LECHE FAMILY

“Leche!! Pinapahanap ko sau ung simcard panay ang inom mo jan!!” (yan ang malambing na salita ng nanay ng barkada ko) “Langya nman kayo oh may mga bisita ako nagbubunganga kayo jan!! Napaka burara nyo kasi!!” (yan din ang malumanay na sagot ng barkada ko)..”Aba sumasagot ka pa?!! hanapin mo un!! Pag di mo nakita un…makikita mo!!” (ano daw?) natatawa na lang ako sa sagutan ng mag-ina.. naiinggit ako kasi may ina xang nagagalit sa kanya.. Nakita na ang simcard..diretso na ulit ang inuman pero nababdtrip ako sa barkada ko..halos murahin na nya ang nanay nya.. pag balik nya samin sa upuan gus2 ko xang sapakin kasi di xa magpasalamat at may nanay pa xang nagagalit sa kanya..kung alam nya lang sana kung gano kahirap ang walang magulang..

Umuwi na ko..pagkababa ko ng jeep dumaan muna ko sa isang gotohan sa malapit sa tinitiran ko sa sampaloc.. “Putang ina talaga tong si tatay oh!! Di maasahan sabe ng dalin ung kaldero..Nay ano ba yang asawa nyo? Di pa mamatay?!!”(sumagot ang nanay) “alam mo nmang galing namasada un baka nakatulog na nman..wala talagang silbi yang tatay mo!!” Yan ang eksena habang sinasandok nya ang goto na inorder ko na parang puno ng pagmamahalan ang pamilya nila..napaisip ako kawawa nman ung ama..pagod na nga namasada tinawag pa ng asawa na “walang silbi” at pinanalangin pa ng anak na mamatay..(happy family)

Habang sumusubo ako ng goto..naisip ko ang kabilang anggulo ng pamilya..napansin ko bakit may mga anak na kapag naging successful sa buhay ay nawawalan na sila ng respeto sa magulang.. katulad ng tindera ngayun ng goto..sa isip-isip ko..”langya goto pa lang ang negosyo ng taong to pero kung tratuhin nya ang mga magulang nya ganun na lang..buti na lang hindi xa ang may ari ng MICROSOFT COMPANY baka xa na ang pumatay sa tatay nya..”
“Ate isang tokwa nga po” umorder ako habang tinititigan ko xa..gus2 kong intindihin ang side ng tindera..gus2 kong pag-aralan kung bakit ganito na lang ang galit nya sa mundo..alam ko hindi ito ang pinapangarap nyang buhay..nakikita kong hindi xa masaya sa ginagawa nya..nakikita kong ang lahat ng ito ay sinisisi nya sa kanyang mga magulang..

Sino bang magulang ang ayaw maging masaya at maginhawa ang buhay ng mga anak nila? Sino bang mga magulang ang hindi nagsikap para hindi maranasan ng mga anak nila ang kahirapan na dinadanas nila? Sino bang magulang ang nagtitiis ngayun sa pagtrato ng kanilang anak na parang wala silang nagawa para guminhawa ang buhay ng anak nila? Sino bang magulang ngayun ang nagtitiis na lang sa pagkapit sa anak para lang may makain kahit ang kapalit n2 ay kawalan ng respeto sa kanila ng anak?

Siyam(9) na buwan at kung ilan ang edad mo ngayon..yan ang sakripisyo ng magulang natin..
Ilang taon na din ang lumipas buhat ng makainuman ko ang barkada ko sa bahay nila at masaksihan ang eksena..ilang taon na din ang lumipas nung huli akong kumain ng goto sa lugar na yon..hinding hindi ko malilimutan ang lugar na un..sila kasi ang dahilan kung bakit ko ginawa ng blog n2..Ginawa ko to para sa mga magulang..

Siguro kung bibigyan ako ng pagkakataon para kumain ulit sa lugar na kung saan ako kumain ng goto.. pipipliin ko ung dating oras, pareho ng inorder ko dati..isang tokwa isang goto.. oorderin ko ulit kung ano ang kinain ko nung mga oras na un..titingnan ko kung may nagbago ba sa pamilya nila..

At kung sa tingin ko walang nagbago..wala na kong magagawa.. wala ng ibang tao ang pwedeng tumulong sa kanila kundi ang mga sarili nila para maayos ang kanilang pamilya… isa na lang ang option ko..isang tao lang ang pwede kong hingian ng tulog… si SANTINO ang batang pakialamero………


©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.


Author: prodigal_klown

Ay naniniwala sa sariling kasabihan na... "Hindi porke wala nakakaintindi sayo ay Artist mo ng matatawag ang sarili mo..."

You may also like:

19 Responses to LECHE FAMILY

  1. Everything I am is because of my parents who said YES to God when I was entrusted to them as their child.

    Salamat sa pag share ng post na to..mahirap maintindihan ang ibang tao kung bakit ganun sila sa magulang nila. Di na natin kailangan na intindihin pa sila basta ang mahalaga mag umpisa satin ang pagmamahal sa sarili nating magulang at sa sinumang magulang.

  2. nasa huli ang pagsisisi :) minsan kasi may mga dahilan ang anak kaya ganoon sila sa kanilang magulang…. na hinding hindi mababago ng kahit na sino lalo na kung meron syang malalim na dahilan :)

  3. nasa huli ang pagsisisi :) minsan kasi may mga dahilan ang anak kaya ganoon sila sa kanilang magulang…. na hinding hindi mababago ng kahit na sino lalo na kung meron syang malalim na dahilan :)

  4. good article..pero sana naman hwag mo n lng syorkatin ung ibang words para mas magndang basahin,di naman txt message un eh…anyway maganda ung gusto mong iparating s mga resaders.

  5. natawa nmn ako sa pahabol na si santino ang batang pakialamero

  6. natawa nmn ako sa pahabol na si santino ang batang pakialamero

  7. Jet Pamintuan ...

    salamat po sa mga nagcomment at nag like..

  8. Jet Pamintuan ...

    salamat po sa mga nagcomment at nag like..

  9. Ang generation ngayon ganon na…..walang respeto sa magulang sa matatanda…..nakasanayan na kasi eh……ang mga magulang noon ay naka lasap ng hirap kaya ang mga anak nila ay marunong gumalang…..pero ang henerasyon ngayon naku wala akong masabi kasi “laki sa layaw” jeprox!….spoiled ika nga. Kaya walang galang…..itoy hindi ko nilalahat pero mas madami ngayon ang walang galang na mga bata sa atin……lalo na ang hindi naka pag aral..walang edukasyon!

    • ..hnd rin.. may nkakasalamuha ako, nka college uniform.. pero ganyan din.. hnd komo hnd nkapag-aral ganyan ang asal.. marami din ang my pinag-aralan na maaskad ang ugali.. lalo n kpg hnd nkapag aral ang kaharap or hnd nya kilala..

    • ung iba nga titulado, pro ganyan din..

  10. reality sucks!!!

  11. ganyan nb talaga ang panahon ngayon

  12. me too Bill, can’t open and read the whole thing…

  13. why can’t i open DF blogs? :(

  14. Ica Al-Harbi ...

    hindi naman lahat ng magulang ganyan eh, sana ganyan nalang lahat!. kase yung iba kahit nga simpleng ‘SORRY’ sa ginawa nila wala nga eh! kaya may mga bata din na katulad ko na sumasagot sa magulang nila kase kahit anung ipakita nila ngayon na maganda kung sa nuon na ginawa nila eh hindi nila maalis yung ginawa ng magulang nila! WALA parin. dapat magandang pagpapalaki at para hindi sila bastosin!

    • hnd nmn masama na sumagot e.. Timing lng.. kpg galit magulang mo, try mo sumagot ng mahinahon.. kahit kanino ka makipag-usap, kapag galit.. try mo sumagot ng mahinang boses at mahinahon lalo na sa work.. effective un. hnd man magkaron ng instant reaction, matatandaan un ng kausap mo at maaalala nya kung saan sya dpt lumugar.

  15. tsk, tsk, tsk.. thats values percieved at home. witness a few when we do home visitation with our pupils. nakakashock sya and i felt an alien to that place… those “lambingan”stuff! no wonder…:((

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>