Artist mo ng matatawag ang sarili mo..."

on 
Mas maganda yong dalhin mo sya sa romantic place , bigyan mo sya flowers at mag dinner kayo. Mas ma appreciate kasi yon ng mas maraming babae pero di naman lahat:) Goodluck
ung huli… aaahhh lupet!!! ahahha ang haba ng hair ni ate!!
wacky but sweet!
kinilig naman ako sa mga options mo.. yug number 6, super nakakahiya talga yon pero kabog! pag ginawa mo yon, siguraduhin mo lang na may pamasahe kang extra sa bulsa mo… BEst wishes!
Ayos ah…hahahahaha
simple lang author.. Magpakatotoo ka! kahit anong proposal na gagawin mo ay tiyak na kikiligin ang soon to be misis mo.. nasa diskarte mo na kung alin ang pinakagusto mo… dapat maging memorable ung gagawin mo.. pero kung pipili sa mga nabanggit, siguro dun ako sa 6 mas maraming taong makakakita mas ma-a-apreaciate nya at magiging memorable ito sa inyo
best wishes and good luck
U try to take her to the beach and u try na magpakamatay and if she will try to save u doon propose to her na hehhehe….
ibig lg sabihin luv nya tlga kc andami nyang plan pra lg mpasaya ang mahal nya
that’s so sweet. =) just the thought of you trying to figure out how you will propose in a very special way is sweet!
God bless to both of you!
that’s so sweet. =) just the thought of you trying to figure out how you will propose in a very special way is sweet!
God bless to both of you!
none of the above.:))
5 or 6..ok un buti kung iwan ka nun..sbe nya lng un..hehehe
wala, kase madami ng gumawa nyan, gawin mo na lang kung ano ang alam mong makakaligaya sa kanya at ikatutuwa nya, no need to do something you dont feel to…period
5 or 6. .
cool!!!
4 or 6 hehe